07: I Remembered Something Scary

141 21 1
                                    

Hindi inaakala ni Valeria na makakapunta agad si Arden sa opisina. It seemed like within less than 40 minutes, she already saw her figure approaching.






"You shouldn't have done that. Paano kung magkasakit ka after this?" Arden scolded her while pouring hot water into the small cup she handed her to drink.






Tapos na makapagpalit ng clothes si Valeria. Kung tutuusin nga ay kung hindi pa darating si Arden upang sabihan siya na magpalit ng damit ay hindi niya pa gagawin. Wala lang kasi talaga siyang lakas, naubos na. Mula nung nakita niya ulit si Johann ay bumalik ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kaniya. It was like being killed all over again.






She sneezed, and Arden clicked her tongue. "'Oh ayan, ayan na nga ba ang sinasabi ko 'eh. Sinisipon ka na!" malakas na sabi nito at inabot sa kaniya ang tasa. "Inumin mo na 'to, merong lemon citrus d'yan."






Kinuha niya iyon, "Thank you," at saka ininom.






Wearing her pajamas and having the jacket laid across her, the chill in her body eased over time. Kanina ay binuksan na rin ni Arden ang heater kaya maayos-ayos na ang pakiramdam niya. Pumapatak-patak pa rin ang ulan, pero hindi na gaano kalakas.






Arden crossed her arms and watched her repeatedly sip the hot water. "Don't just thank me girl. Sabihin mo rin sa akin kung bakit ka nagkaganyan."






Valeria sniffed while inhaling the scent of the ointment held in her hands. Her breaths were audible; she had to slightly open her lips because breathing through her nose was still difficult due to congestion.






"I saw him." sagot ni Valeria sa namamaos na boses.






Arden raised an eyebrow. Hindi nawala ang paningin nito sa mukha niya, marahil pino-proseso na nito sa isip kung sino ang tinutukoy niyang 'him'. "Who...?"






Valeria didn't answer. Muli niyang sinalinan ng mainit na tubig ang tasa saka ininom iyon. She noticed it was almost empty. A solitary tear broke free from her eye as she lowered the cup.






"Oh hell." bulalas ni Arden saka lumapit sa kaniya. "S-S-Si ano...?" alam niya na kung sino ang gustong sabihin na pangalan nito.






Tumango si Valeria. Just by that, Arden was left speechless. At ine-expect na ni Valeria iyon, kilalang-kilala niya ang kaibigan kaya hindi ito mahihirapan na hulaan kung sino ang lalaking tinutukoy niya. After all, he was the only man she had ever loved---her one great love and first love.






"Paano? Saan? Kailan?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Valeria sighed and reached for her bag to grab a cigarette.






Arden scrutinized her carefully as she ignited it. "Sa Guillermo's café." aniya at inipit ang sigarilyo sa bibig. "Nakita ko siya na umo-order." napapikit siya nang maalala na naman ang eksena na iyon. "Papaalis na sana ako pero," Valeria paused and exhaled smoke. "Pero tinawag niya ako."






Hindi makapaniwala na umiiling si Arden. "'Di ba nasa America siya? Paanong napadpad ang tarantadong 'yon dito?"






Valeria leaned back on the sofa, shrugged. "We know him. He can easily come and go in the Philippines. He has power."






"Tangina niya," Arden cursed. "The audacity na magpakita pa sa 'yo pagkatapos niyang gawin ang lahat ng 'yon?" gigil na sabi nito. Ramdam na ramdam ni Valeria ang galit na nagmumula kay Arden. While Valeria wished she could muster the same hatred towards that man, pero tanging inis lang talaga ang nararamdaman niya para dito, dahil ang mas pinaka-nangibabaw ay ang sakit. The all kinds of pain.






SIN: Valeria CarusoWhere stories live. Discover now