35: Now Who's Talking?

56 5 0
                                    

Maaga akong umalis sa penthouse ni Zevran dahil baka maabutan pa ako ni Elaina. Kahit gusto ko pa siyang makasama ng matagal, kailangan ko ng umalis. Nag-iwan naman ako ng note sa table niya at pinagluto ko siya ng almusal. It's been surprising lately. I find myself drawn to him more each day.





And I know that it has both good and bad effects.





Arriving home, I found them all busy preparing. Tamang-tama lang pala ang dating ko.





"Good morning,"





"Oh, Valeria? Saan ka galing?" si auntie. Napansin din ako nila mom and dad pero siya ang unang nagsalita. "Dito ka ba natulog? Hindi ka namin nakasabay sa almusalan."







"I woke up early," I replied to auntie as I helped mom organize the things we would take. "Where's Livia?"







"Nag-eemote ang kapatid mo. Kanina pa 'raw kasi siya hindi sinasagot ng boypren niya." si mom naman ang sumagot.





Hindi sinasagot? Bakit naman? Hindi kaya tulog pa rin hanggang ngayon si Zevran?





"Teka, bakit parang ang dami niyong dadalhin?" komento ko dahil walang tigil sila sa paglalagay ng mga gamit sa box. "Hindi naman kayo titira doon."





"Kumain ka muna, Valeria. Hayaan mo na ang mama mo d'yan." sabi ni dad sa akin pero umiling ako.





"Tapos na dad. Salamat."





Bumuntong-hininga si auntie. "Mukha kasing maganda doon sa lugar na pupuntahan natin. May beach, 'eh. Paborito ko kaya ang beach. Si Livia naman na ang nagsabi, magbakasyon tayo doon dahil doon niya rin gusto ganapin ang wedding."





Bigla akong napahinto. "You mean... a beach wedding? Akala ko ba sa simbahan ang gusto niya?"





"Alam mo naman ang batang 'yon... ang daming ka-ek-ekan." nag-tsk si auntie. Pansin ko na kanina pa hindi nagsasalita sila mom, siguro hindi rin sila maki-singit dahil sa pagiging madaldal ni auntie. "Ang bilis magbago ng isip niya, tsk, ang tanong, pumayag ba ang kasintahan niya sa ganoon? Bigla niya na lang kami ginugulat. Ano ba naman 'yung kumonsulta muna siya sa amin dapat tungkol hindi ba? Kapag nag-desisyon siya kailangan talaga mangyari kaagad, tsk."





"Let's just support Livia," I said calmly. "I trust she knows what she's doing. I believe it will turn out for the best."





"Bawas-bawasan mo ang pag-kunsinti mo sa kapatid mo, Valeria." seryosong sabi ni dad sa akin. Napa-buntong-hininga na lang ako.





We all paused at the sudden sound of what seemed like a crash. After exchanging looks, I quickly headed to Livia's room. I knocked on her door first.





"Livia... papasok ako 'ha?" then I turned the doorknob.





Pagbukas ko ng pintuan ay sinarado ko iyon agad. I looked for her and found her sitting in front of the mirror. Nang makita ko ang repleksiyon niya ay agad ko siyang dinaluhan.





I swallowed hard as I noticed the broken lampshade lying on the tiles. The light was off, and it was shattered into pieces.





"Livia..." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat habang nakatingin sa malungkot na repleksyon niya. Without any makeup, I could see the dark circles under her eyes, the redness, and the thinness of her cheeks.





SIN: Valeria CarusoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora