06: A Man Named Johann

168 25 1
                                    

One year ago.




Umakyat ako sa staircase papunta sa apartment ni Johann. It's noon, and I intentionally chose this time because I know he's at work, so I know that this is the right time to find out the real truth, about whom he's seeing other than me. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng kina-h-humalingan niya na ngayon.






I found a lot of evidences, sa phone, car at sa loob ng bag niya. Sa cellphone, nung minsan na nakita ko 'yon na nag-r-ring sa ibabaw ng table habang naliligo siya, nu'ng ni-check ko ang caller, Boss L ang pangalan. Trusting the name, I assumed it was just really his boss. Sinabi ko pa nga sa kaniya na paulit-ulit siyang tinatawagan ng Boss L na iyon, na naisip ko na baka may emergency. I foolishly believed his explanation na oo, emergency lang 'daw talaga.






Grasping the ladder tightly, I approach the entrance of his flat. And realizing the fact that I'm already here, nandito na ako sa apartment niya na never niyang ipinaalam sa akin--- na sinikreto niya na bilhin... para sa babaeng 'yon.






Sinusubukan ko na pigilan ang mga paghikbi ko habang patuloy akong umaakyat, ayoko naman kasi na maka-istorbo pa ako ng ibang kabahayan. As silent as my footsteps were, my heartbeat echoed loudly. It's difficult to breathe adequately, at iyon na siguro ang side effects kapag natatakot ka. Ironically, nakakatawang isipin na none of them wants to stop me, my heart, and my mind, hindi nila ako pinigilan na alamin ang totoo. And I think that's the reason why I keep on doing this, dahil maging ang emosyon ko ay sinasabi na sa akin na tama ang lahat ng mga ginagawa ko ngayon.






Even though I've lost count of how many times I pretended everything was okay when I was with him, patuloy ko pa rin siyang sinusuportahan kahit marami na akong nalalaman. I still cooked for him, kahit alam ko naman na he's already full galing sa date nila kasama ang new girl niya, nararamdaman ko na ako na lang ang pangalawang tahanan niya, pero tahanan niya pa rin nga ba akong maituturing magmula nu'ng naging sila?






With my trembling hands, kinuha ko ang duplicate key na nakuha ko mula sa landlord. I bit my lower lip firmly while turning the key in the lock.






This is it. I opened the door and stepped inside. There was a distinct feeling and atmosphere that cloaked me, naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo sa balat habang pinagmamasdan ang kabuuan ng apartment niya. It's... smaller than our house. Masasabi ko na hindi gaano ka-pricey ang mga gamit, sa totoo nga ay konti lang iyon, at talagang mga mahahalagang appliances lang ang mga nakalagay.






It's merely a modest apartment; in comparison to our house, I'd argue ours is superior-more spacious and filled with more possessions.






However, the distinction lies in the fact that this apartment is much more colorful, lively, and just....screams.... realness. I see passionate, rare, extraordinary, magical.... oh god.






Did I ever dream of something like this before? Did I ever wish that our home should be like this? Because it feels like I never did. Staring at their home, makes me think of them that, I don't think na lust lang ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Dahil kung pag-b-baliktarin pa ang sitwasyon, even if I continue to gaslight myself, nawala na ang lahat para sa amin. It has been many months since the two of them have been together, na kahit pa mas una ko siyang nakilala, wala na 'rin silbi, dahil alam ko naman na wala iyon sa tagal ng relasyon.






I know they wouldn't regret having an affair. Hindi na sila gumagawa ng kasalanan; gumagawa na sila ng pagmamahal, sinisimulan at sabay na pinapalago. At sa katotohanan na iyon, masakit, at palagay ko, hindi kailanman mawawala.






SIN: Valeria CarusoOnde histórias criam vida. Descubra agora