Nine: Huh?

2.1K 65 13
                                    

Park Ah Vin at the multimedia. Pogi noh? Deym.

Yvonne's POV

Kumakain lang siya habang ako naman ay nakatitig sakaniya.

May sakit ba ito sa utak o saltik lang?

Hello! I am one of those 23 years old women and he's just... 18 and he wanted to date me?

Gusto kong ma-flatter pero feeling ko nangcha-child abuse ako!

"Yah? Jebal hajimaseyo." Sabi niya bigla at nabalik ang mundo ko sakaniya.
(Translation: Hey, please stop it.)

Ubos na ang in-order niyang jajangmyeon. Black noodles siya na may radish. Basta masarap siya. Kaso hindi talaga ako ginaganahan.

"H-hah?" Pagtatanong ko. Aba malay ko kung minumura na pala niya ako. Mag aaral na nga ako nang basic korean bukas.

"I said stop it." Pag uulit niya at nagulat pa ako nang kuhanin biya ang bowl ko at inumpisahang kumain ulit.

Akin yon eh!

Nginitian niya lang ako at kumindat bago lumamon ulit. Napapa-shet nalang ako sa utak ko.

Chinito. Maputi. Matangkad. Katamtamang katawan.

Paalala niyo sakin na 18 lang siya ah?

Inalog alog ko ang ulo ko. Ano ba yan Yvonne! Ang landi landi mo eh may bata na nga jan sa sinapupunan mo!

Nang maisip ko iyon at agad kong inagaw sakaniya ang bowl. Gulat pa nga siya at sumayad pa yung noodles niya. Sayang naman.

"Mang aagaw toh. Tsk." Naiinis na bulong ko at sinimulang kumain.

Naiilang ako sa titig niya pero hinayaan ko nalang since masarap naman ang pagkain at nagutom nga ako bigla.

"Tayo nalang kaya?"

Muntik muntikanan ko nang maluwa yung kinakain ko sa narinig ko.

"Putspa ka marunong ka naman pala magtagalo-hah?!" Napatayo ako with matching sigaw at hampas pa nang chopstick sa lamesa.

Great Yvonne. Bukas nasa diyaryo ka na. Ang OA mo din eh. Ugh.

Hiyang hiya akong napaupo at itinakip ang buhok ko sa mukha ko.

"Sabi ko, tayo nalang." Biglang sabi niya.

Napatingin ako sakaniya nang masama at dinuro duro ko pa siya gamit ang chopstick. "Walanghiya kang lalaki ka. Pinahirapan mo pa ako eh Pilipino ka naman ata!" Reklamo ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Nah, my nanny is a Filipina, my dad's Korean and my mom's half American half Filipina." Paliwanag niya.

Ang dami niyang lahi. Kainis. Kaya pala kahit papaano ay may accent siya sa English. Iba padin kasi mag-english ang ibang Pilipino eh.

"Pero, tayo na talaga?" Bigla niyang tinanong at dahan dahan pa akong tumingin sakaniya.

"Pa-cool ka?" Medyo naiinis na sabi ko.

Ayoko kasi sa mga lalaking ginagawang biro ang isang relasyon. Kaya nga ata ako na-inlove ka-stop it Yvonne.

"Pa-cool? Nah. I'll take responsibility of what I said and am going to say to you."

Naangat ang tingin ko sakaniya. Nakangiti siya sa akin pero yung ngiting hindi nakakaloko.

"Hindi pwede." Matinong sabi ko.

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now