Forty Five: The Downfall

2.1K 53 7
                                    

Epilogue is next. Thanks for reading guys!

Yvonne's POV

Nabitawan ko ang pregnancy test. I tried another one, and another, and another. But all of them said one result.

Positive. I'm pregnant.

Di ko mapigilang umiyak. I'm not alone. I'm with another soul now. I'm with my baby now.

All of the memories of me being by myself and with Summer in my womb came back. Mahirap. Sobrang mahirap palakihin mag-isa si Summer. Mahirap mag-crave mag-isa. Mahirap alagaan ang sarili ko. Mahirap. But after all those pain I endured, there's Summer.

I felt like what happened ten years ago is happening again. It's like me choosing to be far from him, with a baby in my womb again. I can't help but to cry. I promise, this'll be the last time I'll cry. Because tomorrow, I'll be stronger. For my baby. For Summer's sibling and for Kean's child.

~~

Nagising ako na masakit ang sikmura. Agad akong dumiretso sa c.r at doon nagsuka. I felt like my stomache's tearing apart. Sumuka ako ng sumuka hanggang sa namanhin na ang sikmura ko. Bakit ngayon mas masakit kesa dati? Nagsusuka ako dati pero hindi ganito kasakit. I washed myself before heading out.

Naalala ko nanaman ang sinabi ng OB-gyne sa akin.

"You're 5 weeks pregnant Miss Creigh. Congratulations! I'll give you the list of the meds and vitamins you have to take."

Tila namanhid ako nung mga panahong iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero nangibabaw padin ang saya.

Napatalon ako nang may narinig akong tumunog. It's my phone. Alv's calling. Sinagot ko naman iyon. "Alvs." Bungad ko. Narinig ko ang tawanan sa background. He must be at a party. Pero maag pa ah?

"Hey! Kamusta na! Aba, inisnob mo na ako mula nong naging kayo ulit ni Kean ah! Ganyan ka na ba?" Natatawang sabi niya. Pero nang mabanggit niya ang pangalan ni Kean ay agad kong binaba ang tawag. D-mn! Nakalimutan kong nagtatago pala ako! Pinatay ko ang phone ko at itinago iyon sa isang drawer.

If I'm hiding, I should hide better. Maraming connection si Kean.

Thinking of the baby, I went out for a fresh air and for breakfast. Bigla kong natakam sa suha.

Lumabas muna ako at nakasalubong ko ang crew na nag-serve sa akin kagabi. Ngiting ngiti siya sa akin at binate ako. "Good morning ma'am! May kailangan po ba kayo? How's your stay?" He asked. I just smiled at him.

"Hmm... may nabibilhan ba dito ng suha? And, okay naman so far. The beach's great!" I said at ngumiti pa siya ng malawak sa akin.

"Alam niyo po ma'am? Buntis din po ang asawa ko at ayaw niya naman po sa suha. Baliktad po kayo, hehehe. Ako nalang ho ang bibili ng suha at ihahatid ko nalang mamaya sa room niyo." Sabi niya at ngumiti naman ako sakaniya. The crew's even nice. I feel so welcomed.

"Salamat!" Ani ko at ngumiti naman siya sa kain. Nakakahawa yung ngiti niya kahit papaano. "Walang anuman po! Enjoy your stay po!" Aniya at umalis na.

Naglakad lakad lang ako saglit sa labas at nagpa-araw ng konti. Nakahigh waist shorts ako at simpleng white cropped top. Buti na lamang at may nadala akong ganitong damit.

Matapos maarawan ng konti ay pumasok na ako sa aking unit. Ang init na masyado sa labas at gusto ko sanang mag-swimming kaso wala akong bathing suit. Ayoko namang magswimming ng naka maong shorts, nagkakarashes ako. Ayoko ding gumastos ng pera para lang sa swimsuit. Nahiga na lamang ako dito sa kama sa loob ng hotel, inisip na pwede pa akong makabawi ng tulog.

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon