Sixteen: Coffee Surprise.

1.7K 54 3
                                    

Last update for tonight. Enjoy guys! Please do leave some comments. :)

Yvonne's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng makitang nasa ospital ako. Sobang gulat ko ay nahilo hilo pa ako ng konti. Napahawak ako sa tyan ko at nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ang umbok doon. Safe ka baby. Salamat sa Diyos at safe ka.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko Yloisa na nagraragasang palapit sa akin. "Putspa kang babae ka! Sabi ko sayo tawagan mo ako kapag emergency!" Sigaw niya sa akin at na-shock naman ako sa inasal niya.

"Paano kita tatawagan eh hindi ko naman alam ang schedule ng emergency na nangyare!" Naiinis na sagot ko. Mukhang medyo kumalma naman siya at tinignan kung may sugat ako o galos. "Pasensiya na kung nasigawan kita. Duh! Malamang mag aalala ako. Nakakainis naman kasi, bigla akong makakatanggap ng tawag na isinugod ka daw sa ospital." Sabi niya at umupo sa may tabi ng hospital bed.

"Nalaman ng mama mo na nandito ka kaya siguradong parating na iyon. Tinawagan lang niya ang papa mo." Sabi niya at inilpag ang dala niyang gamit sa may lamesa.

"Sino pala ang tumulong sa akin? Naitanong mo ba sa nurse?" Tanong ko at napaisip siya saglit.

"Hindi. Ang tumawag lang sa akin ay ang mismong hospital na dahil ako daw ang nasa speed dial mo." Sabi niya. Napaisip naman ako, sayang naman at hindi nagpakilala ang tumulong sa akin.

Napatingin ako sa pinto at nakita dun sila mama at papa na mukhang nagmamadali. Agad silang sumugod at sa akin at gaya ng ginawa ni Yloisa ay tsinek din nila kung may galos ako or sugat.

"Anak! Sobrang nag-alala kami sayo at sa dinadala mo!" Sabi ni mama at niyakap pa ako. Naninibago talaga ako sakanila. Para parin akong nananaginip.

"Okay ka na? Wala bang masakit sayo? O nahihilo ka pa ba?" Sunod sunod na tanong ni papa at umiling iling naman ako bilang sagot. "Okay na po ako. Siguro ay napagod lang ako kakabuhat ng pinamili ko." Sabi ko at nakita ko naman silang nakahinga ng maluwag.

"Sino nga pala ang nagdala saiyo dito? Kailangan natin siyang pasalamatan!" Sabi ni mama at nagkatinginan kami ni Ysa (short for Yloisa)

"Hindi ho nagpakilala eh. Sayang nga." Sabi ko at tumango tango nalang si mama.

Maya maya lang ay pumasok ang isang doctor at isang nurse. Napatingin ako sa bruha dahil ang laki ng ngisi niya. Paano? Eh ang gwapo nung doctor.

"Seems like you're her parents." Sabi ng doctor at agad akong napatingin kay Ysa na kinalabit ako. "Paker be, inglisyero, hahaha!" Mahinang bulong niya at napatawa naman ako, ito talagang babaeng toh! Sinamaan ko siya ng tingin at napahagikhik lang siya sa sulok.

"She fainted because of stress and lack of sleep. It's not good for a pregnant woman to lack sleep, especially to the baby. I suggest for you to check her condition regularly and it's better if she has someone beside her that can monitor her all the time." Sabi ng doctor at natatawa nalang ako dahil si Ysa ay bulong ng bulong sa akin. "Tuhray Yvs, monitor, big word! " Exagge na sabi niya. Ugh! Hindi tuloy ako makapag-focus!

"Uhm, can we ask if she can still work?" Tanong ni papa at napatango naman ang doctor. "She can still work but not heavy works and she should still balance her time. But I'm afraid that she'll have to stop working when she's about eight months pregnant. It'll better for her to rest for that period." Sabi ng doctor at natatawa talaga ako. Ang harot harot ni Ysa!

"Okay doc, salamat." Sabi ni mama at napalakas ang tawa ko ng tingnan siya ng masama ng doctor at ang bruha, natahimik sa sulok. Yan! Tatawa tawa ka pa ah! Hahahaha! Lumabas na sila ng nurse niya at natawa talaga ako kay Ysa, lakas ng loob eh!

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now