Forty One: The Company

1.7K 54 6
                                    



Late Update. Enjoy!

Yvonne's POV

"Yvonne!"

"Ma!" Agad akong tumakbo papunta sakaniya. Nakita ko ang tumulong mga luha niya at hindi ko na din napigilang mapaiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at napabitiw naman ako sa mga kamay ni Kean.

"Sshh, ma. A-anong nangyare?" Tanong ko sakaniya at patuloy naman siya sa paghikbi. Maya maya lang ay medyo tumahan na siya. Marahan ko siyang itinungo sa isang sofa malapit sa bed ni papa.

"Akala ko po... akala ko po gising na si papa?" Tanong ko kay mama at namula nanaman ang kaniyang mata.

"N-nagising siya kanina Yvonne! Alam kong nagising siya. Hinawakan niya ang kamay ko anak. Sobrang higpit parang ayaw niyang bumitiw. K-kaso..." Napigil ang pagkukwento niya ng maiyak nanaman siya. Inalo ko siya hanggang sa tumahan na ulit siya ng konti. "B-bigla siyang hindi nanaman makahinga. Hanggang sa nanginig ang katawan niya. Yvonne hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahong iyon. Yung panahong wala akong magawa. Hirap akong tumawag ng doctor dahil nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ko. Sobrang sakit..." Pag-iyak niya sa akin at naiyak na din ako. Gusto kong pigilan ang luha ko at maging malakas para kay mama pero hindi ko na kaya. Nasasaktan akong nakikita siyang ganyan.

"Ssshh, ma, magiging okay din ang lahat. A-atleast, nagising na siya. Magandang sign siguro iyon." Sabi ko kay mama. Matagal na ding nakahiga si papa sa kamang iyan.

"Sana nga anak. Sana." Tanging sabi niya sa akin at niyakap ko nalang ko. Nakita ko naman si Kean na nakatingin sa amin at halatang gusto niya din akong aluhin.

Napatayo kami ng may makita kaming doctor na pumasok. "Doc!" Ani ko at lumapit naman siya sa amin.

"Kanina ay nagising nga ang pasyente. Magandang sintomas ito dahil matagal na din nating hinihintay ang kaniyang paggising. Maaaring magkaroon ng ganitong pangyayare sa susunod na mga araw kaya't magandang ihanda natin an gating sarili at huwag tayong masyadong mag-panic. Ngayon ay nasisigurado na nating... hindi na masyadong malala ang kaniyang sakit. Magrereseta ako ng gamot." Sabi niya at sinundan naman siya ni mama para mahingi ang mga gamot na kailangan.

Napaupo ako. Nanghihina. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang naramdaman ni mama kanina. Wala ako sa tabi niya kanina at hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Naramdaman kong may mga brasong yumakap sa kaing katawan. At tila ba nagging magaan kahit konti ang aking pakiramdam.

"Magiging okay din tito. Don't lose hope my woman. Because he's fighting a life and death situation right now. So, have faith in him." Bulong niya sa aking tenga at marahan akong hinalikan sa noo. Wala akong ibang magawa kundi ang tumango na lamang at ang pagkalma sa aking sarili.

~~

"Ma!" Bati ko kay mama at napalingon naman siya samin ni Summer. It's been three weeks nung huling nagising si papa. Alam kong nasasaktan padin si mama pero lalo kaming ginanahang umasa nitong mga nakaraang araw.

Minsan ay nagalaw ang kaniyang daliri, o kaya ay ang kaniyang kamay. Minsan naman ay ang kaniyang paa. Sabi ng doctor at konting pasensiya na lamang ang kailangan namin. Dahil malakas daw ang pasyente, malakas si papa. At kailangan din naming maging malakas para sakaniya.

NIyakap ni Summer si mama at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa nangyare sa araw nila. Naramdaman ko ang mainit na bisig na yumakap sa likod ko at hinayaan ko lang siya.

"You fine?" Mahinang bulong niya sa aking tenga na nagbigay kiliti sa aking buong pagkatao. Ugh. Tumango ako sakaniya at pinaglaruan lang ng matangos niyang ilong ang aking tenga. D-mn Kean, wag dito sa ospital!

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz