Forty: Punishment

1.8K 55 2
                                    

I guess mae-extend ang GBGB hanggang 45 chaps dahil ayokong madaliin ang ending. After this maybe I'll try to edit it again dahil medyo magulo sa umpisa. 


Medyo SPG. Hahahaha! Hindi ako humihinga habang tinatype to. Hahahaha! Enjoy!

Yvonne's POV

Napatawa ako sa hitsura ngayon ni Kean. Nakina Alvs si Summer, kasama niya din si Ysa ang bago nanaman nitong boyfriend. Namiss na daw kasi nila si Summer kaya pinagbigyan ko na din sila. At mukhang kailangan ko pang suyuin ang lalaking ito.

Naalala ko pa ang sinabi ko sakaniya nung family day nila Summer...

"K-kean..."

"Please my woman. Please be my official woman. Marry me please?"

"I...."

Nakita ko ang kaba at takot sa mga mata niya. Napangiti ako sakaniya ngunit..

"I... I'm sorry Kean."

Nakita kong napatingin siya sa singsing at kitang kita ko pagabigo sa kaniyang mukha. Ugh. Hindi ko naman kasi in-expect ito. Hinila ko siya patayo at niyakap.

"I'm sorry Kean pero... hindi pa eh. Hindi pa ko handa." Sabi ko at naramdaman ko namang niyakap niya din ako pabalik. Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao. Bumukas ang ilaw at nakita kong may mga rose petals na sa sahig. Biglang may tumugtog at lalo pa akong nanghinayang.

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko. Inilagay niya doon ang box ng singsing at napatingin naman ako sakaniya. "Sayo yan Yvonne. I won't take it back because it belongs to you. Wear it when the right time comes." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Naghiyawan naman ang lahat at naging masaya ang tugtog.

Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nagmamaktol padin siya. Nainis nga pati si Summer sa akin nung tumanggi ako kay Kean. Nagtampo silang dalawa pero yung kay Summer ay humupa na. Pero itong si Kean...

"Ugh! Yvonne naman!" Reklamo niya. Nandito kasi kami sa may kama niya. Nagtitipa siya sa kaniyang laptop habang ako ay nakadapa at nagbabasa sa cellphone ko.

"Hala, inaano ka ba?" Natatawang sabi ko sakaniya. Halata ang pagkainis sa kaniyang mukha nang binaba niya ang kaniyang laptop at kinuha ang comforter sa may paanan namin. Itinakip niya iyon sa aking hitang kanina pa naka-exposed.

Paano ay nagsasawa na akong suyuin siya. Hindi naman sa sumusuko na ako, pero kailangan ko nang gamitin ang kahinaan niya. Humanda ka Kean Montesalve dahil lalandiin ulit kita.

"Ano ba! Mainit kaya!" Reklamo ko at tinanggal ang nilagay niyang comforter. Na-expose nanaman ang hita ko dahil naka-cycling lang ako. Suot ko din ang isang sando niya na malaki sa akin kaya medyo kita ang panloob ko.

Kita kong napahilamos niya ng kaniyang palad sa kaniyang mukha atsaka nilapag nanaman ang laptop niya. Naiinis padin niyang ibinalik ang comforter sa akin. Tatanggalin ko na sana nang bigla niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Stop teasing me my woman." He said. His nose is touching mine and I can easily smell his manly perfume. "Stop it or else..." He whispered in my ears that made my whole body shiver.

"Or else what?" Panghahamon ko sakaniya at nakita ko ang kanina ko pang inaasam na makita sa kaniyang mga mata.

"Nevermind." Balewala niya pero hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito na hindi padin nawawala ang tampo niya.

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now