Forty Three: The Choice

1.7K 48 9
                                    

Yvonne's POV

Natigilan ako nang may naramdaman akong may nahalik ng pisngi ko. Agad akong napadilat at nakita ko ang mga ngiti sa kaniyang mukha. Ngumiti din ako sakaniya bago niya akong siniil ng isang malalim na halik.

"Ano ba yan, nakakahiya naman sayo. Di pa ko nakakapag toothbrush." Sabi ko at natawa naman siya. "I've seen you drool, Yvonne. I've heard you snore. I've known all your flaws and still, I love you." Sabi niya at mas inilapit ang aking katawan sakaniya. Di ko mapigilang kiligin nang maalala ko ang napagdesisyunan ko kagabi.

Itinulak ko siya ng biglang bumukas ang pinto. Itinakip ko ang kumot sa aking katawan nang makita si Summer na may hawak na grocery bag. "Mommy! Daddy! Mamaya na po kayo ulit jan sa bed! Help me bake!" Sabi niya at itinaas ang plastic. Napalingon ako kay Kean na nakangiti kay Summer.

"Give us a minute or two baby. Bibihisan ko lang ang mommy mo." Sabi ni Kean at agad namang namula ang mukha ko. Hinampas ko siya sa braso at natawa naman sila ni Summer.

Lumabas na si Summer at sinamaan ko lang ng tingin si Kean. Tumayo na ako at binalewala ang mga sipol niya. Dumiretso ako sa banyo at di ko naman alam na nakasunod lang siya. Naramdaman ko ang paghalik halik niya sa aking leeg at mabilis ko naman siyang sinaway. "Kean! Naghihintay si Summer!" Suway ko at tinawanan niya lang ako.

"C'mon. Parang napipilitan ka ah? You should be lucky because your husband's smoking hot." Biro niya at laking kilig ko nang sabihin niya ang salitang husband. Di ko nalang siya pinansin at naligo.

Yung two minutes ay umabot ng thirty minutes dahil sa kakulitan ni Kean sa banyo. Pambihira, para siyang bata!

"Daddy ang tagal niyo!" Reklamo ni Summer at kinarga naman siya bigla ni Kean at umaktong ihahagis ito sa ere. Jusko! Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba kanina!

"Daddy!" Reklamo ni Summer kahit na natawa. Nagtawanan lang sila doon sa sofa habang kinukulit ni Kean si Summer. Di ko mapigilang mapangiti sakanilang dalawa.

"Oh? Akala ko ba ay magbebake tayo?" Tanong ko at nagkatinginan pa sila bago pumunta dito sa kusina.

"You two should bake, ako maghahanda ng breakfast? 'Kay?" Tanong ko sakanila at nagloloko silang nagsalute sa akin. "Yess commander!" Agad nilang binuksan ang isang booklet na nakalagay kung paano magbake ng cookies, cupcake, muffin at kung ano ano pa.

Nagprito lamang ako ng bacon, hotdog, egg at fried rice. Gumawa ng simpleng soup at inilapag na ang mga iyon sa lamesa. Pagtingin ko sa orasan ay nakita kong tatlumpung minute nap ala ang nakalipas. Napalingon ako sakanilang dalawa at laking gulat ko sa itsura nila ngayon.

Mukha silang naligo sa harina. Nagkalat din ang mga pack ng ingredients at may mga nakakalat pang kung ano anong may kinalaman sa baking. Napahilamos ako ng mukha nang makita nilang nakatigin ako. Nginitian lang nila ako at nagulat pa ako nang nagkatinginan sila at mukhang may pinaplanong di maganda.

Unti unti kong nahulaan ang plano nila at unti unti din silang lumapit sa akin. Agad akong naglakad palayo at tumakbo na din sila papunta sa akin.

"Come here commander!"

"Mommy! Halika dito! Hahahaha!"

Tawa kami ng tawa habang naghahabulan sa buong first floor. Nakita kong nadudumihan na ng husto ang mga furnitures at di ko mapigilang mapahilamos ang palad ko sa mukha ko. Nagulat ako nang ma mga brasong yumakap sa likod ako. Sinubukan kong makawala ngunit mas malakas siya sa akin.

"Summer! Attack!" Sabi ni Kean at natatawang pinahiran ako ni Summer nung batter. Omg! Ang lagkit lagkit ko na!

"Hwag! Ahhh!" Pagpupumiglas ko kaya lalong kumalat ang batter sa mukha ko.

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now