Thirty Nine: Family Day

1.9K 54 11
                                    

#StayStrongKean

#KeanInPink Lols. Bored ako eh. Comment down your feels! Enjoy!


Chapter 39: Family Day

Today is Summer's most awaited day. Family Day.

Napatingin ako kay Kean na nakasimangot kanina pa. Paano ba naman eh pinilit siya ni Summer na magsuot ng Pink. Dahil iyon daw ang assigned color ng shirt ng parents according to her level. Natatawa talaga ako sa itsura ngayon ni Kean.

Idagdag mo pa na medyo fitted sa katawan niya ang v-neck shirt dahil hiniram daw ni Summer kay Alvs yung damit. Sadyang mas... malaki ang katawan ni Kean kumpara kay Alvs.

"I hate this." Sabi lang niya at binigay ko na sakaniya ang bag na dadalhin. "C'mon. Don't be so nega Kean. You look good to me." Sabi ko at medyo napangiti naman siya. Sus, kaya nalaki ulo eh.

"Fine. As long as I look good to you, I don't need others' opinion anyways." Aniya at hinawakan ang kamay ko. "Let's go. Baka ma-late tayo." He said at lumabas na kami ng bahay.

"Daddy! Nae-excite talaga ako! Dati, palaging kami lang ni mommy. Now I have a complete family!" Sabi niya habang pasakay kami ng sasakyan ni Kean.

Nung nalaman ni Kean na niregaluhan ni Alvs si Summer ng kotse ay medyo nainis siya. Bakit daw kailangang kay Alvs pa manggaling iyong ganoong bagay kung kaya naman niyang bigyan si Summer ng ganon. Kung hindi ko pa siya hahalikan eh hindi pa lalamig ang ulo niya. Abnormal talaga.

"This time, I'll make sure we're always complete Summer." Sabi niya at tinitigan pa ako. Napaiwas lang ako kasi... kasi naman... kinikilig ako. Azar.

Pagkatapos ng ilang minutong drive ay nakarating na din kami sa school nila. Maganda ang pagkakaayos ng school nila ngayon. May mga balloon na nakasabit sa ibang part ng walls at ay tarp na nakalagay na Happy Family Day to all! May all enjoy their day with their beloved parents!

Nagparegister na kami at nilagyan kami ng pangalan sa may bandang dibdib. Napansin ko ngang nakabusangot si Kean sa lalaking naglagay sa akin ng name. Agad niya akong hinawakan sa bewang pagkatapos. "Bwisit na nilalang na yon. Kung alam kong don lalagyan sana ako nalang naglagay. Bwisit." Bulong niya at natawa naman ako.

Abnormal na Kean ko.

Nang magsimula na ang program ay may mga tumugtog na parents kasama ang anak nila. Maraming nag-perform sa harap hanggang sa -announce ng lalaki na pumunta daw lahat ng family sa harap. Hinila naman kami ni Summer doon at nag explain ng konti ang emcee tungkol sa game.

Kailangan daw magsuot ng bistida ang mga daddy tapos kailangan nilang umikot sa mga asawa nila at... nakawan ito ng halik sa pisngi, pagkatapos ay pupuntahan nila ang anak nila na may hawak na basket. Kailangan nilang makabalik kasama ang anak nila at ang asawa nila sa start. Ang pinakaunang matapos ang panalo ng rice cooker.

"Game na po ba ang lahat?! Okay! The game starts... now!" Malakas na sabi ng emcee at halos umingay na sa gymnasium nang mag cheer ang lahat sa kni-kanilang pamilya.

"Go Kean! Daliii!" Pagchi-cheer ko sakaniya at di ko mapigilang matawa sa istura niya ngayon.

Mukha kasi siyang challenged na challenged dahil wala siyang paki kung baliktad ang pagkakasuot ng bistida, basta maisuot niya lang. Nasa harapan kasi ang zipper which is dapat nasa likod. Nang makadating siya sa akin at agad siyang umikot at hinalikan ako sa pisngi. "Cheer for me more my woman." Sabi niya at hinalikan nanaman ako. Badtrip! Kinikilig na ko ng sobra ah!

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now