Twenty three: NO!

1.6K 51 7
                                    


At dahil baeday ngayon ni papi Alden. May update kayo. Happy birthday para sa pinakamamahal kong asawa. Charot. HAHAHAHHA. Enjoy reading.

Yvonne's POV

Nagmamadali akong magmaneho nang may tumawag nanaman sa aking magulang ng classmate ni Summer. Magda-dalawang lingo na din siyang napasok sa school at pangatlo na itong reklamo laban sakaniya. Minsan nga umabot sa punto na hindi kami nagpansinan ng dalawang araw dahil sobrang nainis ako sa rason niya.

"A-ayoko kasi sakaniya! Ang pangit niya!" Nang sabihin niya iyon ay sobra talaga akong nainis. Hindi ko ganyan pinalaki si Summer at alam kong may nililihim siya sa akin pero sumosobra na siya.

"Miss Cleigh. Pangatlong bisita mo na ito sa loob ng dalawang lingo. Hindi ko akalain na ganito ang ugali ng anak ninyo. I'm sorry pero kailangan niyo siyang ilipat ng eskwelahan kung magpapatuloy pa ito." Sabi ng principal at napapikit naman ako ng mariin. It can't be. Ito na ang pinakamalapit na eskwelahan sa bahay at sa opisina namin.

"Ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa ng anak ko. She's wrong and I hope you could forgive her. But please, huwag niyo naman siyang i-expell." I begged and I saw she tried to consider my apology.

"She bullied another student Miss Cleigh. And it's a transferee student. Kung hindi pa nagsumbong ang mga classmate niya ay hindi pa namin ito malalaman. Please, try to talk to your daughter. If these kinds of actions continues, I'm sorry but you have to transfer her." Sabi ng principal at lumabas na ako.

I saw her. Nakaupo siya sa bench sa school nila sa garden. May lalaking bata na nagbibigay sakaniya ng chocolate drink pero hindi niya ito pinapansin. I doubt why, favorite pa naman niya ang chocolate drinks.

"Summer Keanna Montesalve!" Pagalit na tonong tawag ko sakaniya. Nakita kong napalingon silang dalawa at tumakbo papunta sa akin si Summer. Sumunod naman ang lalaki.

"Tara na mommy! I hate him!" Sabi niya at hinila ang damit ko. Pero hindi ko siya pinakinggan at lumapit ako sa lalaki. "Hello, what's your name and friend ka ba ni Summer?" Tanong ko at ibinigay naman niya sa akin ang chocolate drink na hawak niya.

"I'm Tyron Guttierez po. Nililigawan ko po si Summer." Sabi niya at napanganga naman ako sa sinabi niya. What the hell! My Summer is just ten! Grade 5 lang siya! "Pakibigay nalang po sakaniya itong drink. Make sure that she drinks it mama. Mama na tawag ko sainyo kasi future mommy ko na din kayo." Sabi niya at halos maubusan ako ng hininga sa sinasabi niya.

Nakita kong lumapit siya kay Summer at nagulat ako nang mabilis niya itong hinalikan sa pisngi sabay tumakbo. Nakita ko namang namumula ang mukha ng anak ko at pumulot pa ng bato para ibato dun sa lalaki kanina. Si Tyron.

Napatingin siya sa akin at inasar ko naman siya ng mapang-asar na ngiti. Inirapan niya lang ako at pumunta na sa kotse. Hays, mana talaga sa akin.

~

"We're not yet over Summer. Why did you do that? Bakit ka nangbu-bully?" I asked her. Nakaupo siya sa may sofa sa sala habang ako ay nakapamewang sa harap niya.

Hindi siya sumagot kaya naman napahawak ako sa sintido ko at hinilot ko iyon ng konti. I've been lacking on sleep these days. Kulang sa kain, kulang sa pahinga. And ito pa madadatnan ko? Nakakapagod.

"Summer Keanna! Hindi mo ba ako sasagutin?! I'm asking you!" I told her and I saw her eyes water. Ugh! I'm just asking, bakit ang hirap niya sumagot ng mahinahon? I don't want her to cry pero ayokong lumaki siyang bully.

"Keanna!" Muling tawag ko at napalingon naman siya sa akin.

"Because natutuwa ako!" Sabi niya at napanganga naman ako sa sagot niya. She even shouted at me. Madalas naman kami mag-away pero hindi ko gusto na sinisigawan niya ako.

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Where stories live. Discover now