CHAPTER 2

20 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 2

PRESENT TIME

ANDREI FELIX HIDALGO

Grabe naman iyong babaeng iyon! Kung makabunggo parang lalaki. Pero hindi ko maitatanggi na ang ganda niya. Ilang araw na ang nakalipas mula nang magkabungguan kami ng babaeng iyon at hanggang ngayon hindi siya maalis sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit.

By the way, I'm Andrei Felix Hidalgo, first year BSBA, eighteen years old and I'm certified nerd. Yup, nerd ako pero wala naman akong pakialam dahil gusto kong mag-aral nang mabuti para kapag ako na ang mamamahala nang mga negosyo namin, may alam na ako. Oo nga pala, kung nagtatanong kayo kung ano mga negosyo namin, malalaman niyo rin yan. Mayabang ba? Medyo. Hehehe.

Anyway, hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo, NGFSB ako, as in never pa akong nagka-girlfriend. Gusto ko kasi sa isang babae iyong tanggap ako kung ano ang itsura ko na kahit nerd at baduy ako, mamahalin ako. Sabi nga ng bestf riend kong si Angelique na ngayon ay nasa America, gwapo naman daw ako kung mag-aayos, pero ang sagot ko sa kanya, kung mahal talaga ako dapat tanggap niya ako. Saka ito secret lang natin, ito? Wala pa akong experience kahit first kiss! Hahaha! Inosente ba? Kasi naman puro study na ang inaatupag ko since kinder!

Tama na nga ang kwento sa talambuhay kong hindi naman kaabang-abang. Papunta na ako sa boys restroom ng unti-unting kumunot ang aking noo. May narinig kasi akong mga ungol.

Syempre out of curiosity ay titignan ko. Nakasarado ang pintuan ng boys restroom. Sa totoo lang, kabado ako at kahit na may bahagi sa akin na nagsasabing huwag ko na lang ituloy ang binabalak ko ay tinuloy ko pa rin kasi mas nanaig ang curiosity ko. Siguro pusa ako sa past life ko kaya masyado akong curious sa mga bagay-bagay.

Dahan-dahan kong binuksan at nanlaki ang mga mata ko dahil tumambad sa akin ang dalawang taong naghahalikan, isang babae at isang lalaki. 'Yung babae, halos mahubad na ang blouse at kita na ang suot nitong bra na kulay pula, samantalang iyong lalaki naman nakahubad na ng polo. Syempre gulat ako sa nakita ko pero mas nagulat ako nang makita ko na iyong babae pala na nakikipaghalikan ay iyon palang nakabunggo ko noong isang araw. Grabe! Para siyang gutom na leon kung makipaghalikan, ang aggressive niya.

Ilang sandal lang ay napatingin sa akin iyong lalaking kahalikan niya. Pucha! 'Yung mga virgin eyes ko!

"Hon, may tao," bulong nu'ng lalaki na narinig ko naman.

"So?" sagot naman niya sa malamig na tono.

Tumingin sa akin iyong babae at ngumiti nang nakakaloko. Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mga oras na iyon habang nakatitig ang mga mata ko sa kanya.

"Wanna join?" tanong niya sa akin sa nang-aakit na tono. Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko.

Umiling-iling lang ako ng mabilis. Pero siya mas lalong ngumiti at nag-smirk pa. Parang napako ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko ito maigalaw.

Umalis siya sa harapan nu'ng kahalikan niyang lalaki kanina at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nagulantang na lamang ako nang makalapit siya ay kaagad niya akong isinandal sa pader. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Tumingala siya nang tingin dahil mas matangkad ako sa kanya. Unti-unti niyang tinanggal ang suot kong salamin. At ang sunod niyang ginawa ang mas lalong nagpakabog sa puso ko, hinalikan niya ako sa labi na ikinahinto ng aking mundo.

"Ang gwapo mo sana kaso hindi ka marunong humalik," nakakalokong bulong pa niya matapos niyang dampian ang labi ko ng labi niya.

Nahiya naman ako at napayuko. Siguro pulang-pula ang mestiso at makinis kong balat dahil sa pagkapahiya. Grabe para lang akong bakla sa lagay ko ngayon.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now