CHAPTER 25

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 25

ANDREI FELIX HIDALGO

Masayang-masaya ako ngayong araw. Bakit?

Kasi birthday ko!

Kaso medyo nalulungkot din ako. Bakit ulit?

Kasi hindi pa ako tinatawagan ni Carie.

Alam kaya niya na birthday ko ngayon? Sa pagkakaalala ko kasi nasabi ko 'yon sa kanya. Nakalimutan kaya niya?

Haaay! Ewan!

'Di bale, ipapaalala ko na lang sa kanya mamaya. Minsan kasi may pagkamakakalimutan din siya. Hindi naman ako magtatampo kung makalimutan man niya.

Nakapamulsa pa ang dalawa kong kamay habang papasok ng school nang mapansin kong maraming tao sa paligid. Nangunot ang noo ko. Anong meron?

Isa pa sa napansin ko ay ang daming lobo na kulay sky blue. 'Yung iba ay nasa lapag lang at ang iba ay nakalutang sa ere. Favorite ko ang kulay na 'yan. Lahat ng shade ng blue paborito ko.

Mas lalo pang kumunot ang aking noo at inayos ko ang pagkakasuot ng salamin sa mata dahil biglang humawi iyong mga tao na nakaharang sa quadrangle nang makita nila ako. Ano ba kasing meron?

Hanggang sa huminto ako sa paglalakad at manlaki na lamang ang mga mata ko at inayos ko pa ang salamin ko sa mata dahil baka malabo lang ang tingin ko.

Pero hindi ako nagkamali, sa dulo, nakatayo doon si Carie at nakangiti. Nakasuot siya ng sky blue dress na hanggang itaas ng tuhod niya ang haba. Hala! Sa tingin ko ay hindi niya nakalimutan na birthday ko. Hindi ako makapaniwala. Gulat na gulat ako. Totoong nasorpresa niya ako.

Dahan-dahang naglakad si Carie palapit sa akin. Para na ngang napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng aking puso habang siya'y palapit.

Habang palapit si Carie ay biglang pumailanlang ang isang romantikong kanta na minsan ko nang narinig sa music streaming application.

Parang biglang naging slow motion ang lahat. Si Carie lang ang nakikita ko at kami lamang ang nasa lugar na ito.

Hanggang sa nasa harapan ko na siya. Nakatingin lamang ako sa mukha niyang sobrang ganda sa paningin ko.

"Happy birthday, Andrei!" natutuwang pagbati niya saka matamis na ngumiti. Sabi ko na nga ba at hindi niya nalimutan. Mas lalo tuloy akong natuwa.

Napangiti ako. Kinagat ko pa nga ang ibabang labi ko para mapigilan ang sobrang pagngiti. Mahirap na at baka mapunit pa ang bibig ko kapag naging abot-tenga ang ngiti ko. Hahaha!

"Special ang araw na ito for you kaya naman naghanda ako ng special na regalo para sayo," malambing na wika ni Carie habang nakatitig sa akin.

Napatingin ako sa likod ni Carie. Nanlaki ang mga mata ko dahil may LED screen na pala dun na hindi ko napansin kanina. Isa-isang nagfa-flash sa screen ang mga litrato naming dalawa simula ng mag-date kami.

Napangiti ako ng malaki. Ang dami na rin pala naming pictures together at hindi ko man lang namalayan iyon. Kunsabagay, kapag talaga masaya ang tao, nakakalimutan ang paglipas ng mga oras hanggang sa mawalan ka na ng pakiealam pa dito.

Hanggang sa manlaki na lamang ulit ang mga mata ko dahil sa huling nakita ko sa LED screen. Lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko.

"I love you, Andrei."

Mabilis na napatingin ako kay Carie. Nakakatuwa nang mabasa ang mga katagang iyon pero mas nakakatuwa na marinig iyon mismo ng mga tenga ko.

Ngumiti nang matamis si Carie. Kuminang ang mga mata niya. Maya-maya ay may sinenyasan siya at lumapit naman kaagad ito sa kanya at ibinigay ang cake sa kanya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon