CHAPTER 24

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 24

CARIEDEE ANDERSEN

Ilang linggo na rin simula nang manligaw si Andrei sa akin. Infairness naman sa kanya, he amused me everytime na may ginagawa siya para sa akin. Hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa mga actions niya, sa pagbibigay ng bulaklak at chocolates at sa mga dates namin.

Hindi ganun ka-perfect ang mga naging dates naming dalawa dahil first time lang niya gawin iyon pero gayunpaman ginagawa pa rin niya ang kanyang best para mapasaya ako.

Minsan nga, nag-date kami sa theme park dahil dinala niya ako doon at sumakay kami sa halos lahat ng rides. Nakita ko 'yung childish side niya at ang cute lang for me kasi... ang cute-cute lang talaga niya. Haaay! Napapangiti at kinikilig na naman ako.

Masayang kasama si Andrei at hindi ako nabo-bore kapag nasa piling niya. Sa haba ng panahon na nakikipag-date ako noon sa iba't-ibang klase ng lalaki, kay Andrei ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat. Pakiramdam ko kasi, ginagawa niyang espesyal ang bawat pagkakataon na kasama ko siya at gustong-gusto ko naman iyon.

"Anong ginagawa natin rito?" tanong sa akin ni Andrei. Yes, magkasama kami ulit dahil alam niyo na, date.

Tiningnan ko si Andrei. Ningitian ko siya.

"Alam ko kasing hindi ka pa nakakapunta dito kaya naisip ko na dalhin ka rito," sagot ko.

"Pero-"

"Relax. Akong bahala sayo," putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Kumamot naman si Andrei sa kanyang batok. Napangiti na lang ulit ako.

Pumasok na kami sa loob ng bar. Yes! Sa bar ko dinala si Andrei. Kung dinadala niya ako sa mga lugar na alam niya syempre dapat dalhin ko rin siya sa lugar na alam ko. Sa wholesome bar ko naman dinala si Andrei at hindi sa kabastos-bastos.

"Dapat sa park na lang tayo pumunta o 'di kaya sa mall," wika sa akin ni Andrei.

"Okay na dito," nangingiting saad ko. "Saka hindi naman masyadong madilim hindi kagaya ng alam mo tungkol sa bar kasi dito, wholesome ito at parang karaoke bar lang," dugtong ko pa.

Tumango-tango na lamang si Andrei saka inayos ang suot niyang salamin sa mata.

"Saka gusto ko, kasama mo ako sa mga first mo kagaya ng pagpunta mo dito sa bar," wika ko pa sa kanya.

Napatango-tango na lamang muli si Andrei.

"Oh? Bakit ka namumula?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.

"Ha? Hindi, ah!" tanggi niya saka mabilis na nagbawi nang tingin sa akin na ikinatawa ko.

"May kakaiba ka sigurong iniisip sa first, 'no?" tanong ko. Diniinan ko pa ang salitang first.

"Hindi kaya!" Todo tanggi si Andrei. Ang bilis pa nang pag-iling-iling niya.

Mas lalo na lamang akong napangiti. Hay! Ang cute niya talaga.

Naghanap kami nang mauupuan hanggang sa makahanap kami at doon kami pumwesto kung saan nasa harapan lang kami ng stage.

"Anong gusto mong inumin? Alak? Juice? Tubig?" sunod-sunod na tanong ko. "O mas maganda kung alak," dagdag ko pa saka ngumiti nang nakakaloko. Ako talaga ang bad influence.

"Juice na lang," sagot ni Andrei.

"Hindi ka ba umiinom ng alak?" tanong ko.

Umiling-iling si Andrei.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now