CHAPTER 45

2 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 45

THIRD PERSON

Magkaharap na nakaupo sa hapag-kainan sila Ellaine at Harris na kakauwi lamang galing sa trabaho. Pinagsasaluhan nila ang nilutong pagkain sa hapunan ni Ellaine. Nasa loob naman na ng kwarto nila ang kambal at masayang naglalaro.

Tiningnan ni Harris si Ellaine. Kumunot ang noo niya dahil napansin niyang may malalim itong iniisip. Minsan kasi ay natutulala ito at nakatingin lamang sa pagkaing nasa plato nito.

"Okay ka lang ba?" pagtatanong ni Harris. Mababakas sa boses niya ang pag-aalala.

Bumalik naman sa mundo si Ellaine. Nag-angat siya ng mukha at tiningnan niya ang asawa. Kumunot ang noo nito.

"Napansin ko lang kasi na parang may gumugulo sayo, pwede ko bang malaman kung ano 'yon?" tanong ni Harris saka ngumiti nang maliit.

Ningitian ng maliit ni Ellaine si Harris. "Wala. Hindi lang kasi maalis sa utak ko 'yung nangyari kanina sa toy store. Napagkamalan kasi akong kakilala nila," aniya.

Nagsalubong ang makapal na kilay ni Harris. "Napagkamalan kang ibang tao?" tanong niya. Bigla rin siyang kinabahan matapos niyang itanong iyon.

Marahang tumango si Ellaine. "Parang ganun na nga," kanyang sagot. "Anyway, ewan ko ba kung bakit ko pa iniisip iyon, hindi ko naman sila kilala," dugtong pa niya saka umiling-iling. Nagpatuloy ito sa pagkain.

Nanatili namang nakatingin si Harris kay Ellaine.

'Hindi kaya...' Bahagyang umiling-iling si Harris. Lumunok siya. May takot siyang naramdaman. 'Huwag naman sana,' hiling pa ni Harris sa utak niya.

Hindi mapigilan ni Harris na mabahala at matakot lalo na at parang lumiliit na ang mundo para sa kanilang lahat.

ANDREI FELIX HIDALGO

I have a meeting with a client this lunch time kaya naman ito at nagmamadali ako.

"Sino ba kasi 'yung ka-meeting mo?" tanong sa akin ni Carie. Ayan na naman siya. Tsk!

"Si Mr. Ricafort," sagot ko na lamang sa kanya para matahimik na siya.

"Lalaki?" tanong niya.

Tiningnan ko si Carie. "Mr. nga, 'di ba?" pilosopo kong sagot sa kanya.

Napanguso naman si Carie habang diretso akong tinitingnan.

Napailing-iling na lamang ako saka ngumiti.

"Okay, ingat ka. See you later. I love you," tuloy-tuloy na wika ni Carie sa malambing na tono.

Napatango-tango na lamang ako saka kinuha ko ang attaché case ko na nakapatong sa sofa.

"Dad, may sleep over kami ng mga classmate ko. Pwede po ba akong sumama?" tanong ni Cardee.

Tiningnan ko si Cardee. Ningitian ko siya. "Okay lang anak," sabat naman ni Carie.

Tiningnan ko si Carie. Kumunot ang noo ko. Napailing-iling na lamang ako sa agaran niyang pagpayag.

Nilapitan ko si Cardee. Bahagya akong yumuko para magpantay ang mukha namin.

"Safe ba doon, Anak?" tanong ko sa kanya.

"Yes, Dad. May security guards po ang bahay nila Marco," sagot naman ni Cardee.

Napatango-tango ako saka ngumiti.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now