CHAPTER 7

9 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 7

ANDREI FELIX HIDALGO

Hinahanap ko si Cariedee sa kung saan-saan. Uumpisahan ko na ang plano ko na mapalapit at maging kaibigan niya. Ewan ko ba sa sarili ko. Kahit na alam kong pwede akong mapahamak sa gagawin kong ito ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na ilapit ang sarili sa kanya. May parte sa akin na gusto ko siyang bantayan at protektahan sa hindi ko pa malamang dahilan.

Para siyang leon at ako ang karne na kailangan niya para mabuhay. Natawa ako sa bigla kong naisip.

Kung saan-saan na ako nakarating pero hindi ko pa rin siya mahanap. Hay! Ang laki naman kasi ng eskwelahang ito kaya ang hirap maghanap ng nawawalang tao. Para akong naglalakad sa napakalawak na parke.

Hindi ako sumuko, nagpunta ako sa bawat sulok ng eskwelahan.

Hanggang sa maisipan kong pumunta sa rooftop na hindi ko pa napupuntahan. Nagmamadali akong tumakbo para kaagad na makarating doon.

Nasa huling baitang na ako ng hagdanan sa itaas at malapit sa pintuan ng rooftop nang makarinig ako ng mga impit na ungol na mukhang nanggagaling sa loob.

"Nandito kaya siya?" tanong ko sa sarili. "Pero sabi sa signage 'Do Not Enter'," sabi ko pa dahil nakita kong nakasabit sa pintuan ang signage na iyon.

Lakas loob ko na lamang na tinulak ng dahan-dahan ang pinto at sinilip ang loob. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang nangyayari.

"Faster Harley! Faster!" hiyaw ni Carie na pinagpapawisan ang mukha habang umiindayog sa ibabaw ng lalaking kaulayaw niya. "F*ck me harder! Sh*t! Aaahhh!!!"

"Yes Honey!" impit na ungol ng kaniig niya at mas pinagbuti pa nito ang ginagawa.

"Aaahhh! Aaahhh! Uhmmm..."

Kaagad kong inalis ang sarili ko sa pagsilip at sumandal sa pader. Nagbaba ako nang tingin. Ayokong makita sa ganoong eksena si Carie. Isa pa, parang napatingin siya sa gawi ko kaya bigla akong kinabahan.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko sa loob. Pakiramdam ko rin ay may biglang tumusok sa puso ko at nagsunod-sunod iyon kaya naging masakit.

Alam ko naman ang kwento niya kung bakit siya naging playgirl pero kailangan niya ba talagang humantong sa ganito?

Marahas na lamang akong nagbuga nang hininga. Inayos ko ang pagkakasuot ng aking bee eyeglass saka umalis na ako sa lugar na iyon at nagpunta sa garden. Naupo ako sa bench at tiningnan ang paligid na luntian dahil sa mga puno at halaman. Nilanghap ko ang halimuyak ng mga bulaklak at ng hanging kay presko sa pakiramdam.

Nagmuni-muni na muna ako dito sa garden. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kunsabagay, pamilya ni Carie ang may-ari ng school kaya malamang ay pwede niyang gawin ang lahat sa eskwelahan.

"Nandoon ka kanina, 'di ba?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko at mabilis napatingin ako kay Carie na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Pucha! Ganoon ba kalalim ang pag-iisip ko at bigla akong naging manhid sa paligid?

Tinawanan ako ni Carie saka bahagyang umiling-iling. Umiwas siya nang tingin at tumingin sa kawalan.

"Ikaw, lagi ka na lang sumusulpot sa kung nasaan ako. Stalker ka ba?" tanong sa akin ni Carie at muling tumingin.

"H-Ha? Hindi kaya," nauutal na pagtanggi ko at may kasama pang pag-iling. "Gusto ko lang kasing magpahinga sa tahimik na lugar at naisip kong sa rooftop iyon kaya nagpunta ako," pagdadahilan ko pa saka lumunok ng tatlong beses. Grabe! Kabadong-kabado ako.

Ngumiti nang nakakaloko si Carie.

"Alam mo, nakakatuwa ang mga reaksyon mo," aniya. Ako? Nakakatuwa ang mga reaksyon? Kumunot naman ang noo ko. "Halatang inosenteng-inosente," sabi pa niya.

Inosente naman talaga ako. Innocent look nga daw ako.

"So, may nakita ka nga?" pagtatanong sa akin ni Carie.

"Ahhh... eh..."

"Ih-oh-uh," dugtong na sabi ni Carie saka tumawa.

Napakamot naman ako sa batok. Napanguso din ang ibabang labi ko.

Pamaya-maya ay nanlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat dahil biglang inilagay ni Carie ang kanang kamay niya sa kaliwang hita ko.

"A-Anong g-ginagawa mo?" Bigla akong sobrang kinabahan.

Ngumisi si Carie. Hinaplos niya ang hita ko. Hala! May balot man ang hita ko pero parang tumatagos sa balat ko iyong paghawak niya.

"Inaakit ka," sambit niya saka tiningnan niya ako nang mataman. Bahagya pa niyang pinisil ang hita ko.

Hindi ko maitatanggi, maganda si Carie at lalaki lang ako. Pero...

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka tiningnan ang kamay niya na patuloy na humahaplos sa hita kong nababalutan ng suot kong pantalon. Hinawakan ko iyon saka dahan-dahang inalis.

Napatingin akong muli kay Carie nang marinig ko siyang natawa.

"Ngayon lang may tumanggi sa akin... at isang nerd pa na kagaya mo," mataray na sabi niya. "Nakakainsulto pala," dugtong pa niya.

Nag-aalangan akong napangiti.

"Pasensya ka na."

"Virgin ka pa?" tanong niya habang titig na titig sa akin.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Ano ba 'yan?! Kailangan ba talaga niyang itanong pa iyon sa akin na parang wala lang sa kanya?

Natawa si Carie.

"Huwag mo nang sagutin, halata naman."

Napayuko ako. Grabe naman 'to! Kalalaki kong tao pero ito ako, hiyang-hiya sa babaeng kaharap ko.

Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko sa mata.

"Gusto mo akong maging kaibigan, 'di ba?" tanong ni Carie na muli kong ikinatingin sa mukha niya.

Sunod-sunod ang naging tango ko na parang batang gustong mabigyan ng candy.

Ngumisi si Carie.

"Sige, kakaibiganin kita pero sa isang kondisyon," sabi niya.

Kumunot ang noo ko at nagsalubong rin ang magkabilang makapal na kilay ko. Ano namang kondisyon? Bigla naman akong kinabahan.

Nagulat na naman ako nang biglang ilapit ni Carie ang mukha niya sa akin. Medyo napaatras ako pero pinigil niya iyon sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"Kailangan mong sundan ang trip ko," mapang-akit na bulong ni Carie sa tenga ko. Pucha! Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok.

Ramdam ko ang mainit na buga ng hininga niya sa punong tenga ko at hindi lang iyon, dinilaan niya at bahagyang kinagat iyon na nagpanginig sa akin.

Ilang sandali lang ay lumayo na sa akin si Carie saka binitawan na din ako. Matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.

Nag-aalangang napangiti na lamang ako.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na magiging kaibigan ko na siya o hindi. May bahagi sa aking natutuwa ngunit meron ding nag-aalala. Hay!

At sa totoo lang, may idea na ako sa kung anong trip ang sinasabi niya na sa totoo lang, sobra kong ikinakakaba at dahilan ng sunod-sunod na paglunok ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon