CHAPTER 4

14 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 4

(WARNING: RATED SPG. Contains scenes NOT SUITABLE for very YOUNG READERS. PARENTAL CONTROL is ADVISED)

CARIEDEE ANDERSEN

Nandito ako ngayon sa condo ko waiting for James dahil may gagawin kaming exciting. Nakapag-ayos na ako. Simpleng short-short at white top lang with matching doll shoes lang ang suot ko. Simula kasi nang mag-break kami ni... nevermind ay nagpabili na ako ng condo para matahimik ang life ko. Ang gulo kasi sa bahay nila Kuya Cax, Kuya Cen at Card. Wala pa silang alam kung bakit kami naghiwalay ni Chris noon. Hindi rin sila nakikielam tutal malaki na daw ako and I can handle myself na. Pero sa tingin ko, masama din ang loob nila sa impaktong iyon. Dapat lang, sinaktan niya kaya ako.

Maya-maya ay napangiti ako nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nandyan na siguro si James.

Pumunta ako sa pintuan at pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko si James na nakangiti. Infairnes ang gwapo ni James sa simple get-up niya na nakasuot ng navy blue v-neck shirt, maong short at sneakers.

"Shall we?" tanong sa akin ni James.

Tumango-tango na lamang ako. Umalis na rin kami at papunta kami sa condo niya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ganito. Well, this is all because of him. Lahat naman ng tao oras na may mangyari sa atin na sobrang sakit na pangyayari, hindi maiiwasang magbago, maging masama man o maging mabuti ito. Wala naman akong sinasaktang tao... 'yun ang pagkakaalam ko kaya naman okay lang itong ginagawa ko.

Nakarating na kami sa building ng condo ni James at pagkapasok pa lang namin sa elevator ay mas naging agresibo na kami sa isa't-isa. Mabilis akong niyakap ni James saka sinibasib aking labi na akin namang ginantihan kasabay nang pagyakap ko at paghawak na rin sa matigas niyang mga braso.

Pagkarating namin sa mismong condo ni James ay idineresto na niya ako sa kwarto at doon magaganap ang isang makamundong pagnanasa. Maglalaro kaming dalawa ni James sa apoy.

I remembered noong mga panahong una kong naranasan ang ganito. Noong mga panahong una namin itong ginawa ng taong una kong minahal.

Maulan noong hapon na iyon. Walang pasok sa school at hindi kami nagkikita pa ni Chris dahil busy sa paggawa ng projects. Bibili ako ng ice cream sa isang convenience store.

Pagpunta ko doon ay kaagad akong nagtungo sa dairy section at tumingin sa mga freezer na pinaglalagyan ng ice cream. Nang makita ko ang ice cream na gusto ko ay kaagad akong kumuha ng isang gallon ng double dutch ice cream at nagtungo sa counter para bayaran ang kinuha ko.

Nang makapagbayad na ako ay ready na sana ko umuwi ng bigla namang bumuhos ang medyo may kalakasan na ulan. Wala pa naman akong payong na dala kaya hindi ko alam ang gagawin kung paano ako uuwi. Sumugod na lang kaya ako sa ulan? Pwede.

At iyon nga ang ginawa ko, sinugod ko na ang ulan at nagtatakbo habang bitbit-bitbit ang ice cream. Basang-basa na tuloy ako dahil sa ulan.

BEEP! BEEP! Narinig kong biglang busina ng kotse.

Huminto ako saka lumingon-lingon hanggang sa mapatingin ako sa kotseng itim na nakahinto sa hindi kalayuan. Nakilala ko kaagad kung kaninong kotse iyon, kay Chris. Nakita kong biglang bumaba si Chris ng kotse niya at binuksan ang dalang payong at mabilis na lumapit sa akin.

"Bakit ka nagpapaulan? Magkakasakit ka niyan," nag-aalalang tanong ni Chris. Parehas na kaming nakasukob sa ilalim ng payong.

"Akala ko kasi hindi uulan kaya hindi ako nagdala," saad ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now