CHAPTER 34

5 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 34

CARIEDEE ANDERSEN

Nakakabingi ang katahimikan. Nakaupo ako sa isang monoblock chair na naka-pwesto sa tabi ng kama at nakatingin kay Andrei habang hawak ko ang kanyang kamay. Hinihintay siyang magkaroon ng malay-tao.

Sobra kong lungkot ngayon. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa kanya. Akala ko, makakabuti sa amin ang lumayo muna sa isa't-isa ngunit isa pala iyong malaking pagkakamali. Puno tuloy ako ng pagsisisi. Siguro kung binigyan ko lang siya ng pagkakataon na magpaliwanag at kung nakinig lang ako sa kanya, hindi sana ito mangyayari sa kanya.

Tatlong araw na simula nang ma-aksidente si Andrei at sa totoo lang, talagang sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari. Kung hindi lang kasi kami nag-cool-off, hindi niya maiisipang magmadaling pumunta sa bahay namin para makipagbati sa akin, edi sana masaya kami ngayon.

Mabuti na lang at hindi naman grabe ang pagkakabangga sa kanya ng kotse. May mga pasa at sugat lamang siya sa iba't-ibang parte ng katawan at may ilang nabaling buto. Aksidente ang nangyari kaya minimum lang ang naging parusa ng nakabangga kay Andrei.

Hindi ko rin magawang magalit kay Angelique na labis akong sinisisi sa nangyari kay Andrei. Alam ko naman kasi na kasalanan ko talaga. Kung hindi lang ako naging matigas, kung hindi ko lang pinairal ang pagiging selosa ko, edi sana wala si Andrei sa sitwasyon niya ngayon.

Nilibot ko nang tingin ang kwarto ni Andrei dito sa hospital. Kami lamang ang nandito dahil sandaling umuwi sila Tita Janina at Tito Victor para kumuha ng gamit. Si Angelique, sandaling lumabas para bumili ng pagkain.

Tinawagan din ako nila Chris kanina at nalaman na nila ang nangyari. Bukas daw ay dadalaw sila para kumustahin na rin ang kalagayan ni Andrei.

Muli kong tiningnan si Andrei na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata. Medyo bumalik na ang kulay niya pero halatang may iniinda pa rin siyang sakit. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naiiyak na naman kasi ako.

"I'm sorry, Andrei." Paulit-ulit akong hihingi ng sorry sa kanya dahil sa nangyari. "I'm sorry kasi nangyari ito sayo. You don't deserve this. Napakabuti mong tao kaya hindi ka dapat napupunta sa ganitong sitwasyon," dugtong ko pa sa aking sinasabi.

"Magpagaling ka. Bilisan mong magpagaling kasi aayusin pa natin ang lahat sa atin. Makikinig pa ako sa mga paliwanag mo at hihingi ako sayo ng tawad. Mamahalin pa kita at dapat mong iparamdam muli sa akin na mahal mo ako. Hindi ako susuko at sana ganun ka rin." Tuluyang tumulo ang luha ko. "I love you Andrei. I love you." Napayuko ako at hinayaang tumulo ang masagana kong luha matapos kong sabihin iyon sa madamdaming tono.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa naramdaman kong may humahaplos sa aking ulo. Nag-angat ako ng mukha at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong gising na si Andrei at matamang nakatingin at nakangiti sa akin.

"G-Gising ka na," garalgal na sambit ko. Napangiti ako sa tuwa.

Ngumiti lalo si Andrei. Sa sobrang excitement ko ay niyakap ko siya.

"Ouch!" nasaktang daing ni Andrei.

Ay oo nga pala! Kaagad akong humiwalay sa kanya. Nakita ko na nasaktan nga siya. "Sorry," sincere na wika ko.

Huminga nang malalim si Andrei saka siya ngumiti ulit.

"Dapat pala maaksidente pa ako para lang magkalapit tayong muli," mahinang sambit niya.

Mariing umiling-iling ako. "Andrei naman," wika ko. Hindi ko gusto ang sinabi niya.

Napangiti si Andrei. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan iyon na nagpangiti naman sa akin.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko.

Tumango-tango si Andrei. "Okay na kasi hawak ko ang kamay mo," nangingiting sagot niya habang nakatingin pa rin ang mga mata niya sa akin.

Mas lalo naman akong napangiti.

"Sobra ka bang nag-alala sa akin?" tanong ni Andrei.

"Sobra-sobra," pag-amin ko. "Lalo na at alam kong malaki ang kasalanan ko sayo," sabi ko pa.

Bahagyang ngumiti si Andrei. "Hindi. Wala kang kasalanan," aniya. "Sorry kasi tanga lang talaga ang boyfriend mo," mahinang saad pa niya.

Umiling-iling ako. "Ako ang dapat mag-sorry sayo kasi naging masama na naman ako," sincere na wika ko sa kanya. "Ako ang dapat mag-sorry kasi nasaktan ko ang damdamin mo," dagdag ko pa.

Tipid na ngumiti si Andrei. "Hindi ka masama... at kung ikaw man ang pinakamasama sa mundo, mas pipiliin ko na maging masama kasama ka kasi mahal kita," sinserong saad niya.

Napakagat-labi ako sa sinabi ni Andrei. Gusto ko sana na sisihin niya ako sa nangyari sa kanya para hindi naman ako masyadong ma-guilty ngunit dahil kilala ko si Andrei, siguradong hindi niya iyon gagawin.

Ningitian ko na lamang si Andrei. "Anyway, nagugutom ka ba? Teka lang at-"

Nagulat na lamang ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at sakupin ng labi niya ang labi ko.

Napapikit ang aking mga mata. Tuwang-tuwa ako dahil muli ko na namang naramdaman ang mainit at malambot niyang labi.

Ilang sandali lang ay naghiwalay rin ang labi namin pero nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata niya.

"I love you Carie," malambing niyang wika sa mababang tono.

Napangiti naman ako sa aking narinig. Muli na namang sumarap ang aking pakiramdam dahil sa sinabi niya.

"I love you too," sincere na sagot ko.

Hinawakan niya ang magkabilang side ng mukha ko at hinaplos-haplos iyon.

"Masyado ka bang umiyak?" tanong niya. May pag-aalala sa tono niya.

Tumango-tango ako. "Oo. Sobra kasi akong nag-alala para sayo," sagot ko.

Ningitian ako ng maliit ni Andrei. "Ngayon hindi ka na masyadong mag-aalala pa sa akin kasi okay na ako," aniya.

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

"Teka lang at ikukuha kita ng pagkain-"

Pinutol na naman ni Andrei ang sasabihin ko sa pamamagitan nang paghalik niya sa labi ko. Hay! Mukhang na-miss niya ang labi ko kagaya ng pagka-miss ko sa labi niya.

"Sa halik mo pa lang, busog na ako," nangingiting wika niya nang maghiwalay ang mga labi namin.

Napangiti na naman ako. "Ikaw talaga," saad ko at hindi ko napigilang mapalo siya sa balikat.

"Aray!" daing bigla ni Andrei.

"Ay! Sorry!" natataranta kong sabi. Bigla kong hinaplos-haplos ang pinalo kong parte ng balikat niya.

Natatawa na lamang si Andrei sa sobrang pagkataranta ko. Napanguso naman ako saka maya-maya ay natawa na lang din.

ANGELIQUE ASHFORD

Nasa labas lamang ako ng kwarto ni Andrei dito sa ospital at nakatayo. Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya naririnig ko ang mga sinasabi nila ni Carie sa loob.

Kumuyom pabilog ang mga kamao ko na may hawak na dalawang plastic nang binili kong pagkain sa fast food chain.

'So bati na kayo? Ganun-ganun na lang ba iyon?'

Hindi ako papayag na muli kayong magkaayos. Hindi ako papayag na mapupunta sa happy ending ang pagsasama niyong dalawa. Hindi kayo pwedeng maging masaya habang ako... habang ako...

Sobrang nasasaktan.

'Walang magiging masaya. Kung hindi lang sa akin mapupunta si Andrei, hindi rin siya mapupunta sayo kaya walang magiging masaya sa ating tatlo at sisiguraduhin ko 'yan.'

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon