CHAPTER 31

2 1 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 31

CARIEDEE ANDERSEN

Time flies so fast when you are happy at napatunayan na naman 'yon ngayon. Parang kisap-mata lang na lumipas ang panahon. Dumaan ang Christmas, New Year, Valentines at masasabi kong masaya ang mga nagdaang selebrasyon na iyon dahil siyempre, kasama ko si Andrei. Naging espesyal ang lahat ng okasyong iyon dahil sa kanya at hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

At ngayon, nasa fifth month na rin ang relasyon namin ni Andrei. Grabe! Akalain mo nga naman na tatagal kami ng ganun. Kunsabagay, mahal namin ang isa't-isa kaya hindi na rin kataka-taka na aabot kami ng limang buwan at sana marami pang mga buwan at taon. Bukod sa good health lalo na kay Cardee, 'yun lang ang hiling ko sa ngayon.

We celebrated our fifth month with simple celebration lang. Kumain sa labas, namasyal sa kung saan-saan. Ginawa namin ang ginagawa ng mga normal na nasa relationship. Simple pero sobrang saya. Sana nga hindi na matapos 'yung saya na nararamdaman ko.

Naisip ko lang kasi 'yung kasabihan na kapag sobrang masaya ka, asahan mong kasunod nito ang matinding kalungkutan. Huwag naman sana. Sana this time, hindi iyon maging totoo. Ayokong bawian ulit ako ng kasiyahan kagaya ng nangyari sa akin noon. Masayang-masaya rin ako noon pero hindi ko akalaing sa isang iglap ay babawiin ang lahat ng nararamdaman kong kaligayahan. Napangiti ako ng may pait saka bahagyang umiling-iling.

Anyway, today is the day. Nilibot ko ang tingin sa loob ng auditorium ng Star Prime Academy. Napangiti ako. Lahat kasi ng mga taong nandito ay masaya, lalo na ang mga magulang na sobrang proud sa kanilang mga anak na magsisipagtapos ngayong araw.

Yes, it's graduation day.

Lumapit sa akin si Shone. Ang gay-best friend ko. Hay! Nagbunga rin ang tyaga at pagtitiis dahil sa hindi namin madalas na pagkikita dahil ngayon, ga-graduate na siya.

Ngumiti sa akin ng matamis si Shone saka niyakap ako ng mahigpit.

"Hay! Sa wakas nayakap na rin kita ulit," natutuwang sabi sa akin ni Shone. Madalas kasi sa video call o sa tawag lang talaga kami nakakapag-usap at nagchi-chikahan.

"Congrats!" masayang pagbati ko sa kanya. Masaya ako na nakatapos na siya.

Bumitaw kami sa yakap at tiningnan ang isa't-isa.

"Mabuti nga at napagsabay ko ang pag-aaral at panlalalaki," pagbibiro ni Shone saka malutong na tumawa.

Natawa naman ako. "Oo nga. Balita ko marami ka daw lalaking pinatirik ang mga mata," pagbibiro ko.

Lalong natawa si Shone. "Hindi ko lang pinatirik ang mga mata nila, 'no!" natatawang sambit niya. Kinindatan pa niya ako.

Tumawa ulit ako. Nakuha ko kasi ang makahulugang biro niya. "Ikaw talaga," sabi ko habang napapailing. "So ano nang balak mo?" tanong ko pa.

"Ito, magpapahinga then maghahanap ng work," nangingiting sagot ni Shone. "Pwede ba ako dito sa school niyo? Sabihan mo naman ang mother mo na gawin akong professor," nangingiting pakiusap pa niya.

Ngumiti ako. "Sige at kakausapin ko siya," sabi ko. "Pagbutihan mo. Huwag na huwag mo akong ipapahiya," dugtong ko pa.

Ningitian ako ni Shone. "Ako pa ba?" tanong niya saka itinuro pa ang sarili niya. "Ako kaya si Shone at marami akong kayang gawin," pagmamalaki pa niya sa akin.

Napangiti na lamang din ako.

"Oo nga pala, nakita mo ba si Andrei?" tanong ko. Hindi ko pa kasi siya nakikita.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now