CHAPTER 56

4 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 56

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Sobrang saya ko ngayon. Sino ba namang misis ang hindi magiging masaya kung malalaman niyang buntis siya at masusundan na ang anak niya?

Abala ako sa pag-aayos dito sa kusina. Okay na ang pakiramdam ko kaya medyo nagkikikilos na ako. Napapangiti ako habang inilalagay ko isa-isa sa dish rack ang mga ginamit namin sa pagkain ng tanghalian.

Excited na rin akong sabihin kay Harris ang magandang balita na ito. I'm sure na matutuwa siya na malamang magkakaroon na muli kami ng anak.

"Sana maaga siyang umuwi," hiling ko sa hangin. Mas lalo akong napangiti habang iniisip si Harris.

HARRIS RICAFORT

Pauwi na ako sa bahay. Tinatahak ng minamaneho kong kotse ang daan pauwi.

Iniisip ko ngayon kung kailan ko ba maipagtatapat kay Ellaine ang lahat. Hay! Ilang buwan na lang. Napailing-iling ako. Saka ko na nga lang iisipin iyon.

Matapos kong i-park ang kotse sa garahe ay dumiretso na ako papasok ng bahay. Sumalubong naman sa akin si Ellaine at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

Anong nangyayari sa kanya? Pansin ko rin na ang saya-saya niya ngayon.

Humiwalay si Ellaine sa akin saka diretso niya akong tiningnan.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. "Bakit ang saya-saya mo yata ngayon? May nangyari bang sobrang ganda?" patanong ko pang sambit.

Napangiti ng matamis si Ellaine. "Oo, Harris. May masayang nangyari ngayon," nangingiting sagot niya.

Kumunot ang noo ko saka nagsalubong ang makapal na kilay ko.

Mas lalong ngumiti ang labi ni Ellaine. Nakikita ko rin ang pagka-excite niya sa kanyang mukha kaya naman nagtataka na rin ako lalo.

"Ano?" tanong ko. Kinakabahan tuloy ako.

Lumaki ang ngiti sa labi ni Ellaine. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. "Magiging daddy ka na ulit," sabi niya.

"Ha?" tanong ko. Para kasing nabingi ako sa sinabi niya.

Mahinang tumawa si Ellaine. "Ang sabi ko, magiging daddy ka na ulit," nangingiting pag-uulit niya.

Hindi kaagad nag sink-in sa akin 'yung sinabi niya. Hanggang sa manlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat.

"A-Ano?" patanong na sambit ko. "Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko pa.

Tumango-tango si Ellaine. "I'm pregnant, Harris," pag-amin niya sa akin. Kuminang ang mga mata niya.

Gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa nalaman ko. Magiging daddy na ako? Hindi ako makapaniwala.

"Hey! Parang hindi ka naman masaya," may himig ng tampo na litanya sa akin ni Ellaine. Nakita ko pa ang pagnguso ng labi niya.

Umiling-iling ako saka ngumiti. "Hindi lang ako makapaniwala," dahilan ko. "Ginulat mo ako," saad ko pa.

Magiging daddy na ako... magiging daddy na ako...

Masaya ako sa nalaman ko pero...

"Ilang weeks na?" tanong ko.

Napangiti si Ellaine. "Sabi ng doctor three weeks na," sabi niya.

Marahang napatango-tango ako. Pinilit kong ngumiti.

"Magkakababy na ulit tayo. Sobrang saya ko," wika ni Ellaine.

Marahang tumango-tango na lamang ako.

"Sila Raikku at Careen nga tuwang-tuwa nang ipaalam ko sa kanila," nangingiting bulalas ni Ellaine.

"Dapat magpahinga ka na at hindi masyadong magkikilos," wika ko.

"Okay," aniya ni Ellaine saka ngumiti lalo.

Napangiti na lamang din ako. Niyakap ko siya na ginantihan naman niya.

Masaya ako na nagbunga na ang pagmamahal ko sa kanya ngunit nangangamba at nalulungkot din ako dahil... hindi magtatagal ay mabubunyag na ang mga itinatago ko sa kanya.

"I love you," malambing na wika sa akin ni Ellaine.

Napangiti ako ng pilit. "I love you too," balik ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni Ellaine sa dibdib ko. Pinapakinggan na naman niya ang pagtibok ng aking puso na para sa kanya ay musika sa pandinig niya.

Siguro ang iisipin ko na lang muna ngayon ay ang pag-aalaga sa kanya ngayong dinadala niya ang magiging anak namin. Kakalimutan ko na muna ang nagbabadyang lungkot sa hinaharap at hahayaan ko na muna ang aking sarili na maging masaya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINOn viuen les histories. Descobreix ara