CHAPTER 59

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 59

ELLAINE GARCIA RICAFORT

Matulin na lumipas ang panahon. Sobrang saya ko dahil nadagdagan na muli ang pamilya namin. Ang saya-saya nila Raikku at Careen at siyempre pati na rin si Harris na talaga namang inalagaan ko simula nu'ng malaman niyang nagdadalang-tao ako at ngayong nanganak na ako. Lahat nga ng gusto ko nu'ng naglilihi ako ay sinunod niya at nakakatuwa lang dahil ginawa niya ang kanyang responsibilidad bilang asawa ko kahit na minsan ay tinatarayan ko siya at nahihirapan siya sa mga request ko.

Yes! Nanganak na ako at baby boy ang naging bunso namin ni Harris. Harriel Kamil Dee Ricafort ang pinangalan namin sa kanya. Request kasi ni Harris na isunod sa pangalan niya ang name ng baby namin at sumang-ayon naman ako dun. Bakit hindi? Siya ang ama ng baby ko kaya dapat lang.

Malusog si Baby Harriel. Ang cute-cute din niya. Ang taba nga ng magkabilang pisngi niya at mamula-mula pa. Mabuti na lang at nakokontrol ko ang sarili ko na hindi siya kurutin kasi alam ko rin naman kasi na bawal pa.

At dahil nanay na muli ako ng isang baby, siyempre level up din ang mga ginagawa ko para masiguro na safe, malusog at masaya si baby Harriel. Nagbe-breastfeed din ako para mas maging malusog siya.

Anyway, malaki ang pagkakahawig ni baby kay Harris kaya naman sa tingin ko, magiging habulin ng babae itong anak ko. Hahaha! Pinapangunahan ko naman kaagad.

But seriously, sobra ang tuwa ko ng lumabas siya sa akin. Lahat ng hirap, pagod at sakit na tiniis ko habang nagbubuntis hanggang sa maipanganak siya ay biglang nawala nang makita ko ang kanyang mukha. Ganun pala ang pakiramdam. Hindi ko kasi alam 'yung ganung pakiramdam dahil wala naman akong malay nang ipinanganak ko 'yung kambal.

Nasa loob ako ng kwarto at tinitingnan si baby Harriel na mahimbing na natutulog sa kanyang crib. Napapangiti ako habang pinagmamasdan siyang matulog. Ang cute-cute.

Pamaya-maya ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Tiningnan ko si Harris na nakatingin sa baby. Nakasilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

Tumingin sa akin si Harris. Kumunot ang noo niya. "Why are you staring at me?" nagtatakang tanong niya.

Umiling-iling naman ako ng marahan. "Wala lang," nangingiting sagot ko. "Ang gwapo mo kasi," dugtong ko pa.

Napangiti lalo si Harris sa sinabi ko. "Binobola mo na naman ako," sabi niya.

"I'm serious," depensa ko. "Pero pansin ko lang, namamayat ka at mukhang pagod lagi," dagdag ko pa. Minsan nga napapansin ko ring matamlay siya at parang may sakit.

Ngumiti siya ng maliit. "Pagod lang ako dahil sa patong-patong na trabaho," wika ni Harris saka umiwas nang tingin sa akin. Muli niyang tiningnan ang baby.

"Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Uminom ka rin ng vitamins para hindi ka masyadong magkasakit," bilin ko. "Hindi ka pwedeng magkasakit lalo na ngayon at may bago tayong baby," dugtong ko pa.

Tumango-tango lamang si Harris. Nanatili akong nakatingin sa kanya at napansin kong parang bigla siyang nalungkot.

"Are you okay, Hon?" tanong ko. Bigla akong nag-alala para sa kanya.

Tiningnan ulit ako ni Harris. Ngumiti siya saka tumango-tango. "Don't worry about me," sabi niya.

"Pwede bang hindi ako mag-alala sayo?" patanong kong sambit. "Asawa kita at mahal kita kaya natural lang sa akin na mag-alala sayo," pagpapatuloy ko pa.

Mas lalong ngumiti si Harris. Napangiti na lamang din ako.

"Ingatan mo lagi ang sarili mo. Huwag mo akong masyadong pag-aalalahanin."

Tumango-tango si Harris sa sinabi ko.

Muli kong tiningnan si baby Harriel. Naramdaman ko rin ang pag-akbay sa akin ni Harris at bahagyang pagpisil niya sa kanang balikat ko na mas lalo kong ikinangiti. Sinandal ko sa braso niya ang ulo ko at niyakap ko ang bewang niya.

"Sa tingin mo, ano kayang future ang naghihintay kay baby Harriel?" pagtatanong ko habang nakatingin kay baby.

"Siyempre magandang future," narinig kong sagot ni Harriel. "Gagawin ko ang lahat para maging maganda ang furure niya," aniya pa.

Nangingiti naman ang labi ko. "Anong gusto mong maging siya paglaki niya?" pagtatanong ko pa kay Harris.

"Hindi ba masyado pang maaga para isipin 'yan?" balik-tanong ni Harris. Tiningnan ko siya at saktong tiningnan niya rin ako. Mahina kaming natawa parehas.

"Pero para sa'kin, kung ano ang gusto niya, siyempre iyon ang masusunod," wika ni Harris.

Tumango-tango naman ako. "Tama naman 'yun. Huwag nating ipilit sa mga anak natin ang kagustuhan natin. Gabay lang nila tayo para marating nila ang totoong gusto nila," saad ko.

Napangiti naman ulit si Harris sa sinabi ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now