EPILOGUE

8 2 0
                                    

CARIEDEE ANDERSEN (REAL)

It's been three weeks since na nagising ako. Simula nang malaman ko ang lahat ay akala ko mamamatay na ako. Akala ko katapusan ko na. Pero hindi pa rin ako pinabayaan at binigyan ako ng pagkakataon na maging masaya.

Sa ngayon, medyo naiintindihan ko na ang mga ginawa ni Harris pero hindi ko maitatanggi na may nararamdaman pa rin akong galit para sa kanya. He stole my life at inilayo niya ako sa taong totoong nagmamahal sa akin.

Siguro dadaan pa ang maraming araw o taon bago mawala ang galit ko kay Harris at tuluyan na siyang mapatawad.

Sinabi rin sa akin ni Andrei na nakakulong na si Angelique, ang best friend niya at ang babaeng nagpapalit pa ng mukha na kawangis ng akin at nagpanggap na ako. Sa totoo lang, gusto ko siyang sugurin sa seldang kinasasadlakan niya ngayon pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko lalo na at bumabawi pa ako ng lakas.

Ang kambal, ayun at nalaman na rin nila ang totoo na si Andrei ang totoong ama nila. Pinaintindi ko at ni Andrei ang nangyaring sitwasyon at alam ko na darating din iyong panahon na mas maiintindihan na nila ang lahat.

Si Cardee, grabe ang iyak ko nu'ng makita ko siya. Kaya pala ang gaan-gaan din ng loob ko sa kanya kasi... kasi anak ko siya. Anak ko siya kay Chris na ex-boyfriend ko at naging kaibigan kinalaunan.

Lahat ng nangyari sa buhay ko ay nilahad sa akin ni Andrei. Matiyaga niyang ikinwento sa akin kung ano ako dati at paano ako bilang asawa niya. Hindi pa rin kasi bumabalik ang alaala ko at sa tingin ko, wala na itong pag-asa pa.

Pero ang mahalaga naman ay iyong ngayon... ngayon na magkakasama na kami. Bubuo kami ng mga bagong alaala na masasaya at pupuno sa mga puso naming mahal ang isa't-isa.

Napangiti na lamang ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Alam ko naman kung sino siya. Natural palang niyang amoy, kilala ko na.

"Anong ginagawa mo dito mag-isa sa veranda?" pabulong na tanong ni Andrei. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko.

Nilingon ko siya. Halos magdikit na ang mukha naming dalawa na ikinangiti ng labi ko.

"Nagpapahangin," sagot ko.

Ngumiti naman si Andrei. "Oo nga pala, gusto ni Mama at Papa na pumunta tayo sa bahay para i-celebrate ang pagbabalik mo," sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi ni Andrei. "Sige, sabihan ko sila Mama at Papa pati na rin sila Kuya-"

"Nasabihan na sila," mabilis na salita ni Andrei na ikinaputol ng sinasabi ko.

Mas lalo akong napangiti. Tiningnan ko ang bakuran. Napakaaliwalas ng panahon at tila nakiki-ayon sa nararamdaman kong kaligayahan.

Mas humigpit ang pagyakap sa akin ni Andrei. Naramdaman ko pa ang mumunti niyang halik sa aking balikat. Nakasuot kasi ako ng floral dress na litaw ang balikat ko.

"Sa wakas at magiging masaya na rin tayo... iyong saya na hindi na mapuputol pa," bulong ni Andrei.

Tumango-tango ako. Hindi nawawala ang ngiti sa aking labi kagaya na lamang ng ligaya na nararamdaman ng puso ko ngayon.

"Salamat, Hubby," sincere na sambit ko.

"For what?" nagtatakang tanong ni Andrei.

"For everything... especially for loving me," seryosong wika ko.

Bumitaw si Andrei sa pagkakayakap sa akin saka hinarap niya ako sa kanya. Nagkatitigan kami sa mga mata.

"Kahit ano pang mangyari... mahal na mahal kita at hindi magbabago iyon," sincere na litanya ni Andrei. "Handa akong gawin ang lahat para sayo," bulalas pa niya.

Napangiti ako ng matamis. "Ang swerte ko kasi naging akin ka," sabi ko. "Pakiramdam ko, habang-buhay na akong swerte dahil sayo," dagdag ko pa.

Ningitian naman ako ni Andrei. "Mas maswerte ako kasi minahal mo ako," aniya.

Abot-tenga ang aking naging ngiti.

Hinawakan ni Andrei ang aking mukha at hinaplos ang aking kanang pisngi.

"Mahal na mahal kita, Carie," sincere na sabi niya.

"Mahal na mahal din kita, Andrei," sincere kong sagot sa kanya.

Napangiti nang malaki si Andrei.

Hanggang sa mas lumapit pa sa akin si Andrei. Ilang distansya na lamang ang layo ng aming mga mukha.

Hindi nagtagal ay kapwa pumikit ang aming mga mata at naramdaman ang mainit at malambot na labi ng isa't-isa.

Pinagsaluhan namin ang halik na puno ng kaligayahan at pagmamahal.

Sa ngayon ay wala na akong mahihiling pa dahil nagbalik na ako sa tunay kong pamilya at nagpapasalamat ako dahil sa kabila man ng lahat ng nangyari, hindi pa rin kami pinabayaan ng tadhana at inayos pa rin niya ang lahat sa aming dalawa ni Andrei.

Napaka-mapaglaro ng tadhana. Lahat ay gagawin niya para masubok kung hanggang saan ang tibay ng pagmamahal ng bawat tao.

Ang tadhana ang sumubok sa amin ni Andrei. Ang tadhana ang nagturo ng maraming aral na aming babaunin hanggang sa pagtanda. Ang tadhana ang siyang nagtakda sa kung sino ba talaga ang aming mamahalin habang-buhay at iyon ay ang isa't-isa. Ang tadhana ang sumukat kung hanggang saan namin kakayanin ang lahat at ngayon, masasabi kong matibay na kaming haharapin ang mas marami pang pagsubok na darating. Alam ko na hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil mahaba pa ang lalakbayin namin. Hahakbang kami sa sementadong daan pero darating din kami sa daan na lubak-lubak na kailangan naming lagpasan ng magkasama.

Salamat tadhana kasi dahil sayo, mas naging matibay kami at alam kong makakaya pa naming lagpasan ni Andrei ang lahat ng pagsubok pang darating sa mga buhay namin dahil magkasama kaming dalawa.

"Tara at puntahan natin ang mga anak natin," pag-aaya sa akin ni Andrei matapos niya akong halikan sa labi.

"Naglalaro pa rin ba sila?" nangingiting tanong ko.

Marahang tumango-tango si Andrei. Napangiti naman ulit ako.

Nagulat na lamang si Andrei ng bigla kong ilapit ang mukha ko sa kanya at halikan ang labi niya. Smack kiss lang naman ang ginawa ko kaya inihiwalay ko rin ulit ang labi ko mula sa labi niya saka siya ningitian ng matamis.

"Sobra kong na-miss ang malambot na labi mo," wika ko. Bumaba ang tingin ko. Tumingin ako sa dibdib niyang nababalutan ng puting t-shirt. Bakat ang maumbok niyang dibdib at magkabilang utong. "Saka 'yung dibdib mo, na-miss ko," dagdag ko pa sa malanding tono saka tiningnan ulit siya sa mukha.

Natawa naman si Andrei sa sinabi ko. Inayos niya ang pagkakasuot ng eyeglass niya.

"Tara na at puntahan na natin ang ating mga anak. Mamayang gabi na nating gawin ang rated SPG," nakakalokong saad ni Andrei na ikinatawa ko naman. Nangingiti pa ng nakakaloko ang loko-loko. Hahaha!

THE END

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum