CHAPTER 46

2 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 46

ANDREI FELIX HIDALGO'S POINT OF VIEW:

Hanggang ngayon ay kaharap ko pa rin si Carie, I mean Ellaine dito sa loob ng restuarant. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala. Paanong nangyaring kamukhang-kamukha siya ng asawa ko?

"Are you okay, Mr. Hidalgo?" pagtatanong sa akin ni Ellaine. Halata ang pagtataka sa kanya.

Bumalik ako sa aking sariili. Ginawa kong normal ang buka ng mga mata ko saka tumango-tango na lamang ako.

Ngumiti siya ng maliit. "Okay then, pag-usapan na natin ang tungkol sa dahilan ng pagkikita nating ito," sabi niya saka ngumiti.

Tila natunaw naman ako sa kanyang ngiti. Napakagat-labi tuloy ako.

Habang nag-uusap kami ay nakatitig lamang ako sa kanya. Tinitingnan ko kung may kakaiba ba sa kanya para hindi ko na maisip na siya si Carie pero wala talaga. Isa pa, sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko na ngayon ko lamang muli naramdaman. Sana lang ay hindi niya ito marinig dahil siguradong magtataka siya kung bakit nagkakaganito ang puso ko.

"Carie," biglang sambit ko at huli na para mabawi ko pa.

Kumunot ang noo ni Carie, I mean Ellaine. Nagsalubong pa ang medyo manipis niyang itim na kilay.

"Okay ka lang ba talaga, Mr. Hidalgo?" nagtataka niyang tanong habang mataman akong tinitingnan.

Tumango-tango na lamang muli ako. Nagbaba ako ng tingin. Medyo niluwagan ko ang suot kong necktie saka huminga nang malalim.

Pamaya-maya ay may tumunog na ringing tone ng phone. Tiningnan ko siya at napansin kong kinuha niya sa handbag na dala niya 'yung kanyang phone at tiningnan niya iyon. Tumingin siya sa akin at nagpaalam na sasagutin niya iyong tawag. Tumango na lamang ako at hindi nagtagal ay tumagilid siya sa pag-upo saka itinapat na niya iyong phone sa kanang tenga niya.

"Yes, baby? Oh, uuwi na si mommy pamaya-maya. Yes, Raikku. Okay may pasalubong si Mommy sa inyo ni Careen."

Nakatingin lamang ako kay Car- Ellaine pala habang nakikipag-usap siya sa kanya... anak ba? Ewan ko pero sa tingin ko anak niya 'yung tumawag sa kanya. Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa nahawa ako sa maganda niyang ngiti.

Pero teka lang... Raikku? Careen? 'Yun dapat ang pangalan ng kambal namin ni Carie.

Ano ba naman ito? Coincidence?

Hindi ko namalayang natapos na pala si Ellaine sa pagtawag at nakatingin siya sa akin na kunot na naman ang noo. Napangiti na lamang ako ng tipid. Siguradong takang-taka na siya sa mga kakaiba kong ikinikilos na pigilan ko man ngunit hindi ko magawa dahil sa bawat galaw niya, isang tao ang sobra kong naaalala.

"I'm sorry kung na-interrupt ang meeting natin. Medyo makulit din kasi 'yung twins ko kaya kapag wala ako sa bahay ay tawag ng tawag sa akin," saad ni Ellaine sa malambing na tono.

"Twins?" hindi ko napigilang tanong kay Ellaine.

Tumango-tango si Ellaine. "Yeah," sagot niya sa akin.

Tumango-tango na lamang ako saka maliit na ngumiti. Pucha! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba ganito?

"Anyway, let's continue," wika sa akin ni Ellaine.

Tumango-tango na lamang ako bilang sagot. Sandali akong nagbaba nang tingin saka mahinang nagbuga ng hininga para kahit papaano ay kumalma ang loob ko.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon