CHAPTER 39

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 39

ANDREI FELIX HIDALGO

Marami ang nangyari matapos ang honeymoon namin ni Carie.

Marami na kaming napagdaanan bilang mag-asawa, simple man o mabigat pero nakakaya naming lagpasan dahil magkasama kami.

Kunsabagay, ang mga problema ay parang bula lang 'yan. Bilog sa una pero puputok at mawawala rin kapag hinarap at tinusok mo.

Oo nga pala, bininyagan na ang anak nila Chris at Eugena ang baby girl nila. Imbitado kami nila Carie at Cardee at siyempre, naging masaya ang okasyong iyon.

Si Shone, 'yung best friend ni Carie, nakakatuwa dahil may sarili na siyang business. Coffee shop ang itinayo niya at doon kami madalas magkape dahil masarap ang timpla.

Si Angelique naman, nakakalungkot mang sabihin pero wala na akong naging balita sa kanya. Best friend ko pa naman siya pero tila naging estranghero na kami.

"Oy! Kwento ka nang kwento diyan! Ibili mo nga ako ng orange!" pasigaw na utos sa akin ni Carie habang sitting-pretty siya na nakaupo sa sofa dito sa loob ng kwarto namin. Hala! Pati pagkwe-kwento ko sa inyo, pinapakiealaman niya.

"Grabe ka naman sa akin! Hindi na hubby ang tawag mo sa akin tapos sinisinghalan mo pa ako," patampo kong wika saka napanguso. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko sa mata.

"Eh, basta! Ibili mo na ako ng oranges! Isang box ang gusto ko, okay?"

"Isang box? Tapos ako din ang uubos," reklamo ko habang kumakamot sa ulo. Ang dami-dami nang pinabibili niya pero hindi naman niya inuubos. Pakiramdam ko nga, tumataba na ako kasi ako palagi ang kumakain ng tira niya. Kapag ako nawalan ng abs, bahala siya.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Carie. "Ang reklamador mo, alam mo ba 'yon?! Sige na! Chu! Ibili mo na ako!" masungit niyang pantataboy sa akin at parang aso pa akong tinataboy.

"Oo na!" Hay! Kung hindi lang siya buntis at naglilihi.

Oo, buntis si Carie. Nakakatuwa pero at the same time nakakainis kasi lagi niya akong inuutusan. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod. Kung saan-saan na nga ako nakakarating dahil sa mga pagkaing gusto niyang kainin na 'yung iba ay nasa malayong lugar pa.

Kambal ang magiging anak namin. Akalain niyo 'yun? Kambal kaagad! Masasabi kong sharp shooter pala ako. Hahaha!

Sa totoo lang, nu'ng malaman kong buntis siya ay sobrang tuwa kaagad iyong naramdaman ko kasi magiging ama na ako. Magiging isang pamilya na kami. Oo, may pangamba at takot rin naman akong naramdaman nun kasi siyempre first time ko na magkakaroon ng anak at inisip ko kung paano nga ba maging isang ama pero mas nangingibabaw iyong tuwa. Teary-eyed pa nga ako nun dahil sa sobrang kaligayahan. Bigla kong naisip 'yung nabasa ko sa libro na hindi naman napag-aaralan ang pagiging isang mabuting ama kundi kusa lang iyong lalabas sayo kasi isa ka ng ama.

Siguro naman may point ang nabasa kong iyon. Kung wala man, I think matututunan ko rin naman ang maging isang ama, 'di ba? Natutunan ba talaga iyon o kusang lalabas na lamang sa akin?

Bago ko iwan si Carie ay hinimas ko muna ang malaki niyang tiyan.

"Sandali lang mga babies at aalis muna si daddy para ibili kayo ng oranges," baby talk ko.

"Bilisan mo na!" masungit niyang singhal sa akin.

Tiningnan ko ng mataman si Carie. Ngumiti ako saka kiniss ko siya sa noo.

"Sige at bibili na ako wifey," malambing na pagpapaalam ko.

Tumango-tango lang siya saka ngumuso pa.

"Oo nga pala, hindi pa ba tapos 'yung online class ni Cardee?" tanong ko.

Nag-aaral na ngayon si Cardee at kinder na siya. Bukod sa online class, may tutor din siya.

"Nasa online class pa rin siya," sagot ni Carie.

Napatango-tango na lamang ako.

"Sige na at bumili ka na!" utos na naman niya sa akin.

"Oo na," wika ko saka ngitian ko si Carie.

Napailing-iling na lamang ako habang naglalakad palayo.

CARIEDEE ANDERSEN

Napapangiti ako habang diretsong nakatingin sa may pintuan ng kwarto namin kung saan lumabas si Andrei. Natutuwa kasi ako na nasusungitan ko siya. Ay ewan ko ba! Gustong-gusto ko na sinisigawan siya saka sinusungitan. Gustong-gusto ko rin na inuutus-utusan siya saka inaasar.

Naisip ko tuloy na kaya ako nagkakaganito kasi siya ang pinaglilihian ko. Kung oo, edi maganda kasi magiging kamukha niya ang mga babies namin. Ang gwapo kaya ng asawa ko. Mabagal nga lang minsan pero gwapo at magaling siya. Isa pa, mahal na mahal niya ako.

Hay! Hindi ko maikakaila na sobrang busog ako sa pagmamahal ni Andrei. Pakiramdam ko nga, mas mahal niya ako kaysa mahal ko siya. Normal ba iyong ganun? May mga nabasa rin kasi ako na dapat pantay lang ang pagmamahal ng bawat isa.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi naman na siguro mahalaga kung mas mahal niya ako o mas mahal ko siya. Ang mas mahalaga ay masaya kaming minamahal ang isa't-isa.

Anyway, sana dumating na kaagad si Andrei. Crave na crave na ako sa pinabibili ko sa kanya at gusto ko ng kumain nun. Tiningnan ko 'yung tiyan ko saka bahagya ko iyong hinimas-himas.

"Hintayin niyo lang ang pagdating ni daddy, okay? Wait lang," nangingiting wika ko sa kanila. Hindi lang kasi ako ang crave na crave sa pagkain ng orange kundi pati rin ang kambal.

Umayos ako sa pag-upo sa sofa. Inabot ko ang remote control saka binuksan ang TV. Manunuod na lamang muna ako habang naghihintay sa aking asawa. 

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now