CHAPTER 68

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 68

ELLAINE GARCIA RICAFORT

Hindi dapat ako nadala sa halik ni Andrei. Hindi dapat!

Ngunit sino bang niloloko ko?

Pagak akong natawa. Ano bang nangyayari sa akin?

Ewan ko ba pero pakiramdam ko nu'ng halikan niya ako, mas tumindi ang nararamdaman kong kakaiba para sa kanya na hindi naman dapat. Hindi dapat dahil may asawa ako at may asawa siya.

Wala dapat sparks, hindi ko dapat naramdaman iyong mga lumilipad na paru-paro sa tiyan ko. Hindi ko dapat nararamdaman sa kanya 'yung mga nararamdaman ko noon pagdating kay Harris.

Hindi dapat! Hinding-hindi!

Marahas akong nagbuga nang hininga. Itinigil ko ang pagbabanlaw ng mga plato.

Nakauwi na kami dito sa bahay. Kahapon pa iyon nangyari ngunit pakiramdam ko, nakadampi pa rin sa labi ko ang labi niya. Pakiramdam ko, hinahalikan niya ako ngayon.

Napailing-iling ako ng mariin. Bakit ba hindi iyon maalis sa isip ko? Nakakainis!

---

Kinabukasan ay isang galit na galit na Carie ang sumugod dito sa bahay. Nasa hardin ako at nagwawalis ng bigla na lamang niya akong sabunutan at kaladkarin ng todo sa sarili kong pamamahay.

"Ano ba?!" malakas na sigaw ko kay Carie habang nagpupumiglas. Pinipigilan ko ang kamay niya ngunit hindi dahil mas malakas siya sa akin ay nagagawa pa rin niya akong saktan.

"Ang kapal-kapal ng mukha mong malanding talipandas na hayop ka!" malakas na hiyaw niya sa akin at mas lalo niya akong kinaladkad sa lupa.

Nasasaktan ako sa ginagawa niya kaya naman binuhos ko ang buong lakas ko para tadyakan siya ng malakas sa sikmura dahilan para mabitawan niya ako at mapahawak sa tinadyakan kong bahagi ng kanyang katawan.

Masama akong tiningnan ni Carie na sinalubong ko naman.

"Ano bang kasalanan ko sayo at bigla-bigla ka na lang sumusugod dito sa bahay ko?!" malakas na sigaw ko sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakasadlak ko sa damuhan.

Mabuti na lamang at nasa kwarto ang mga bata kasama ang yaya nila at hindi kami nakikita at naririnig dito.

Umismid si Carie. "Wow! Ang galing mong umarte! Ang galing-galing!" sarcastic na wika niya pa. "Anong kasalanan mo?" tanong niya. "Wala ka ba talagang alam mo nagmamaang-maangan ka lang?!" sigaw niya pa sa akin sa malakas na boses.

Kumunot ang noo ko.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo-"

"Hindi ka lang malandi, sinungaling ka pa!!!" malakas na singhal niya sa akin na ikinagulat ko. "Isang taon ka pa lang nagiging byuda pero nagagawa mo nang makipaglandian sa iba at worst, sa may asawa pa!" sigaw niya pa sa akin.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata.

May kinuha si Carie mula sa handbag niya at inilabas iyon.

"Ito! Ito ang ebidensya ng mga kalandian mo!" malakas na sigaw niya sa akin sabay hagis sa mukha ko nang kinuha niya sa kanyang bag.

Nagkalat iyon sa damuhan. Tiningnan ko at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala.

"Ano? Magmamaang-maangan ka pang wala kang alam?!" tanong niya sa akin habang pinandidilatan ako ng mga mata at dinuduro-duro. "Magmamaang-maangan ka pang malandi ka? Kunsabagay, sino nga ba ang aamin na malandi siya?" aniya pa sa nang-iinsultong tono.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now