CHAPTER 36

2 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 36

ANDREI FELIX HIDALGO

Tunay talaga ang kasabihan na ang bilis lumipas ng panahon kapag masaya ka. Grabe! Parang kisap-mata na namang lumipas ang mga araw sa buhay namin ni Carie pero hindi ko maitatanggi na mabilis man lumipas ang mga araw na iyon ay sobra naman akong naging masaya.

Ngayon ay ang unang anibersaryo namin ni Carie. Akalain mo nga naman, umabot ng one year ang relationship namin ni Carie. Ang saya lang isipin na umabot kami sa ganitong estado pagkatapos ng maraming ups and downs na nangyari.

Anyway, may parte rin sa akin na malungkot. Nalaman ko kasing bumalik na si Angelique sa US. Hindi mo maiwasang sisihin ang sarili ko dahil alam ko, alam kong ako ang isa sa mga dahilan ng biglaan niyang pagbabalik doon ngunit wala naman akong magawa. Handa pa rin naman akong maging best friend niya pero 'yung higit pa roon na gusto niya, napailing-iling na lamang ako kasi hindi ko iyon maibibigay sa kanya.

Si Eugena, ayun at tatlong buwan na lang at magiging isa na siyang ganap na ina. Nakakatuwa dahil magiging isang pamilya na sila ni Chris at siyempre, mas masaya si Cardee na excited na excited sa paglabas ng kapatid niya.

Speaking of Cardee, three years old na siya ngayon. Kaka-birthday lang niya last-last month at naging magarbo ang selebrasyong iyon na ikinatuwa naman ng bata. Present ang lahat ng kaibigan niya, at mga malapit sa kanya kabilang na ako.

Hay! Ngayon nag-iisip ako kung ano ang ihahanda ko para sa anniversary namin ni Carie. Kung sarili ko na lang kaya? Hahahaha! Kunsabagay, hindi naman ako masama at sigurado naman ako na magugustuhan rin naman niya ako.

CARIEDEE ANDERSEN

Ngiting-ngiti ako habang nakaharap sa salamin dito sa loob ng aking kwarto. Siyempre, bukod sa gandang-ganda na naman ako sa aking sarili, alam ko na espesyal ang araw na ito dahil first year anniversary namin ni Andrei. Akalain mo 'yun? Umabot kami ng isang taon. Winner!

Kunsabagay, hindi naman talagang malayong umabot kami ng ganito katagal kasi mahal ko siya at mahal niya ako. Masarap ako at masarap siya at nasasarapan kami sa isa't-isa! Hahahaha!

Anyway, excited na excited din ako ngayon. Alam ko na may inihanda si Andrei para sa special day na ito naming dalawa. Ano kaya iyon? Ewan ko pero siguradong magpapaka-sweet na naman ang lolo niyong nerd.

---

Tinawagan ako ni Andrei at sinabihan akong susunduin niya dito sa bahay kaya naman siyempre, nag-ayos ako ng bonggang-bongga. Kailangan na maging sobra akong maganda sa paningin niya para hindi niya ako ipagpalit sa iba.

Nakasuot ako ngayon ng dress na bulaklakin at siyempre nagpabango ako ng marami para naman bumagay sa dress ko. Mabango ang mga bulaklak kaya dapat mabango din ako.

Pinartneran ko ng wedge ang dress ko at habang tinitingnan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin, gandang-ganda na naman ako sa sarili ko dahil ang ganda ng pagkakaayos ko sa aking buhok at make-up ko na hindi naman sobrang kapal. Maganda na ako kaya hindi na kailangan ng sobrang kapal na kolorete sa mukha.

Umalis ako sa harapan ng salamin at kinuha ang hand bag ko na nakapatong sa upuan saka lumabas na ng aking kwarto.

"Naks naman! Ang ganda ng baby sister namin!" Si Kuya Cax na lumabas din sa kanyang kwarto at nakita ako. Ngiting-ngiti naman siya.

Ngumiti ako. "I know right," pagyayabang ko sa kanya sabay flip ng hair.

Tinawanan ako ni Kuya Cax.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon