CHAPTER 60

4 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 60

HARRIS RICAFORT

Maligaya ang buhay ko ngayon. Mayroon akong maganda at butihing asawa at mga anak na kumukumpleto sa bawat araw ko.

Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mabahala dahil ang kaligayahang natatamasa ko ngayon, may hangganan lalo na at alam kong hiniram ko lamang ito.

Ang daming gumugulo sa isipan ko na sa totoo lang, ikinahihirap ng damdamin ko. Kalimutan ko man ngunit lagi ring bumabalik at wala na akong magawa para ito'y maialis.

Humugot ako ng malalim na hininga. Tiningnan ang weighing scale na nasa loob ng opisina ko dito sa ospital.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Pumasok ang isa sa mga nurse ko.

"Doc, may naghahanap po sa inyo," aniya na ikinakunot ng aking noo. Sino?

Ngumiti na lang ako ng maliit. "Sige, papasukin mo siya," sabi ko na lamang sa nurse na siyang kaalalay ko rin sa tuwing manggagamot ako.

Ngumiti ang nurse ko sa akin saka siya lumabas. Umayos naman ako sa pag-upo sa swivel chair ko at inayos ko rin ang pagkakasuot ng doctor's coat ko.

Nang tumingin ako muli sa pintuan dahil bumukas ito ay nanlaki ang mga mata ko sa kung sino ang pumasok.

Sopistikada man siya at maganda kung manamit pero iisa lang talaga ang mukha nila ni Ellaine.

At alam kong hindi siya si Ellaine kundi si...

"Hi!" nangingiting pagbati sa akin ng asawa ni Andrei. Si Carie.

Dinaga sa kaba ang dibdib ko. Hindi dapat ganito ang maramdaman ko at hindi dapat niya mahalata na kinakabahan ako. Humugot ako ng malalim na hininga saka ni-relax ko ang aking sarili. Tipid akong ngumiti.

"Have a seat," alok ko saka itinuro ko ang isang upuan na nasa harapan ng office desk ko.

Napangiti si Carie saka naupo sa upuan.

"You are Mrs. Hidalgo, right?" tanong ko.

"Yes," sagot niya. "Anyway, congratulations nga pala sa bagong baby ninyo ni Ellaine," dugtong pa niya saka mas sumilay ang ngiti sa labi niya.

Napatango-tango ako sa sinabi niya. "Salamat," sagot ko saka ngumiti sa kanya.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Carie.

"Harriel Kamil Dee," sagot ko.

Napatango-tango si Carie sa narinig niya. "I'm sure na gwapo din siya katulad mo," nangingiting sabi pa niya.

Ningitian ko na lamang ulit siya. "Ano nga palang sadya mo sa akin?" pagtatanong ko sa kanya.

Ngumiti si Carie. "I'm here to deal with you," aniya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Deal with me?" tanong ko. "For what?" sunod kong tanong. May hinala na ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin pero kailangan ko munang magmaang-maangan. Baka mali lang kasi ako sa hinala ko.

Napangiti nang matamis si Carie. "Para sa world peace," pamimilosopo niya.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Nakatingin lamang kami sa mata ng isa't-isa. Hindi man lang siya kinakabahan ngayong kaharap ako. Ganun ba talaga kalakas ang loob niya?

Huminga nang malalim si Carie. Tumingin siya sa salaming bintana ko na kitang-kita ang view sa labas. "You know what I mean, Harris," makahulugang sambit niya saka tiningnan ulit ako.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now