CHAPTER 8

12 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 8

CARIEDEE ANDERSEN

Marahil maraming nagtataka kung bakit pumayag ako na maging kaibigan ng nerd na iyon. Sa totoo lang, nagtataka rin naman ako sa sarili ko kung bakit. Siguro nababaliw na siguro ako? Ewan!

Sa totoo lang, para sa akin ay kakaiba siya sa lahat. Napaka-inosente niya kung titingnan kaya naman bilang kapalit ng pakikipagkaibigan ko sa kanya, dapat may kundisyon. Iyon ay ang turuan siya sa mga bagay na sa tingin ko kailanman ay hindi pa niya natututunan.

Isa pa, aaminin ko na nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon. Inosente, walang kaalam-alam at higit sa lahat, parang madaling maloko. Kaya siguro ako nagkakaganito ng dahil sa kanya kasi naaalala ko 'yung dating ako at gusto kong ipaalam sa kanya na hindi maganda ang dulot ng pagiging inosente. Dapat may alam siya sa lahat para hindi niya maranasan ang maloko at mapaglaruan ng iba.

Hindi ko maikakaila na gwapo naman siya. Naaalala ko nang tinanggal ko 'yung salamin niya sa mata, ang ganda ng mga mata niya. Natatawa nga ako sa tuwing maaalala ko ang reaksyon niya noon lalo na nung hinalikan ko siya sa restroom dahil daig pa ang babae. Pa-virgin!

Oo nga pala, nandito ako ngayon sa loob ng convenience store at hinihintay siya. Nakakainis nga kasi dapat siya ang naghihintay sa akin pero ito at baligtad ang sitwasyon. Hay! Ano bang nangyayari sayo Carie? Pinaghihintay ka ng isang nerdy boy? Kaloka!

Siyempre, habang naghihintay ako sa nerdy at baduy na lalaking iyon ay may mga lalaking lumalapit sa akin at nakikipagkilala at dahil maganda ako at hindi naman ganun kabastos, I entertained them. Todo ngiti at pa-cute pa nga ako para mas lalo silang mabaliw sa akin. Sige lang boys! Mabaliw kayong lahat sa akin!

Usap lang ang mga nangyari, siyempre may hinihintay akong tao kaya alangan namang sumama ako sa kanila.

Itong huling kausap kong lalaki ay si Zian. Todo pa-cute at landi din ako dahil hindi ko naman maikakaila na gwapo siya pero sa totoo lang ay wala akong nakikitang espesyal sa kanya. In short, gwapo lang at hanggang doon lang siya.

Habang nag-uusap kami nitong si Zian ang pangalan ay napatingin ako sa glass window and there he is, naglalakad si Andrei palapit sa kinalulugaran ko. Napa-smirk tuloy ako.

ANDREI FELIX HIDALGO

Ngayong araw ay magkikita kami ni Carie. Hindi ko alam kung ano bang gagawin naming dalawa pero hindi ko itatanggi na nae-excite ako at the same time ay kinakabahan din. Grabe nga 'yung puso ko, para siyang may hinahabol sa bilis niyang tumibok.

Malapit na ako sa convenience store nang makita ko siya at ayun, may kausap na namang lalaki. Medyo nainis na naman ako. Hay! Nakita kong tumayo siya at kinawayan ako saka nagpaalam sa kausap niya at lumabas ng convenience store.

Kahit pala sa labas ng school ganun pa rin siya. Tsk!

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ko 'yan gusto," tanong at sarcastic na sabi ni Carie sa akin nang makalapit siya. Halata ba sa mukha ko na inis ako?

Medyo sumimangot ako. "Wala," walang ganang sagot ko.

"Weh?" tanong niya. Pamaya-maya ay ngumiti siya nang nakakaloko. "O baka naman nagseselos ka kasi nakita mo akong may kausap na ibang lalaki?" tanong pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"H-Hindi ah!" mariing pagmamaang-maangan ko. Hindi naman talaga ako nagseselos. Hindi nga ba? Hay ewan!

Mahinang tumawa nang pang-asar si Carie. "Sus! Halika na nga!" pag-aaya na niya sa akin.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now