CHAPTER 63

2 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 63

ELLAINE GARCIA RICAFORT

Nandito pa rin ako sa hospital at binabantayan si Harris. Kasama ko si Andrei na ayaw naman akong iwan kahit na sinabihan ko ng umuwi na dahil siguradong hinihintay rin siya ng pamilya niya.

Inaantay kong magising si Harris. Naghihintay akong magkamalay siya. Umaasa akong ididilat pa rin niya ang kanyang mga mata at hindi iiwan ng biglaan.

Natatakot ako, sobrang natatakot ako. Ayokong mawala siya. Ayokong mawalan ng asawa at mas lalong ayokong mawalan ng ama ang aking mga anak dahil kung mahirap sa akin, siguradong magiging mahirap din iyon para sa kanila.

Pinunasan ko ang aking luha na muli na namang kumawala mula sa aking mga mata. Napatingin ako kay Andrei na nakatingin sa akin habang nakaupo sa mahabang sofa dito sa loob ng private room kung saan dinala si Harris. Nagbaba na lang ako ng tingin.

"Pwede ka nang umuwi," saad ko muli sa kanya. Ilang beses ko na rin kasi siyang pinapauwi dahil baka nag-aalala na ang pamilya niya sa kanya.

Bahagyang umiling si Andrei. "Dito na muna ako," sabi niya.

Umiling-iling din ako. "Please," pakiusap ko sa kanya. "Kailangan ka rin ng pamilya mo," dagdag ko pa.

Hindi na nagsalita si Andrei at nakatingin na lamang siya ng mataman sa akin.

Pamaya-maya ay humugot ng malalim na hininga si Andrei.

"Kaya mo na bang mag-isa rito?" tanong niya sa nag-aalalang tono.

Tumango-tango naman ako. "Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko na ito," paniniguro ko sa kanya.

Napatango-tango si Andrei sa sinabi ko. Tipid itong ngumiti saka dahan-dahang tumayo.

"Sige at iiwan muna kita dito. Tawagan o i-text mo na lang ako kung may kailangan ka," bilin niya sa akin.

Tumango na lamang ako bilang sagot. "Magpahinga ka na din," saad ko. "Alam kong labis kang napagod dahil sa pagsama mo sa akin rito," dugtong ko pa.

Napatango-tango na lamang ulit si Andrei. "Sige at aalis na ako," pagpapaalam niya.

Ningitian ko na lang siya ng maliit bilang sagot sa sinabi niya.

Tipid na ngumiti si Andrei. Tiningnan nito si Harris saka huminga ng malalim at muli niya akong tiningnan. Tinanguan niya ako na ginantihan ko naman nang pagtango.

Nakasunod ang tingin ko kay Andrei hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Huminga ako ng malalim.

"Salamat, Andrei."

Muli kong tiningnan si Harris na nakahiga sa kama. Putlang-putla ang kanyang balat at mas lalo siyang namayat. Awang-awa ako sa kanya. Nakakainis lang kasi wala akong magawa para maibsan kahit papaano 'yung sakit na dinaranas niya.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at bahagya ko iyong pinisil.

---

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa may humahaplos sa aking ulo.

Inangat ko ang aking mukha mula sa pagkakadantay sa kama at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Harris na nagkaroon na ng malay at siyang humahaplos sa akin ng marahan.

"Hon!" Labis ang tuwa ko nang makitang nakadilat na ang kanyang mga mata. Napangiti ako.

"E-Ellaine," pagtawag niya sa akin sa nanghihinang boses.

Tumango-tango ako. "Ako nga," wika ko. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko pa.

Ningitian niya ako. Lalo naman akong napangiti.

"Magpahinga ka lang ng mabuti para kaagad kang gumaling tapos uuwi na tayo. Kailangan mo pang makipaglaro sa mga bata," nangingiting sambit ko.

Matamang nakatingin lamang si Harris sa akin.

Pinipilit kong magpakatatag sa harapan niya ngunit darating din talaga ako sa point na hindi ko na kaya. Napayuko ako.

"Sinabi sa akin ng doktor na kailangan mong magpa-chemo para tuluyan ka ng gumaling. Gawin natin iyon, okay?" nanghihinang sambit ko nang hindi nakatingin kay Harris.

"I'm sorry," mahinang saad ni Harris.

Tiningnan ko siya. Naluluha na naman ang mga mata ko.

"I'm sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo. Ayoko lang kasi na mag-alala ka pa," kalmado na wika ni Harris.

Umiling-iling naman ako. "You don't need to say sorry. Ang mas mahalaga ngayon ay ang gumaling ka," sabi ko.

Umiwas nang tingin sa akin si Harris. Tumingin ito sa bintana. "Gusto ko nang magpahinga," mahinang salita niya.

"Ganun ba? Sige at matulog ka na ulit-"

"Nahihirapan na ako," wika niya kaagad na pumutol sa sinasabi ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Mangiyak-ngiyak na ako.

"Hon."

Muling tumingin sa akin si Harris. Ngumiti siya. "Ikaw na ang bahala sa mga anak natin. Alam ko na magiging mabuti kang ina at ama sa kanila," madamdaming pahayag niya. "Gustuhin ko man na magpatuloy na maging ama sa kanila ngunit... ngunit ayaw na akong pagbigyan," kanya pang saad.

"Hon, magiging mabuti akong ina sa kanila pero ang maging mabuting ama, ikaw lang ang makakagawa nun kaya please, lumaban ka para sa amin," madamdaming pakiusap ko. Tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Napangiti ng tipid si Harris. Itinaas niya ng dahan-dahan ang kanan niyang kamay at dinala iyon sa mukha ko. Hinaplos niya ng marahan ang pisngi ko at gamit ang hinlalaki niyang daliri ay pinupunasan niya ang luha ko.

"Kahit na anong mangyari, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita."

Napatango-tango ako sa mga sinabi ni Harris.

"Mahal din kita. Mahal na mahal. Kaya sana huwag mo kaming iiwan, ah."

Hindi nagsalita si Harris at nanatili lamang siyang nakatingin sa mga mata ko habang patuloy na pinupunasan ang aking mga luha.

Gagaling ka Harris. Kailangan mong gumaling. Dapat pa tayong magsama ng matagal at makita ang mga anak natin habang lumalaki sila at binubuo ang buhay na pinapangarap para sa mga sarili nila.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now