CHAPTER 19

11 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 19

CARIEDEE ANDERSEN

Buhat-buhat ko si Cardee. Papunta na kami ngayon sa lugar na tinext sa akin ni Chris kung saan kami magkikita.

"Where are we going, Mommy?" tanong sa akin ni Cardee. Nakakunot pa ang noo niya. Ang cute.

Napangiti lamang ako bilang sagot sa anak ko. Saka ko na lamang sasabihin sa kanya ang sagot kapag nandoon na kami.

Inayos ko ang pagkakabuhat sa aking anak at patuloy lamang akong naglakad papunta sa resto. Iniwan kong nakaparada ang kotse sa parking lot.

Hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Ang bilis-bilis ng tibok ng aking puso.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa restaurant. Simple lamang ang itsura nito pero tahimik. Winelcome kami ng isang waiter at tinanong kung may reservation ba ako. Sinabi ko sa kanya ang pangalan ni Chris at hinatid naman niya kami sa uupuan namin. Pang-apatan ang mesa at nasa bandang dulo ito.

Inupo ko si Cardee at naupo na rin ako sa tabi niya. Medyo maaga kaming nakarating dito kasi wala pa siya.

May lumapit sa aming waiter at binigyan kami ng menu. Tinanggap ko naman iyon saka iniwan na muna niya kami.

Tiningnan ko ang nilalaman ng menu habang naghihintay kay Chris. Iniisa-isa ko iyong nasa menu dahil pinipili ko na 'yung kakainin ni Cardee. Simula ng maging ina ako, siya ang lagi kong inuuna sa lahat ng pagkakataon.

Nakapili na ako. Muli kong tinawag ang waiter at umorder ako ng gatas para kay Cardee at coffee naman ang sa akin. Iyon na muna kasi wala pa si Chris.

Umalis ang waiter at naghintay kami sa pagdating niyang muli dala ang order namin. Tiningnan ko ang suot kong wrist watch. Late na si Chris sa napag-usapan naming oras dahil isang minuto na ang lumipas.

Hanggang sa dumating na ang order namin ay wala pa si Chris. Hindi ko mapigilang mainis. Ang aga na nga namin dito tapos late pa siya.

Humihigop ako ng kape ng sa wakas ay dumating na si Chris at kasama niya si Eugena. Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawa.

Nilapag ko 'yung tasa ng kape sa platito. Ngumiti ako ng maliit.

"Hi," pagbati ko sa kanilang pagdating. Isinantabi ko na lang 'yung inis kong nararamdaman dahil late sila.

Ngumiti si Chris. Tiningnan nito si Cardee na umiinom ng gatas. Nakahalukipkip naman si Eugena at nakataas ang kanang kilay. Hindi na talaga magbabago ang babaeng ito, mataray pa rin hanggang ngayon.

"Have a sit," aya ko sa kanila at itinuro ang dalawang upuan na nasa kabilang side ng mesa at kaharap namin ni Cardee.

Napatango-tango naman si Chris saka inaya si Eugena na maupo na. Nasa harapan namin silang dalawa.

"Ito ang menu, umorder na muna kayo," alok ko saka binigay sa kanila 'yung mga menu.

Kinuha naman nila mula sa akin 'yung menu at tiningnan.

Nakatingin lamang ako kay Chris at Eugena habang tinitingnan nila ang menu. Masasabi kong bagay na bagay sila. Sa tingin ko nga, parang tama lang 'yung nangyari noon para mapunta silang dalawa sa piling ng isa't-isa.

Pamaya-maya ay mukhang nakapili na sila. Tinawag ni Eugena ang waiter at ibinigay ang kanilang order. Binalik na rin nila 'yung menu.

"Carie," pagtawag sa akin ni Chris.

Tiningnan ko si Chris. Bahagyang tumaas ang kanang kilay ko. "Yes?" tanong ko sa kanya.

Napangiti si Chris. "Thank you, salamat talaga," sincere na sabi niya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz