CHAPTER 1

141 5 0
                                    

CHAPTER 1.1: GETTING TO KNOW THE B*TCH

THIRD PERSON

Star Prime Academy, a school for rich, famous and upper class. Ang school kung saan makikilala ang babaeng hindi katangkaran na naglalakad ngayon sa mahabang hallway. Sopistikada, maganda, namumutok sa kulay pula ang labi, may flawless white skin at kinaiinggitan ng nakakarami. Lahat ay napapatingin sa kanya at walang kahit na sino ang nakakaligtas. Nagagandahan, hinahangaan, pinagpapantasyahan. Ang mga lalaki, pilit nagpapapansin sa kanya. Ang mga babae naman, gusto siyang maging kaibigan ngunit mailap ang dalaga lalo na sa pagkakaroon ng kaibigan. She have one best friend way back then pero pinagtaksilan siya nito.

Habang siya'y naglalakad ay may sumalubong sa kanyang lalaki, si Kristoff, ang pang thirty-five boyfriend niya this year. Gwapo, maputi, matipuno at matangkad kaya hindi kataka-taka na miyembro ito ng basketball team.

"Hi, Honey!" malambing na pagtawag ni Kristoff at hinalikan niya ang kasintahan sa kanang pisngi.

"Hi too, Honey!" nangingiting pagbati rin niya saka niya hinalikan ang malambot na labi ni Kristoff na napapikit ng mga mata at tumugon sa halik niya. Kapwa nakapikit na ang kanilang mga mata at mapusok ang halikan nila habang niyayakap nila ang katawan ng isa't-isa. Hindi alintana ang mga taong nakapaligid at nagbubulung-bulungan habang pinapanuod sila.

"Grabe sila maghalikan."

"Sinabi mo pa!"

"Kainggit naman!"

"Oo nga eh!"

"Sana all may gwapo at magaling humalik na boyfriend."

"Halika punta tayo ng cafeteria," pag-aaya sa kanya ni Kristoff saka ningitian ng nobya matapos nilang maghalikan.

"Sure!" nangingiting pagpayag niya.

Pumunta sila sa cafeteria at hindi niya inaasahan ang makikita niya. Ang taksil niyang ex-boyfriend at ang ahas niyang ex-best friend na magkasama.

Ipinulupot niya ang kanyang braso at hinawakan ng kanyang kanang kamay ang matipunong biceps ni Kristoff habang naglalakad at nakatingin sa ex-boyfriend niya at sa ex-best friend nya. Inismiran niya ito at gumanti naman ng evil smile ang ex-best friend niya at hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa, hinalikan nito sa labi ang ex-boyfriend niya na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya. Hindi naman niya mahal si Kristoff dahil hanggang ngayon ay may labis siyang minamahal at iyon ang lalaking nakikipaghalikan ngayon sa ahas niyang ex-best friend.

Labis siyang nasasaktan sa nakikita at kitang-kita iyon sa mga mata niya. Kahit naman matapang ang panlabas niyang anyo, sa loob naman ay nadudurog na ang kanyang puso.

"Honey, are you okay?" tanong ni Kristoff sa nag-aalalang tono.

Tiningnan niya si Kristoff. Pinilit niyang ngumiti. "Yes, I'm okay," matatag na sambit niya. "Pupunta muna akong restroom," paalam niya.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at tumakbo na siya papunta sa pinakamalapit na restroom habang unti-unting tumutulo ang kanyang luha.

Sa kanyang pagtakbo at panlalabo ng mata dahil sa luha, hindi niya namalayan na may nabunggo siya.

"Sorry!" paumanhin niya at sabay takbo papuntang restroom. Hindi na niya inalam kung sino o anong nangyari sa nabunggo niya sa braso.

"Napakasakit pa rin hanggang ngayon! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang kailan ba ako iiyak ng dahil sayo Chris? Kailan ka ba mawawala sa puso ko?" napapahagulgol niyang wika. Nakatapat na siya sa salamin ng restroom at kita ang repleksyon ng mukha niyang mababanaag ang sakit na nararamdaman at puno ng luha.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon