CHAPTER 48

5 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 48

HARRIS RICAFORT

"Are you okay, Hon?"

Napatingin ako kay Ellaine. Nasa loob kaming dalawa ng aming kwarto. Ang dalawang bata ay inaalagaan ng yaya sa sala.

Napangiti ako saka tumango-tango. Ang ganda talaga niya lalo na ngayon at naka-business attire siya. Ngayong araw kasi ay papasok na siya sa kumpanya nila Andrei bilang kinatawan ko.

"Sure ka?" tanong ni Ellaine.

"Don't worry about me," wika ko saka ningitian siya.

Napanguso siya. Lumaki naman ang ngiti sa labi ko. Ang cute niya.

"Pwede ba iyon? Asawa kaya kita," malambing niyang sabi.

Ngumiti na lang ako ng maliit.

"Paano kaya kung ako na lang ang pumunta doon?" tanong ko.

"Pwede rin naman, pero paano ang ospital mo?" balik-tanong niya sa akin.

'Yun na nga ang problema, gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang ospital ko. Kung tatanungin niyo ako kung ano ang mas mahalaga, kung kumpanya ba ng mga magulang ko o ang ospital ko, mas mahalaga ang ospital ko. Pero ayoko rin namang bumagsak ang kumpanyang pinaghirapan ng parents ko kaya hindi ko rin ito pinababayaan.

Napangiti na lamang ako.

"Sige na at umalis ka na. Sabihan ko na lang 'yung driver ko na siya na ang maghatid at magsundo sayo," saad ko.

"Huwag na dahil kaya ko naman mag-drive mag-isa," pagtanggi niya.

Umiling-iling ako.

Napangiti na lamang si Ellaine.

"Sige at aalis na ako. Kitakits na lang ulit tayo," pagpapaalam niya sa'kin.

Tumango-tango na lamang ako ng marahan.

Lumapit sa akin si Ellaine at hinalikan ako sa labi. Ang sarap talaga ng halik niya.

Pamaya-maya ay nakasunod na ang tingin ko kay Ellaine na palabas na ng kwarto namin. Ngumiti na lamang ako ng maliit.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko mapigilang mag-alala lalo na at magkakasama sila ni Andrei doon.

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

"Si Mrs. Hidalgo ba 'yan?"

"Hindi, kamukha lang niya. Si Mrs. Ricafort siya."

"Hindi, si Mrs. Hidalgo 'yan."

"Bakit kamukha siya ni Miss Carie?"

"Oo nga. Magkaiba lang sila ng style pero magkamukhang-magkamukha sila."

"Kambal ba sila?"

"Sa pagkakaalam ko ay walang kakambal si Mrs. Hidalgo."

"Baka naman impostor siya?"

Ningingitian ko na lamang iyong mga empleyadong napapatingin sa akin at halatang pinag-uusapan ako.

Nandito na ako ngayon sa loob ng kumpanya ni Mr. Hidalgo. Ako na muna ang pansamantalang hahalili kay Harris bilang board member dahil mas mahalaga sa kanya ang ospital niya kaysa sa kumpanya ng parents niya.

Nag-invest si Harris dito ng malaking halaga kaya hindi pwede na basta-basta pabayaan na lamang. Mabuti na nga lang at may nag-aalaga na sa kambal ko kaya hindi na rin ako masyadong nag-aalala pa dahil mabait naman si Jane, ang yaya nila.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now