3 She Devil

7K 112 2
                                    

charlotte's pov

Nandito ako ngayon sa lobby ng Fuentebella Airlines. Hinahantay ko ang paglabas ng may-ari ng napakalawak at grandiosong kumpanyang ito. hindi ko ina-asahang dito ko gugugulin ang buong araw ko. Ang maghintay sa may ari ng kumpanyang pinagkaka utangan ng pamilya ko.

Ang taong hinahanap ko ay si Ishii Alexei Fuentebella. Lagi ko lang naririnig ang pangalan nya sa mga okasyon kung saan nagtitipon-tipon ang mga ka sosyo sa negosyo ng dad ko. Ito raw ang pinaka batang naging may-ari ng isang business empire dito sa bansa. Ni wala nga kong makitang mga pictures nito sa kahit anong social networking sites. Never ko rin itong nakita sa mga business gatherings na sinasamahan ko tuwing gusto akong ipakilala ni dad sa mga anak ng ka sosyo nya.

Mga major stock holders lang daw ang nakakakita dito at hindi rin ito nagpapakilala sa mga empleyado niya basta basta pero may hinala sila na minsan ay pumupunta ito sa pagmamay-ari nyang mga kompanya personally kaya lang hindi nagpapakilala incognito at it's finest ang drama nito.

Ni wala pakong nakausap sa mga business partners ng dad ko na nakita na sya personally. Mailap rin daw ito sa media kaya walang larawan ito sa internet. Nakaupo ako dito at naghihintay ng biglang may nakita akong tatlong lalaking naglakad palabas ng elevator at padaan sa tapat ng kinauupuan ko. Mga naka business suites ito. Agad kong tinitigan ang mga ito. Dalawang lalaking mga nasa mid 50's at ang lalaking nauuna ng konti sa kanilang naglalakad na mukang nasa mid 20's.

Mr. Fuentebella? tanong ko sa lalaking nau-unang maglakad. Matangkad ito. Gwapo brown ang buhok at may matikas na tindig. mukang ito na nga siya. Gusto ko lang sanang maka-usap ka tungkol sa business. I'm Charlotte Eclair by the way.

Inabot ko ang kamay ko dito agad naman itong ngumiti at tinanggap ang palad ko habang ang dalawang kasama nito ay nauna ng maka-alis. Nice meeting you Charlotte why don't we discuss your concerns over some coffee? Natigilan naman ako sa pagpapacute nito. seryosong bagay ang ipinunta ko dito.

sasagot sana ako ng biglang bumukas muli ang elevator at lumuwa mula dito ang babaeng naka business attire. Maganda ito may kaputian hanggang balikat ang buhok at napaka seryoso ng mukha. Agad ko namang nakalimutan ang isasagot ko sana nung magka tama ang mata namin nung babae mula sa elevator. hindi ko alam pero parang biglang lumakas ang tibok ng puso ko at natulala habang naka tingin parin sa kanya.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Para namang ganun din cia sakin pero dahil sa ibang dahilan parang may galit ang tingin nia at mga ibang emosyon na hindi ko maintindihan.

Hey what are you still doing here?nakatinging sabi nito kay Ishii i told you to go home as soon as you can so that you could tell your father the problems that he has to fix on his company before i drop him off like a piece of trash that he is... agad akong natauhan sa mga pinagsasabi nito.

Huh?" nagulat naman ako sa pananalita at sa tono ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Bakit ganyan sya makipag usap kay mr. Fuentebella?

ahhh, kasi... nauutal na sabi ni mr. Fuentebella

I said go and do what i told you!" ma awtoridad nitong sabi.

ahhh, excuse me lang ha?" but who do u think u are? nakikita mong magka-usap pa kami ni mr. Fuentebella dito eh, and your acting like a jerk.

Agad namang tumingin ito sakin at lalong lumalim ang kunot nito sa noo. tsk. kala naman nia matatakot ako.

and who the hell are you? tanong nito sakin. Agad namang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito.

Alam mo kung anong kinaganda mo yun yung kina pangit ng mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo! bastos ka na arogante ka pa! muka ka namang nakapag aral. Pero mukang nakalimutan mong kumuha ng subject na GMRC!

Ich Liebe Dich (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon