33 Miserable without you

2.1K 109 18
                                    



3rd person's pov




2 weeks later...



tok!




tok!



tok!




"Alex! Alex!! AAAleeeex!!!"

"ano ka ba Wila! nakakahiya sa mga tao!" saway ni Batchi sa kaibigan na kanina pa sinisipa at kinakalampag ang hotel room.

"anong nakakahiya?! at ako pa talaga ang nakakahiya ngayon? sino bang tumawag sakin habang busy ako sa pagpapatakbo sa business ng pamilya namin ha? sino bang hindi kayang mahanap mag-isa ang bestfriend nya? hindi ba ikaw? hoy, Batchi ah tandaan mo hindi ako nakatira lang sa tabi-tabi kailangan ko pang lumipad para lang hilahin palabas yang si Alex dahil sa kaartehan nya!" mahabang litanya nito.

dalawang linggo ng hindi lumalabas ng kwarto nya ito sa Fuentebella hotel at kinailangan pang makipag away ni Wila sa mga piling empleyado nitong nakakaalam kung saan matatagpuan ang boss nila.

"Wila naman siguradong may maayos na dahilan si Alex sa mga pinaggagawa nya kaya pwede ba wag mo syang iskandaluhin?" mahinahong sagot nya dito.

"yan! yan kasi ang ginagawa mo kaya lumalaki yang ulo ng bestfriend mo! pinagtatanggol mo sya kahit mali na ang ginagawa nya! pag ako lang nakapasok dyan sa loob kukulutin ko talaga ang buhok ng babaeng yan! nasan na ba ung inutusan mong magbubukas dito?"

"hindi ka ba makakapag salita ng mahinahon?"

"ayokong huminahon!" muli itong nagsisigaw na halos ika putok na ng litid nito.

"Wila tigilan mo yan!" pinagsisipa parin nito ang pinto.

"f*ck! Alex lumabas ka dyang babae ka!" hindi ito nakutento sa pagsipa ng pintuan at binalya balya pa ito.

"Wila tigilan mo sabi yan eh!" hinahatak nito ang kaibigan na patuloy sa ginagawang pagwawala.

"Batchi isa pa masasapak na kita!"

"nakakahiya ang ginagawa mo ano ba?! para kang hindi nakapag-aral!"

"hindi ko kailangan ng master's degree para mapalabas tong kaibigan mo dito!" hinila ni Batchi ang kaibigan sa braso.

binawi naman ito ni Wila.

ilang sandali lang ay naghihilahan na silang dalawa na ikinatatawa ng mga nakakakita sa kanilang kabaliwan.

krrrr..krrr.... tunog ng napupunit na tela.

hinila hila ni Wila ang suot na t-shirt ni Batchi habang sinasabunutan ito.

"Wila isa!"

"kahit magbilang ka ng isang milyon wala akong pakialam!"

"ah, mam...mam...."

"what?!" angil ni Wila sa lalaking biglang sumulpot sa harapan nila.

"ano po kasi... b-buksan ko na po ang pinto ni mam Ishii..." natatakot na paliwanag nito dahil sa hitsura ng babaeng parang handang lumunok ng tao.

"cge po kuya paki buksan po." magalang na sagot dito ni Batchi.

inayos nya ang nagulong buhok at itinaas ang kwelyo ng napunit nyang damit.

binigyan nya ng warning look ang kaibigan.

nagtaas lang naman ito ng kilay at umirap.

ipinasok ng lalaki ang keycard na nagpabukas naman sa pintuan.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now