40 Sand Castle

2.3K 119 37
                                    


Charlotte

"nandyan na kaya sya?"

"syempre diba yun ung sinabi nya ng tawagan mo sya?"

"oo... pero hintay pa kaya tayo ng konti"

"wag kang duwag now mo na ibigay yan!tutal ideya mo naman to!"

"oo nga eh... natanggap na kaya nya ung flowers na pinadala ko?"

"malamang ilang beses mo ba namang kinulit ung magdedeliver diba?"

"para sigurado! personal kong pinili yun para sa kanya no!"

"oo na cge na ikaw na ang sweet. cge ibigay mo na rin ung katawan mo para may bonus pa sya"

"puro ka kalokohan! maghintay pa tayo dito ng konti"

"hindi pwede! bilisan mo na best at may klase pa tayo!" inis na bulyaw sakin ni Sally

"ihhhh... nahihiya ako!"

"e di umalis na lang pala tayo!"

"ayoko! ibibigay ko pa sa kanya to"

"edi kung ganon lumabas ka na dito at puntahan mo na ang hot wifey mo!"

"nakakahiya nga eh..."

"putcha naman Cha oh! matapos mong ubusin ang kaprasong perang naibigay sayo ng dad mo bago sila umalis para sa singsing nayan na kung ilang oras nating pinili. ngayon nahihiya-hiya ka pang ibigay sa kanya yan! cge itapon mo na lang pala!" napasimangot naman ako sa sinabi nito.

naubos nga ang pera ko sa pagbili nitong singsing na ibibigay ko kay Ishii. ung mga pera naman nyang ibinibigay sakin hindi ko ginagalaw ayoko kasing isipin nya na gastosera ako.

pinapadalhan parin naman ako ni dad kahit papano dahil may trabaho naman ito at ayun ang ginagastos ko.

next week ko pa sana to sa kanya ibibigay bago namin sunduin ang parents ko kaso napapansin kong palagi syang malungkot.

kaya para sumaya naman sya kahit konti naisipan kong huwag ng ipagpa bukas pa ito.

"ano? ibibigay mo ba o hindi?"

"eh, kasi naman ang layo ng presyo nito sa ibinigay nya saking singsing eh..." malungkot kong tinignan ang wedding ring na suot ko sabay baling sa hawak kong maliit na box na naglalaman ng singsing na napili ko para kay Ishii.

nakita naman ito ni best at tinapik tapik ang balikat ko.

"best... mahal ka ng hot wifey mo sabi nya diba?" tumango ako "ibig sabihin kahit na ano pang bagay na galing sayo mamahalin at pahahalagahan nya. mamahalin man yan o mumuharin sigurado akong magugustuhan nya yan" medyo lumakas naman ang loob ko sa sinabi ni best na yun.

seryoso itong kinuha ang bag nya.

binuksan nya ito at may hinugot sa loob.

"tulad nito" itinaas ni best ang hawak nya."ito ang gamit ni tisay nung araw na sagutin nya ko. at matapos naming mag-exercise nung araw din na yun ninakaw ko to nung makatulog na sya. ang point ko eh dahil mahal ko sya kahit na panty lang to pinapahalagahan ko"

"Sally!"

"what?"

"panty ni mam yan?!"

"kasasabi ko lang diba?"

"kadiri ka!"

"hoy. grabe ka ah! mabango to! kaliligo nya lang nung hubaran ko sya kaya kasosuot nya lang nito"

"hindi mo man lang nilabahan?!"

"syempre remembrance ko to no!"

"hindi pwedeng picture o kaya stuff toy? panty talaga ang gusto mong remembrance?"

"oo para mas personal" tinaas baba pa nito ang magkabilang kilay ng sabihin yun.

lakas talaga ng tama nitong bestfriend ko!

"bakit nakalagay nga pala yan dyan sa bag mo?!"

"kinakalkal kasi lagi ni Mina ang gamit ko pag naghahanap sya ng malalaro kaya itatago ko sana to sa ibang lugar kaso kamamadali ko nakalimutan ko naman!" depensa nito.

"alam ba ni mam na nasayo yan?"

"sinabi ko rin naman no!"

"ano namang sabi nya?"

"isoli ko daw"nakangising sagot nito.

"ayon naman pala eh! isoli mo na yan!"

"ayaw! niyayakap ko to pag na mi-miss ko sya!"

"kung ano-anong kabalahuraan ang alam mo!"

"at ikaw hindi?" sinundot-sundot nito ang tagiliran ko para tumawa.

"gaga to!"

"gagang maganda"

"hindi ko alam kung anong nakita sayo ni mam Paris"

"ung utong ko"

"kung anong magandang katangian ang nakita nya sayo para sagutin ka nya ang ibig kong sabihin!"

"ah... liwanagin mo kasi"

"ang sabihin mo malaswa talaga yang utak mo! hindi na ko magtataka kung pati dito sa kotse mo may ginawa kayong kababalaghan" natawa naman ito sa sinabi ko. "seryoso?! pati ba naman dito!"

"pinagbigyan nya ko matapos kong ipaalala na binitin nya ko dati dito"

"minanyak mo si mam Paris dito sa kotse mo?!"

"ay grabe! ako talaga ang ng manyak?"

"malamang! eh, kasasabi mo lang na ikaw ang nag-suggest!"

"oo nga no"

"cge na nga at baka kung ano pang maikwento mo sakin!" kinuha ko ang mga gamit ko.

at agad akong lumabas ng kotse dahil baka kung ano pang malaman ko tungkol sa kanila ni mam Paris.

tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng building.

agad akong binati ng mga empleyado sa loob. nakangiti ko naman itong ginantihan.

papasok na sana ako sa nagbukas na elevator ng biglang may humila sakin.

"ikaw ung Charlotte diba?" tanong sakin ng isang pamilyar na muka.

naalala kong ito ung nakita kong babae sa loob ng office ni Ishii nung minsan akong pumunta dito.

ung Kathleen ata to?

"oo" tugon ko dito

"pwede ba kitang maka-usap?" seryosong tanong nito.

"tungkol saan?"

"tungkol kay Alex"

"anong... anong tungkol sa asawa ko?

"pwede bang sa ibang lugar tayo mag-usap?"

"kailangan kong puntahan si Ishii may ibibigay ako sa kanya"

"mas importante ang ibibigay ko sayo"





Ich Liebe Dich (gxg)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant