43 Unfaithful

2K 113 19
                                    


Pasenya na sa mga errors. 😄😄😄

☆¤====================¤☆
☆¤===============¤☆

Charlotte

Madiing nakapikit ang aking mga mata habang pilit na tinutugon ang mga halik na iginagawad sakin.

May isang minuto na ata namin tong ginagawa pero parang hindi parin ako sanay.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay nito na humihimas sa aking braso papunta sa kaliwa kong dibdib.

Doon ko na sya itinulak palayo sakin.

"Charlotte..." tawag nito sa pangalan ko.

Hindi ko sya pinansin.

Tatlong beses na nangyayari ang ganitong eksena sa pagitan namin.

Maghahalikan kami sabay pipigilin ko sya pag naramdaman kong naglulumikot na ang kanyang kamay.

Tumayo ako mula sa damuhang kinauupuan namin at pumasok na sa loob ng kotse.

Tinapunan ko sya ng tingin.

Naka sabunot ito sa buhok nya at malalim ang mga pag hingang pinakakawalan.

Alam ko nabitin ko sya.

"Iuwi mo na ko samin" utos ko dito.

Wala naman itong nagawa kundi sundin ako.

Nakatingin ako sa labas habang tinatahak namin ang daan patungong hacienda.

"Nandito na tayo"

"Salamat sa paghatid at sa... pagsama mo sakin sa araw na to..."

"Ayos lang yun. Basta lagi lang akong nandito pagkailangan mo ko" nakangiting tugon nito.

"Cge pala... pasok na ko" akma na sana akong lalabas ng kotse ng hawakan nito ang braso ko.

"Charlotte sandali. A-ano ba tayo?" Tanong nito na hindi parin ako binibitiwan.

"Magkaibigan tayo David"

"Hindi ginagawa ng magkaibigan lang ung mga pinag-gagawa natin Charlotte. Ginagamit mo lang ba ko para kalimutan sya? O para makaganti? Kasi willing naman ako kung ganon nga. Ang gusto ko lang malaman kung... pwede ba na maging tayo sa huli. Ano may pag-asa ba ko sayo?" Alam kong nanghihingi ito ng bagay na mapang hahawakan nya kung sakali.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Mga lalaki talaga...

Pag sila ang nanggagamit ayaw nilang maraming tanong o demands ung mga babaeng ginagamit nila.

Pag sila naman ang gagamitin mo daig pa nila ang mga babaeng nakuhanan ng virginity kung makapag tanong sa kung anong meron kayo.

"Umuwi ka na David" yun lang ang tanging sagot ko dito.

Napahigpit naman ang hawak nito sa manibela at napatiim bagang.

Magsasalita pa sana ito ng tila biglang may nakakuha ng atensyon nito mula sa labas.

Titignan ko sana kung ano yun ng bigla ako nitong hapitin sa bewang at bigyan ng mapusok na halik.

Hindi ako gumanti pero hindi ko rin sya itinulak palayo.

Hinayaan ko syang gawin ang gusto nya habang pinakikiramdaman ang aking sarili.

Wala talaga...

Hindi ko maramdaman ung mga kayang iparamdam sakin ni Ishii tuwing sya ang hahalik sakin.

Ich Liebe Dich (gxg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora