42 Sand Castle Princess

2.4K 117 23
                                    

Charlotte



Tok!

Tok!

Tok!

"Princess...Princess..." tinig ni kuya Gab sa labas ng kwarto ko.

May isang oras na ata syang nangungulit at gusto akong palabasin para naman daw mahanginan ako.

Isang buwan na maglalagi si mommy at daddy dito sa bansa.

dito kami magkakasama ngayon sa mansyon ng mga Eclair.

Tatlong linggo narin ng huli kong makita si Ishii.

Hindi naman sa hindi nya ko pinupuntahan dito sa bahay namin kundi dahil hindi ko sya pinakikiharapan.

Araw-araw syang pumupunta dito kahit na hindi ako nagpapakita sa kanya.

Nagtatanong na nga sila kung ano daw bang nangyari at ayaw kong sumama pauwi sa asawa ko. Hindi ko naman masagot dahil ayokong mag-iba ang tingin nila dito.

"Princess buksan mo naman tong pinto oh... nag-aalala na kami sayo. Ilang araw ka ng ganyan"

"Go away kuya! I want to be alone!" Inis na sigaw ko dito.

" Pls... pag-usapan nyo ni Alex kung ano man yang problema nyo. Hindi masosolve yan kung ganyan ka"

"Wala kang alam kaya pwede ba iwanan mo muna ko?" Nanghihinang sagot ko dito.

Ayokong naririnig ang pangalan nya dahil nagwawala ang puso ko.

Namimiss na nito ang may-ari sa kanya.

Gusto nitong kumawala at tumakbo sa babaeng nanakit dito.

Corny no?

Well ano pa nga bang magagawa ko eh, yun ung lumabas sa tawas eh.

"Princess..."

"Sabing umalis ka na!"

"Cge... hahayaan muna kita sa ngayon. Pero tandaan mo ah... nandito lang kami nila mommy. Kung ano man yang problema mo pwede mong sabihin samin para mahanapan natin ng solusyon. Pinadalan ka nga pala ni Alex ng flowers at chocolates" Hindi na ako sumagot.

ilang sandali pa ang binilang ng marinig ko ang yabag palayo sa aking pintuan.

napahigpit ang hawak ko sa kumot ng Marinig yun.

Galit na galit ako sa kanya!

At yun lang dapat ang nararamdaman ko.

Pero sa tuwing naaalala ko ung mga moments namin parang gusto ko ng umuwi at yakapin sya ng mahigpit.

Tanga-tangahan talaga pag inlove.

Pano ko ba pipigilan tong malandi kong puso na gustong makasama sya sa kabila ng panloloko nya sakin?

Sya parin talaga ang hinahanap-hanap nito eh...

Ni hindi ko magawang makatulog dahil wala sya sa tabi ko.

Hinahanap ko kasi ung mainit nyang yakap na nagpapawi ng lamig sa gabi ko.

Ung matatamis nyang halik na parang drogang kinaadikan ko.

Ung mabango nyang amoy na

Ung pink rose na ibinibigay nya sakin tuwing gusto nyang magpaka sweet.

Ung....

Ung mga panghihipo nya sakin sa kotse tuwing hinahatid nya ko sa school.

Miss na miss ko na talaga sya...

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now