35 Lost Love

2.9K 134 20
                                    


short ud

============¤☆
☆¤======¤☆

Kathleen

Parang sinaksak ng isang libong kutsilyo ang puso ko ng marinig ko ang pangalang tinawag ni Alex habang natutulog sya.

hindi ko mapigilan ang luha ko sa tuloy-tuloy na pagpatak nito. kasalanan ni mr. Fuentebella ang lahat ng to.

kung hindi nya pinag bantaan ang buong pamilya ko di sana hindi ko iniwan si Alex at kami sana ang mag asawa ngayon. masaya parin sana kaming dalawa.

nabalewala din naman ang pagiwan ko sa kanya dahil namatay din ang kapatid ko.

sumama sa ibang lalaki si mom at pumanaw naman si dad dahil sa matinding depression.

kahit si Alex man lang ang mabawi ko sa mga nawala saking mahal sa buhay kontento na ko.

sya ang dahilan kung bakit ako matagumpay ngayon.

ginawa ko ang lahat para mabalikan sya.

alam kong hindi pa huli ang lahat. may magagawa pa ko para bawiin sya. masaktan na ang masaktan pero lalaban ako ng patayan this time para sa kanya.

maingat kong kinuha ang suot na wedding ring ni Alex.

dahan dahan akong tumayo sa kama at itinapon ko ang singsing sa loob ng closet ko.

tinitigan ko ang singsing na ibinigay nya sakin dati. ni minsan ay hindi ko ito hinubad sa daliri ko.

nilingon ko sya na mahimbing ngayong natutulog. naaalala ko tuloy ang mga umagang katulad nito bago mangyari ang lahat.

siguradong mauulit ang dati. magiging masaya kaming dalawa at bubuo ng sariling pamilya.

alam kong mali ang gagawin kong to pero kung ito rin lang ang natitirang paraan handa akong magpakababa.

nilapitan ko ang lamesa kung saan ko isinet-up ang video camera na kumuha sa mga pinaggagawa namin ni Alex kagabi.

chineck ko ang laman nito at napangiti. malinaw ang video at kitang kita ang mga pangyayari.

tinanggal ko ang memory card at isinilid ito kung saan tiyak na walang makakakita.

nagsuot ako ng robe bago ako bumalik sa kama at hinaplos ang buhok ni Alex na gulo-gulo. ilang minuto pa ang lumipas at kumislot ito. dahan-dahan syang nagmulat ng mata.

"Charlotte...?" sambit nito sa pangalan ng asawa sa pangalawang pagkakataon. tinitigan ako nitong mabuti at biglang bumangon. "Kathleen?! anong ginagawa mo dito?!" hinatak nito ang kumot at natatarantang tinakpan ang kahubdan nya.

"goodmorning hon. how's your sleep?" bati ko dito. hahawakan ko sana ito sa braso ng bigla nya itong tabigin.

"nasan ako? b-bakit magkasama tayo?" tumayo ito sa kama at nagmamadaling pinagda-dampot ang mga nagkalat nyang damit sa sahig.

"nandito ka sa condo ko hon. we made love last night remember?" tumayo ako at niyakap ang likod nito.

agad naman syang kumalas sa mga bisig ko.

"hindi... w-wala akong maalala!"

"it's ok hon. hindi naman ako magtatampo."

"mali! mali to! hindi dapat nangyari to!" pilit nitong isinuot ang damit at sinuklay ng kamay ang kanyang buhok.

"hindi to mali Alex. mahal kita mahal mo din naman ako diba?"

"ha? Kathleen may asawa na ko!"

"so?"

"mahal ko ang asawa ko. mahal ko si Charlotte! mahal na mahal!"

"hindi mo alam ang sinasabi mo Alex."

"alam ko ang sinasabi ko. matagal na ung tungkol satin kinalimutan ko na at dapat ikaw din. hanggang dun na lang yun."

"hindi. hindi yun hanggang dun lang...Alex magusap tayo pls." pakiusap ko dito habang sinusundan sya palabas ng kwarto.

"Kathleen wala na tayong dapat pagusapan pa! tapos na ang lahat satin!"

"no! hindi mo alam ang totoong nangyari pls. hear me out!"

"Kathleen pwede ba?! tigilan mo na ko! matagal na tayong wala! matagal na kong naka---"

"i love u Alex...hanggang ngayon mahal na mahal parin kita. alam kong mahal mo parin ako. pls. pakinggan mo naman ang paliwanag ko."

"i don't love u anymore Kathleen. ako naman ang makikiusap sayo. layuan mo na ko. maraming binago ang panahon sa puso't isip ko isa naron ang pagmamahal ko sayo." pagkasabi nun ay mabilis na nitong tinungo ang pintuan palabas ng condo.

sinundan ko pa ito hanggang sa elevator pero pinagtulakan nya ako palabas.

ni hindi nya man lang nya ako tinignan bago magsara ang pintuan nito.

"mapapasakin ka uli Alex. tandaan mo yan."

☆¤==========¤☆
☆¤=======¤☆

hindi po ako bitter ngayong bagong taon may pinagdadaanan lang talaga ang storyang to.

kagabi ko lang nalaman na pwede pala akong akyat bahay kung hindi lang sumabit ang palda ko sa gate namin naka gala sana ako.

anyway... next ud nalang me bawi.

night night....

😆

Ich Liebe Dich (gxg)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt