44 Storm

3.4K 118 124
                                    

Charlotte

"David... "

"Bakit?"

"U-umuwi nalang kaya tayo...?"

"Bakit naman? Kung kelan malapit na tayo Charlotte. Wag kang mag-alala iuuwi kita mamaya. Tsaka wala naman na dung naghihintay sayo diba?" May bumahang lungkot sa buong pagkatao ko ng marinig yun.

Ilang araw ng hindi nagpapakita sakin si Ishii at ayun sa mga trabahador sa hacienda hindi daw nito nasabi kung saan sya pupunta.

Ang sabi ko lang ayaw ko muna syang makita...

Hindi naman nya kailangang umalis ng hacienda.

Pwede naman naming iwasan ang isa't-isa ng hindi sya lumalayo diba?

"Halika na..." parang batang sabik na hinila-hila ako ni David.

Bawat hakbang ay syang paglakas ng tibok ng puso ko.

Parang nahihilo ako at nasusuka isipin palang kung anong mangyayari pag narating na namin ang aming destinasyon.

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa bewang ko ng maramdaman nyang tumigil ako sa paglalakad.

Nanginginig ang tuhod ko at parang sasabog ang puso ko sa kaba.

Tama ba tong gagawin ko?

"Wag kang mag-alala Charlotte. Akong bahala sayo ok? Natural lang tong gagawin natin wala namang masama dito" pangungumbinsi nito.

Nakayuko akong inalalayan nya sa paglalakad.

Nahihilam na ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha mula dito.

Pero kahit na tila may pumipigil sakin hinayaan ko si David na isama ako.

Gusto kong subukan kung ano ba ang pakiramdam na makatabi ang isang lalaki para ma kumpirma ko kung ano ba talaga ako.

At kung may pag-asa bang mahalin ko rin si David at makalimutan si Ishii.

Hindi ko na nabigyang pansin ang mga dinadaanan namin.

Narinig ko nalang ang tunog ng nag bukas na pintuan kasabay ng paghila nya sakin papasok sa isang malamig na kwarto.

Isinarado nya ito at inilock.

Iginiya nya ko patungong kama at pinaupo sa ibabaw nito.

Binigyan nya ko ng malapad na ngiti at pumwesto ng nakaluhod sa harapan ko.

"D-David..." iniiwas ko ang labi ko sa kanya ng tinangka nya kong halikan.

Inilagay nya ang palad nya sa magkabilang pisngi ko para pigilan ang pag-iwas ko sa mga halik nya.

"Charlotte... sabi mo akin ka ngayon diba?"

"Oo pero Kasi..."

"Shhh... alam ko nag-aalangan ka pa. Pero wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Patitikim ko lang sayo kung ano ba ang pakiramdam na makasama ang isang tunay na lalaki... at sisiguraduhin ko... magugustuhan mo to..." hinubad nito ang kanyang suot na t-shirt.

Sumampa sya sa kama at dahan-dahan akong ihiniga dito.

☆¤=====================¤☆
☆¤================¤☆

Ishii

Madilim ang kalangitan.

Natatakpan ng makapal at maitim na mga ulap ang liwanag ng buwan at kislap ng mga bituin.

Humuhuni ng nakakatakot na awitin ang hangin na tila sinasabayan naman ng indayog ng mga puno at halaman.

Nagsisiliparan ang mga ibon papalayo para makahanap ng masisilungan.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now