39 Charlotte

2.1K 125 21
                                    

Charlotte

"mahal mo ko?" tanong sakin ni Ishii.

bakit kasi hindi ko mapigilan tong
bunganga ko eh!

"babe..." bulong nito pero hindi ko sya nililingon dahil sa sobrang hiya!

hindi ko pa sana yun sasabihin sa kanya!

ni hindi pa nga nya ko nai-date man lang tapos sinabi ko agad na mahal ko sya!

easy to get lang?!

"Charlotte..." puno ng lambing na bigkas nito sa pangalan ko.

feeling ko tuloy pinapaamin ako ng crush ko kung crush ko ba sya!

hinawakan nya ko sa baba at itinaas ang ang muka para salubungin ko ang kanyang tingin.

nakagat ko ng madiin ang labi ko ng makitang titig na titig sya sakin.

"hoy, wag mong saktan yang labing yan isa sa mga paborito kong tikman yan"

"isa? ano pa ung iba?"

"eto oh... " bigla nitong hinawakan ang dibdib ko at ung isang kamay nya ay pumunta sa ano ko at pinisil ito.

"walangya ka manyak!" tawa ito ng tawa sa kalokohang ginawa.

ilang sandali pa ay bigla itong tumigil at nagseryoso.

"Charlotte tinatanong kita. totoo bang mahal mo ko?" ulit nito sa tanong nya kanina.

wala na kong nagawa kaya tumango na lang ako.

hindi naman nagbago ang ekspresyon ng muka nya kaya agad akong tumayo.

"saan ka pupunta?"

"m-magpapahangin muna ko"

"Charlotte..."

"pls. Ish... kailangan ko muna ng hangin"

"pero nag-uusap pa tayo. at nasa labas tayo ng kubo mahangin dito"

"i'm... sorry! i'm sorry ok? hindi ko naman sinasadya eh! alam ko naman! hindi ko naman nakalimutan ung usapan natin. ung kontratang pinirmahan ko na kailangan ko lang bigyan ka ng anak tapos mawawala na ko sa buhay mo! na hindi na ko magpapakita pagkatapos nun! na hindi ko kayo guguluhin ng anak natin! pero put*ngina mo na-inlove ako sayo eh!

kasalanan mo rin naman! ang landi-landi mo kasi sakin! tapos kala ko suplada ka ang bait-bait mo pala! minsan pa sobrang sweet mo kahit madalas minamanyak mo ko! tapos ang bango-bango at ang ganda-ganda mo pa! tapos... tapos... whaaa!!! im sorry!!!" humahagulgol na ko sa sobrang emosyon na nararamdaman.

never pa ko nakapag kumpisal ng pag-ibig kahit kanino dahil never pa naman akong na-inlove dati puro crush lang

agad kong itinakip ang magkabila kong kamay sa muka ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"C-Charlotte... Charlotte...uy Charlotte!" halata sa boses nito ang pinipigil nyang tawa.

ilang sandali pa ay hindi na nito napigilan ang humagalpak.

"ang sama mo! ang sama-sama mo!" pinagpapalo ko ito ng lumapit sya sakin kung saan nakasalampak ako sa sahig.

"hey! anong ginawa ko?" natatawa parin ito.

"binubuhos ko na sayo lahat ng nararamdaman ko pero anong ginagawa mo? tinatawanan mo ko!"

"ha...?"

"ayoko na! ayoko na sayo! di na kita mahal!" tatayo na sana ako ng hilahin ako nito paupo sabay yakap sakin mula sa likuran.

"ikaw masyado ka naman pikon! at wala ng bawian ha! hindi naman ung nararamdaman mo para sakin ung tinatawanan ko eh"

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now