36 Doubts

2.3K 111 30
                                    

Charlotte

"babe... nandito na tayo sa school nyo." pukaw sakin ng pansin ni Ishii.

"hmn." tanging sagot ko dito habang nakatingin sa labas.

"babe baka malate ka na."

"ok cge pala." malamig na sagot ko dito.

akmang lalabas na sana ako ng kotse ng hawakan ako nito sa braso.

"Charlotte may problema ba?" nag-aalalang tanong nito.

tinitigan ko lang naman syang mabuti at umiling.

"Charlotte pls. hindi ko kayang ganito nalang tayo palagi."

"male-late na ko sa klase ko. ikaw din baka marami ka pang gagawin sa office mo." tugon ko dito.

"Charlotte---" may sasabihin pa sana to ng tuluyan na kong tumayo at lumabas ng kotse.

mabilis akong naglakad para pumasok sa school ng maramdaman kong may pumigil sa balikat ko.

"Charlotte pls." si Ishii. hinabol pala ako nito paglabas ko ng kotse. "ilang araw mo na kong hindi pinapansin kausapin mo naman ako ng maayos oh." napatiim bagang lang naman ako sa sinabi nito.

ilang araw ko na nga syang hindi kinakausap ng maayos. masakit parin ang ginawa nyang pag-iwan sakin at ramdam ko na may importanteng bagay na hindi sya sakin sinasabi.

napapansin ko kasing parang lagi syang balisa at malayo ang iniisip pag tinatanong ko naman sya i'm ok lang ang sagot nya.

hindi nya ba ko kayang pagkatiwalaan ng mga bagay na bumabagabag sa kanya?

"Charlotte... kausapin mo naman ako oh."

"pwede ba umalis ka na? marami pa kong gagawin." mataas na tono na ang gamit ko ng sabihin ko yun.

napansin ko kasing pinagtitinginan na kami ng mga tao. nagbubulungan ang mga ito kaya lalo akong nainis.

"Charlotte pagusapan naman natin to oh."

"Ishii pwede saka nalang tayo mag-usap? this is not the right time and place. ur causing a scene!" saad ko sabay bigay ng matalim na tingin sa mga tsismosang estudyante.

hindi naman sa ikinahihiya ko sya talaga lang wala kami sa tamang lugar lalo pa't seryoso ang issue namin.

malungkot na tumango naman sya at naglakad papuntang kotse nya. sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa mawala na ang sasakyan nya.

"sino yun?" tanong ni David na nakalapit na pala sa kinatatayuan ko.

kahit ako hindi ko kayang sagutin ang tanong na yun.

is she my wife?

my girlfriend?

a stranger?

hindi ko rin alam...

"Cha...? sino ung babaeng kasama mo kanina?"

"wala." sagot ko dito.

nakatulala lang ako sa mga klase ko. buti nalang hindi ako natawag kundi napahiya pa ko sa mga prof at mga kaklase ko.

puro si Ishii lang ang nasa isip ko. ano nga ba kaming dalawa?

ilang araw na mula nung mangyari ang madramang eksena namin sa hotel. nagkaayos naman kami kahit hanggang ngayon nararamdaman kong may mga bagay na hindi pa sya sinasabi sakin.

hindi pa kami nakakapagusap tungkol sa tunay na dahilan ng biglang pag-alis nya.

sa bagay hindi ko rin naman sya hiningan ng paliwanag may pagka tanga kasi ako pagdating sa kanya.

Ich Liebe Dich (gxg)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin