27 My Wife

2.9K 133 11
                                    

Charlotte

Papasok ako ng office ngayon ng asawa ko. isosorpresa ko sya ng dala kong flowers bago ako bumalik ng school. naisipan ko kasing nitong mga nagdaang araw ay puro sya lang ang may surprise para sakin.

para bang nililigawan nya ko. twing paggising ko may pink na rose sa side table ng kwarto namin. twing papasok ako ng school sya na ang naghahatid sakin. at sa paguwi ko sinasabay nya narin ang paguwi nya kaya hatid sundo nya ko.

naiisip ko ngang ipakilala ko na sya sa lahat ng friends ko eh, naghahanap lang ako ng tyempo kasi lagi syang busy.

nangingiti akong binuksan ang office nya ng dahan dahan...  napansin kong may kausap syang babae parang nagkakainitan ata sila base narin sa hitsura ng muka ni Ishii.

mukang seryoso ang pinag-uusapan nila.

magsasalita na sana ako ng lumingon sa direksyon ko si Ishii.

parang nabigla sya at... hindi mapakali? pero agad na napawi ang isipin kong yun ng binigyan nya ko ng matamis na ngiti.

"hi... ma-may bisita ka pala... sori kung...kung hindi muna ko tumawag bago pumunta dito." nahihiyang paliwanag ko dito.

narinig ko naman ang tunog ng heels na palapit sakin at ang marahang kamay na humawak sa balikat ko.

"it's ok... i miss u..." bulong nito sa tenga ko sabay halik sa pisngi ko na ikinatuwa naman ng puso ko.

binigyan ko rin sya ng ngiti ko na lalong nagpalawak ng ngiti nya.

"eheeemm..."

agaw pansin naman ang pagtikhim ng babaeng naka tayo parin ngayon sa harap ng table ni Ishii pero nasa amin na ang atensyon nito.

tinitigan ko ito.

bakit parang iba ata ang nararamdaman ko sa babaeng to?

"nga pala babe... may pakikilala ako sayo." turan ni Ishii at iginiya ako palapit sa babaeng nasa office nya.

"babe... this is Kathleen. Kathleen Richelieu. sya ang nakabili ng shares ng mga Altamonte. Kathleen this is Charlotte Eclair Fuentebella. my wife." pakilala nito samin sa isa't isa.

parang nagdilim naman ang muka ng babae at hindi ko sigurado kung may galit ba to sakin o ano. pero imposible naman diba? kakikilala lang namin!

"nice to meet u miss..." naputol ang sasabihin ko ng makita kong may suot na singsing ito."i mean... mrs..."

"it's still miss Richelieu. hindi pa ko kasal." putol nito sa sasabihin ko.

"i'm sorry... kala ko kasi..." tinuro ko ang suot nyang singsing.

"ah. ito ba?" tinaas nito ang kanyang kamay na may suot ng singsing."engagement ring palang to see? actually matagal na nga kong engage eh. hinihintay ko pang bumalik ang taong nagbigay nito." parang may kahulugang paliwanag nito.

hinihintay? umalis kaya ang fiancée nya? binaling nito ang atensyon kay Ishii at ngumiti ng may...kasamang

pait? ewan ko ba.

"ang bata pa pala ng asawa mo Alex. anong grade na sya?" nakakalokong tanong nito sa asawa ko.

muka ba kong elementary?

"Kath." matipid pero parang may bantang sambit nito.

"college na ko." nakangiting sagot ko sa tanong nito.

kailangan goodgirl ako tignan investor sya ng kompanya ng asawa ko eh.

"are u sure?" napataas naman ang kilay ko dito.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now