31 Verbotene Liebe

2.7K 118 25
                                    

naka private ung chap. 30





☆¤============¤☆
☆¤=======¤☆





Sally

Naglalakad kami ng kambal na si Erin at Kelly sa hallway habang nagaasaran.

ginabi na kami sa kanya-kanya naming research sa library kaya napagpasyahan ko na lang na makitulog sa bahay ng kambal para mas malapit.

Erin: so ano ng ganap sa inyo ni mam?

ushuserang tanong nito habang pababa kami ng mala straight way to hell na hagdanan.

Me: anong ibig mong sabihin?

wala akong ganang pagusapan ang babaeng matapos guluhin ang seksualidad ko eh bigla nalang akong dinedma.

Erin: ang ibig kong sabihin may nangyari na bang maganda sa plano mong akitin sya? bumigay na ba? base sa posisyon nyo nung makita ko kayo mukang oo eh.

pangungulit nito. tinaas ko lang ang kilay ko sabay umirap. alam na ngang nganga parin ako hanggang ngayon sa tisay nayun!

ang lagay eh hindi ako mapalagay! dahil sa kaiisip sa relasyon nila ni mam Cindy.

matapos kasi ang eksena namin sa cr nawala ito at nung makita ko sila nung higad na teacher nayun halos maghalikan sila sa daanan.

taksil talaga!

Me: wala. walang mangyayaring maganda sa pantasya ko ng student teacher forbidden affair nayan kaya sinuko ko na ang laban.

Kelly: ibig mong sabihin Sally ayaw mo na kay mam?

tanong naman ni Kelly my labs habang nakakapit ako sa braso nito.

sya parin ang first ever girl crush ko matapos nya kong iligtas sa rumaragasang bike nung mga bata pa kami.

actually hindi nya ko naligtas bagkos ay pareho pa kaming nasagasaan ng sinubukan nya kong itulak palayo sa kapahamakan.

magmula non naisip ko na kung sakaling magkakagusto ako sa isang babae si Kelly yun.

yun pala isang gabi... hanggang umaga pala yun sa piling ni tisay ang magbebend sakin.

Me: hindi ako ang may ayaw sa kanya Kels sya ang umaayaw sa beauty ko. naiisip ko tuloy kung minsan sana naging lalaki nalang sya para atlis mapipikot ko sya o di kaya nabuntis nya ko nung may mangyari samin.

Erin: so susuko ka na?

Kelly: oo nga! diba ang mga Reberal ay lahi ng matatapang at walang inuurungan?

Me: muka na kasi akong tanga girls. sa kanya lang ako nagpakagaga. nahulog ako sa kanya pero parang ayaw nya kong saluhin.

puno ng emosyon na pahayag ko sa mga to habang hawak ang dibdib ko na tila naninikip sa isiping ayaw sakin ni tisay.

Kelly: sigurado ka ba dyan? bakit hindi mo sya tanungin?

Me: huh? sigurado saan?

Kelly: na hindi ka sasaluhin ni mam pag tuluyan kang nahulog sa kanya.

malungkot na umiling ako. minsan talaga kahit masakit pakawalan ang isang tao dapat yun ang gawin natin.

dapat nating tanggapin na wala na talaga.

Erin: ok lang yan Sally. marami pa namang iba dyan. tumingin ka lang sa paligid mo malay mo nasa tabi mo lang pala ang taong hinahanap mo.

pampalubag loob ng babaeng ni minsan hindi pa nagka lovelife.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now