32 The two faced liar

2.1K 115 28
                                    


Ishii


ring...

ring....

ring....

"hello" sagot ko sa cellphone kong kanina pa tunog ng tunog.

patungo na kami sa bahay para kunin si Charlotte at dalin sa lugar kung saan kami magde-date.

"mam Ishii." sagot ng nasa kabilang linya.

"oh, Zeth napatawag ka?" hindi ko inaasahang tatawag ito sakin dahil tapos na ang trabaho nito.

sya ang private investigator na inupahan ko dati para alamin ang lahat-lahat ng tungkol sa mga Eclair.

"mam Ishii may importante po akong sasabihin sa inyo." may halong alinlangan akong nababanaag sa boses nito.

ano na naman kayang nangyari?

"ano yun Zeth? tungkol saan ba yan?" kinakabahang tanong ko dito.

napahigpit ang hawak ko sa boquet ng bulaklak na nasa kandungan ko ngayon.

"napaka importante po nito mam. pwede po bang sa personal tayo magkita para maibigay ko din sa inyo tong mga imbedensyang hawak ko?"

"may importante akong pupuntahan Zeth pwede bang sa ibang araw nalang?" hindi ko alam pero parang ayaw kong marinig ang sasabihin nito.

"tungkol po ito kay mam Michelle." napahinto naman ako sa pagiisip ng marinig ang pangalan na yun sa pangalawang pagkakataon ngayong araw.

"nasan ka ba?"

"nandito po ako ngayon sa miss J cafe."

"cge hintayin mo ko dyan." pinatay ko na ang tawag at ibinulsa ang cellphone kong hawak.

"manong ibalik mo punta tayo sa miss J cafe."

"ok po mam." agad itong nag u turn at binaybay ang bago naming destinasyon.

tinignan ko ang wristwatch ko at naalala ang taong naghihintay sakin sa bahay. mabilis lang sana ang maging usapan namin para mapuntahan ko agad si Charlotte.

labing limang minuto naming binaybay ang lugar na napag usapan.

huminto ang kotse sa tapat ng mall.

"sandali lang po manong dito na muna kayo."

"cge po mam." agad akong bumaba ng kotse.

mabilis kong pinuntahan ang cafe at pinasok ito. sinenyasan naman ako ni Zeth pagkakita nya sakin.

"goodevening po mam Ishii." bati nito.

umupo ako sa katapat nitong silya.

"ano bang importanteng bagay ang sasabihin mo sakin Zeth? may naghihintay sakin kaya bilisan mo na." walang pasenya na tugon ko dito.

nabigla naman ito at tumikhim. may inilapag itong envelope sa table namin.

"may nalaman po ako tungkol kay mam Michelle. nalaman ko po na... hindi po sya anak ng dad nyo." parang nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.

kala ko naman kung ano na...

"matagal ko ng alam yan Zeth. yun lang ba ang sasabihin mo?" gusto ko ng umalis at puntahan ang asawa ko!

"hindi lang po yun mam. nalaman ko rin na alam nya kung sino ang tunay nyang ama." parang may bumara sa lalamunan ko sa narinig.

kailanman hindi nabanggit ni ate Michelle na kilala nya kung sino ang tunay nyang ama at ayaw din ni dad na pinaguusapan namin ang tungkol dito dahil naaalala nya ang pagtataksil na ginawa ni mommy.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now