20 Truth Hurts

3.6K 131 15
                                    

chap.19 private

. . . . . .

3rd person's pov

Tumingin sya sa may pintuan ng office nya ng marinig nya ang pagbukas nito. pumasok mula dito ang isa sa pinakamalapit nyang kaibigan. napakunot noo sya ng mapansing seryoso ang aura nito at sa palagay nya alam nya na ang pakay nito sa pagpunta sa mismong opisina nya. ang alam nya ay nasa ibang bansa ito dahil sa business ng pamilya nito hindi man lang pinaalam sa kanya na uuwi pala ito.

malamang si Batchi na naman ang nagkwento ng kung ano-ano dito. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya at nag-ipon ng lakas. kailangan nya to sa mangyayaring pakikipag-talo sa kaibigan.

"u shit." pa-unang salita nito sa kanya ng makalapit sa kinauupuan nya. agad naman syang nagtaas ng kilay dito.

"it's nice seeing u too Wila." sarcastic na sagot nya dito.

"wala akong panahon sa pleasentaries Alexei nandito ako para sabihing shit ka."

"wow... at ano namang ginawa ko para makakuha ng magagandang comment mula sayo? may i just remind you miss Deleon tatlong buwan tayong hindi nagkita and this is how u greet me?" tumayo sya mula sa swivel chair at lumapit dito.

"wag ka ng magmaang-maangan Alex anong kagagahan ang pinasok mo?"

"ah... so sinabi na pala sayo ni Batchi. hindi talaga makapag-tago ng sikreto ung babaeng yun."

"answer me anong katangahan to?"

"im doing what's right."

"at anong tama dyan aber? ang idamay ang walang kasalanan at walang kaalam-alam dahil lang sa hindi ka makamove-on?"

"anong walang kinalaman? namatay ang kapatid ko dahil sa tatay nya!

"ah... so tama nga? pinakasalan mo ang anak nya para lang makaganti at anong gagawin mo? pai-ibigin mo sya? how stupid...

hindi mo ba alam kung anong ending ng mga ganyang storya? well let me tell u how this kind of story ends.... maiinlove ka sa kanya at malalaman nya yang mga kagagahan na ginawa mo. tapos magagalit sya sayo.... tapos either patatawarin ka nya o may near death experience na mangyayari para magkabalikan kayo... so why don't u just take the shortcut. stop all of your stupid plan and just be happy with your wife." tumawa sya ng pagak sa sinaad ng kaibigan bago nagsalita.

"hindi ko alam na writer ka na pala ngayon at mahilig ka pa sa romance.... pero mali ang naisip mo." nagtaas lang ito ng kilay sa kanya.

"eh ano pala?"

"bibigyan nya ko ng anak isosoli ko ang mga kinuha ko sa kanila at magpapakalayo na ko kasama ung bata iiwan ko sya para gawin kung ano mang gusto nya."

"wow Alexei.... bravo... wala akong masabi sa plano mo. at kailan kapa naging kasing heartless ng dad mo? at anong akala mo basta nalang papayag ang asawa mong ibigay sayo ang anak nyo? ano yun tuta? hindi mo ba inisip kung anong mararamdaman nya?"

"that's the point! masasaktan sya. at ano ba ang pinaka masakit para sa isang magulang? hindi ba ang makitang nasasaktan ang anak nila? imagine Alejandro's face seeing her daughter breaking down because she lost her child."

"is that what u really want?"

"yes."

"wrong answer Alex... nakikita ko sa mata mo na hindi mo gusto ang mga naisip mong yun."

"at anong alam mo sa kung anong gusto ko?" tumingin ito sa kanya na parang binabasa ang tunay na saloobin nya.

"i know u since grade school Alex. i can read u like a book at alam ko hindi ka tulad ng dad mo so stop trying to follow his footsteps.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now