21 Dreams Of Love

2.9K 119 25
                                    


MAY SPG DITO.




Charlotte

Nagising ako sa musikang pumapailanlang sa paligid. napangiti ako habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw.

paggalaw ko ay naramdaman ko ang pagod pero hindi ko ito pinansin.

hanggang ngayon ramdam ng aking buong katawan ang pagniniig namin ng aking asawa...

luminga ako sa pwesto ni Ishii at gaya ng inaasahan wala sya rito. pagtingin ko sa orasan ala-singko na ng madaling araw. tatlong oras palang ang tulog ko dahil sa pangungulit ni Ishii ng another round.

Nagtataka na nga ako kung pano pa ko nakakapag respond sa mga mapangakit nyang haplos at sa mga halik nyang mapupusok. gayong pagod na pagod na ang lahat ng muscles ko sa katawan.

tinignan ko ang buong paligid ng bahay na tinutuluyan namin nitong mga nakalipas na araw.

Nandito kami ngayon sa isla na pagmamay-ari ng pamilya nila.

malaking glass house ang pinagawa nya rito kaya kita ang magandang tanawin sa labas kung saan kulay asul ang dagat at napapaligiran ng mga naglalakihang mga puno ang paligid.

walang tv,internet o ano mang communication device ang nandito dahil sa twing pupunta sya rito gusto nya raw na magdisconnect muna sa outside world at makapag pahinga sa mga napaka raming responsibilidad na kanyang pinapasan.

tumayo ako at gamit ang puting kumot ay ibinalot ang aking katawan para puntahan ang aking asawa.

sinundan ko ang pinanggagalingan ng musikang ilang araw ko ng naririnig na tinutugtog twing ganitong oras.

natagpuan ko si Ishii na nakaupo sa harapan ng grand piano na nakalagay sa sala.

nakapikit ito at walang mintis sa paghagod sa instrumentong kelan ko lang nalaman na kaya nya palang tugtugin.

siguro paborito nya ang pyesang madalas nyang tugtugin dahil ramdam ang damdaming nais nyang ilabas sa paraan ng kanyang pagtugtog.

Ng matapos sya ay pumalakpak ako ng malakas na nakapukaw sa kanyang atensyon.

"ano ba yang laging tinutugtog mo at mukang dalang-dala ka ata?" tanong ko dito ng makalapit ako sa kanya at umupo sa kanyang kandungan.

"Liebesträume" tugon nito.

"Liebe- ano?"

"Liebesträume." pagkasabi nya nun ay nakipag titigan muna sya ng malagkit sakin bago muling nagsalita.

"it means dreams of love"...parang nakalunok ako ng patatas sa pagkakabigkas nya ng mga salitang yun.

"matagal mo ng tinutugtog yun?" pambawi ko sa pagnganga ng ilang sigundo.

"kelan lang..." makahulugang pagkakasabi nito.

tinitigan ko syang mabuti sa mata para makita kung nagbibiro ba sya kasi ang perfect ng pagkaka kuha nya parang lagi nya na itong tinutugtog.

pero wala akong makitang yabang o kahit ano paman. puno sya ng sinseridad

at parang...

hindi ko alam pero parang may nag-iba sa paraan ng pagtitig nya sakin.

gumalaw ang mga kamay nya at ngayo'y naglalakbay na sa katawan kong balot lamang ng puting kumot.

"Ishii..." tangi kong nasambit dahil tila nanuyo ang lalamunan ko sa paraan ng kanyang paghagod sa aking kabuuan.

alam kong nakaka-panginig tuhod talaga sya kung tumitig pero ngayon parang....

mas naging intense...

mas malalim...

mas nakakapaso...

at parang pati kaluluwa ko ay nakikita na nya sa paraan ng pagkakatitig nya sakin.

Nanlalambot ang tuhod ko. siguradong kung hindi ako nakaupo sa kandungan nya ay baka nabuwal na ako.

bukod sa inubos nya ang lakas ko nitong mga nagdaang araw mas lalo nyang pinanapa igting ang nararamdaman ko para sa kanya.

Parang mas lumalalim ang koneksyon namin sa isa't-isa at kung dati ay alam kong mahal ko sya ngayon parang hindi na sapat ang mga salitang yun para ipaliwanag ang nararamdaman ko para sa kanya.

inalalayan nya ko sa pagtayo at marahan akong binuhat at inilagay sa ibabaw ng piano.

pumwesto sya sa gitna ng aking binti at ipinatong ang magkabila nyang kamay sa pagitan ko. nagkaroon ata kami ng staring contest na tumagal ng ilang sigundo. naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi at gaya ng dati ako na naman ang natalo sa titigan naming yun kaya isiniksik ko nalang ulo ko sa leeg nya at yumakap dito.

hinawakan nya ang bewang ko at pinisil pisil ito. isinubsob nya ang kanyang muka sa leeg ko at dinadag-dagan ang mga hickey na iniwan nya dito.

hindi ko maiwasang makiliti sa ginagawa nya.

"what's so funny?" tanong nito at iniharap ako sa kanya.

natigil ako sa mga tawa kong halatang may halong kaba ng may ngiting sumungaw sa mga mapupula nyang labi.

Ang labing kung ilang beses umalipin sakin hanggang sa maubusan kami pareho ng lakas at makatulog.

itinaas ko ang aking kamay at masuyong hinaplos ang kanyang muka.

mula sa kanyang perpektong kilay na twing tumataas ay lalong nagbibigay sa kanya ng suplada pero malakas na dating.

sa mga matang nakakapagpatigil ng aking paghinga sa twing nahuhuli kong nakatuon sakin.

pinisil ko ang ang matangos nyang ilong ng mapadako ang palad ko dito.

ngumiti naman sya kaya napunta ang atensyon ko sa kanyang mapupulang labi na minsan ko ng pinagbalakang kagatin ng walang pahintulot nung natutulog sya.

hindi ko inaasahan na ilang beses ko na ung pwedeng gawin ito kahit anong oras ko naisin.

hindi ko napigilang bigyan sya ng halik sa labi. kaakit-akit kasi talaga tignan eh....

lumalim ng lumalim ang halikan namin hanggang sa naramdaman ko nalang ang mahinang pagpisil nya sa aking dibdib na nakalabas na pala ngayon.

habang ang isa nyang kamay ay nasa pagitan na ng mga hita ko at duon humihimas.

mas lalong nababasa ako sa tuwing maririnig ko ang mala musika nyang mga ungol. hinubad ko ang suot nyang damit at ibinaon ang kuko ko sa likod nyang alam kong puro kalmot na.

Naramdaman ko nalang ang tuluyang paglapat ng aking likod sa piano.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now