18 Pain from an old wound

3.1K 114 21
                                    

sensya nalang sa mga mali at sa mga english kong barok ganun talaga eh! ngayon ko lang napansin na paiba-iba pala ang way of writing ko dito ang sakit sa mata!

* * * * * * * *


7 years ago


Makati Medical Center


Ishii's pov


"Miss may na admit ba dito na kasama sa car accident?" tanong ko sa information desk ng hospital.

"ah...oo ung babae kanina nasa operating room sya ngayon. diretsuhin mo yan tapos kumaliwa ka." pagkasabi nun patakbo akong pumunta sa operating room. pagkakita ko rito saktong may lumabas na doktor galing sa loob.

"relatives of miss Del Castillo?" palinga- linga nitong sabi nagmamadali akong lumapit dito.

"ako po dok kamusta na po sya? is she ok?" nag-aalalang tanong ko dito.

"ikaw lang ba ang kamag-anak nya? wala kang kasamang iba?"

"ako nalang po ang nag-iisang kamag-anak nya. ate ko po sya..." bigla naman natigilan ang doktor na parang nagdadalawang isip.

"ano po dok? kamusta po ang ate?"

"im sorry to tell u this hija... but she didn't survive... ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero...."

hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng doktor. parang lumulutang ang pakiramdam ko nung mga oras nayun. napaupo lang ako ng wala sa sarili. hindi ko alam pero walang luhang pumapatak sakin. siguro dahil sa sobrang sakit wala akong maramdaman. hindi ko napansin na ang tagal ko ng nakaupo dito. ni hindi ko nga nagawang tignan nung ilabas ang bangkay nya sa operating room. naramdaman ko nalang ang mahinang tapik sa balikat ko.

"dad..." dun ako naiyak ng sambitin ko yun. nakita ko syang nakatayo walang mababakas na emosyon sa muka nito.

"what are u doing here? kung wala pang tumawag sakin na wala ka daw sa school nyo hindi ko rin malalaman na nandito ka pala." mahinahon pero matigas na pagkakasabi nito.

"dad wala na si ate Michelle... wala na sya!" umiiyak ko ng sabi dito pero parang wala lang sa kanya ang narinig.

"so your here for that woman? hindi mo ba alam kung magkano ang binabayad ko sa school na pinapasukan mo? at ano? nandito ka lang para sa babaeng yun? " natigilan ako sa sinabi nito.

"that woman your referring to is my sister! hindi lang sya basta kung sino! at wala na sya ngayon! patay na sya dad! wala na si ate Michelle!"

"so what do u want me to do? sinabi ko na sayo noon pa na pariwara at walang kwenta yang kapatid mo diba? hindi ko nga alam kung bakit naki-usap ka na pag-aralin ko sya! and then what? she just threw her life away by getting into a filthy relationship with a married man? and not just any man! a man that is twice her fuc*ing age! yun ba? yun ba ang klase ng babaeng gusto mong maikabit sa pangalan natin? u may be her sister but she's not my daughter and i can't tell u how thankful i am with that information."

"wag mo syang pagsasalitaan ng ganyan! mas naramdaman ko pang minahal ako ni ate kesa sayo! ginawa nya ang lahat para muli mo syang ituring na anak mo! and what did u do? u made her change her last name! anong nangyari dad? diba tinuring mo rin naman syang tunay na anak... bakit... anong nangyari?" umiiyak na tanong ko dito.

"tama ka tinuring ko syang tunay kong anak yun ay nung kala ko ay anak ko talaga sya. kung alam ko lang noon pa na nagtaksil ang nanay nyo di sana sa kulungan ang bagsak nya. pero atleast binigay ka nya sakin. ikaw ang kadugo ko hindi si Michelle at ngayong wala na sya sasama ka na uli sakin at titira sa mansyon. hindi na kita susuportahan pag hindi ka umuwi."

"mas gugustuhin ko pang mabuhay mag-isa kesa makasama ka! namatay si mom ng wala kang pakialam at ngayon si ate! tingin mo ba gusto pa kitang makasama?!"

"mas lalo mong kailangan ang tulong ko ngayon Alexei"

"at bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo? kaya kong mabuhay mag-isa! hindi kita kailangan!"

"talaga? alam mo wala nga kong pakialam sa ate mo pero dahil sa nagpumilit ka na tumira kasama sya napagpasyahan kong pasundan sya at alamin kung ano ang mga ginagawa nya."

"wala akong pakialam sa mga nalaman mo kay ate. umalis ka na dito at ayaw na kitang makita!"

"sigurado ka ba dyan? hindi mo ba gustong malaman kung sino ang lalaking kasama ng ate mo nung maaksidente sya? kung sino ung lalaking basta nalang sya iniwan dito sa hospital dahil may pamilya syang uuwian? ang lalaking ginawa syang kabit?" napukaw ang interes ko sa sinabi nyang yun. gusto ko kasing malaman kung sino ang lalaking laging iniiyakan ni ate. ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan na tumawag sakin ng mangyari ang aksidente. hindi ito ipinakilala sakin ni ate at kelan ko lang nalaman kay dad pamilyado pala ito.

"sino? sino ung lalaking yun at papatayin ko sya!"

"hindi mo kaya ang lalaking yun sa ngayon Alexei."

"hindi ako papayag na basta ganun nalang ang nangyari kailangang pagbayaran nya ang ginawa nya kay ate Michelle!"

"at pano mo gagawin yun kung ang sarili mo nga hindi mo maiayos? u know Alexei revenge needs a thorough planning. u can't just execute a very difficult task without analyzing all the possible outcome. u have to be very patient and very careful and knowing u hindi ka pa nakakalapit sa kanya siguradong alam nya na ang gagawin mo.

"and what do u want me to do? sit here mourning while that man go around pretending he didn't do anything wrong? that he didn't just cause my sister's death?"

"ayan ang hirap sayo Alexei lagi mong dinadaan sa galit ang lahat. gamitin mo yang utak mo. paghandaan mo yang plano mo at pagdumating ang araw na kaya mo na at handa ka na saka mo sya pagbayarin sa mga ginawa nya. "

"bakit mo sinasabi to sakin? kala ko ba wala kang pakialam kay ate?"

"im doing this for the empire and for u... ikaw ang magmamay-ari ng lahat ng pinaghirapan ko. lahat ng meron ako na minana ko pa sa lolo't lola mo. hindi ako papayag na hindi ikaw ang magpatakbo ng mga negosyong maiiwan ko."

"ayun pala...iniisip mo na naman ang sarili mo. alam mo dad i always knew your a cruel businessman but i never thought u could be a heartless father."

"ginagawa ko lahat ng to para sayo anak. ikaw na lang ang meron ako. at kung kailangan kong gamitin tong nangyari para bumalik ka sakin gagawin ko. ituturo ko sayo lahat ng alam ko. mula sa kung pano magpalakad ng negosyo, kung pano ito pabagsakin at kung pano ibangon uli ito. pagkatapos nun gawin mo na ang gusto mo.

"ok gagawin ko ang gusto mo pero gagamitin ko lahat yun para gumanti."

"now that's my daughter...pero hindi mo pwedeng gawin yun ng basta basta. makapangyarihan sya at maraming koneksyon. but with my money and power u could easily crash him into pieces."

"so your going to help me?"

"di ba sabi ko naman sayo noon pa. if u want something u have to work pretty damn hard to get it. sa tamang panahon pamahalaan mo ang empire lalo mong palaguin and then u could use all your resources para pabagsakin ang kahit na sinong naisin mo."

"kilala kita dad alam kong may iba kapang hindi sinasabi sakin ano yun?"

"alam mo namang ikaw lang ang tangi kong tagapagmana and u can't even bear a child for some unfortunate reason."

"diretsahin mo na ko dad anong gusto mong sabihin?"

"alam mo bang may anak na babae ang lalaking naging karelasyon ng kapatid mo?"

"ano namang kinalaman nun?"

"well nalaman ko lang naman na sobra sobrang mahal ng lalaking yun ang mga anak nya lalong lalo na ung prinsesa nya. bakit hindi sya ang gamitin mo para makaganti sa pangga-gago nya kay Michelle?" tinitigan ako ni dad at binitawan ang mga salitang hindi ko makakalimutan.

"hit him where it hurts the most..." yun ang pinaka tumatak saking isipan.

"ano ang pangalan ng lalaking gumawa nito kay ate?"

"Simone...Simone Alejandro Eclair...."


Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now