24 First Love

3.2K 128 29
                                    

Charlotte

"Babe ingat ka sa byahe mo ah... text mo ko pagdating mo sa office."

"sige... talaga bang ayaw mong samahan kita?" tanong nito.

nandito kami ngayon sa loob ng kotse nya na nasa tapat ng restaurant kung saan magkikita kami ni Sally.

May sasabihin daw itong importante tungkol sa problema nya.

ilang linggo na mula ng dumating kami mula sa isla ni Ishii at sa ngayon masaya kaming nag-eenjoy sa araw-araw naming pagsasama.

Napansin ko namang parang may nag-iba kay best mula ng dumating kami kaya kinulit ko syang ikwento kung anong mga nangyari sa kanya at kung bakit sya mukang problemado.

"wag ka ng mag-alala... at tsaka sabi ni Sally ako palang ang kaya nyang pagsabihan ng problema nya ngayon."

"cge pero kung may maitutulong ako tawagan mo lang ako ah?"

nag-aalala rin ang asawa ko kay Sally dahil sa mga kwinento kong mga ikinikilos nito magmula ng magbalik kami galing isla.

"opo tatawagan po kita." nakangiting sabi ko dito.

hinimas nya ang pisngi ko at tinitigan nya ko ng mabuti. naramdaman ko ang puso kong parang nakikipag habulan sa kabayo sa lakas ng tibok nito twing bibigyan nya ko ng ganyang tingin.

inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi nya at pinisil pisil ito. ngumiti naman sya at ipinagdikit ang noo namin.

"kiss mo ko?" pacute nito sakin.

binigyan ko naman sya ng halik sa noo na ikinasimangot nya. natawa tuloy ako.

may pagkapikon talaga kasi sya kung minsan.

binigyan ko sya ng sunod-sunod na halik sa labi na ikinahagikgik naman nya.

"oh, ok ka na?" tanong ko dito habang magkayakap kami.

"hmmm... ok na. pero mas ok kung..."

binulong nya sakin ang gusto nya na ikinapula naman ng buong muka ko! grabe yun pa talaga ah!

"ikaw talaga ang landi-landi mo!" sabi ko dito sabay hampas sa braso nya.

"may pagkamalandi talaga ako pagdating sayo." bulong naman nito sa tenga ko sabay pisil sa dibdib ko!

hinampas ko naman ang kamay nya at baka kun saan pa mapunta.

"manyak mo! cge alis na ko at baka pagsamantalahan mo pa ko dito."

akma na sana akong lalabas ng kotse ng hilahin nya ko sa braso at binigyan ako ng mapusok na halik.

"ok pwede ka ng umalis." nakangising sabi nito sabay kindat.

naisahan na naman ako!

"cge na... ingat ka sa pagdadrive ha?"

"ok po... cge ingat rin kayo text me if u need anything ok?"

"ok..." pagkasabi ko nun ay lumabas na ko ng kotse.

hinintay ko munang makaalis ng tuluyan ang sasakyan nya bago ako pumasok sa restaurant.

agad kong napansin si best sa may bandang dulo na para bang ang lalim ng iniisip.

mukang malaki talaga ang problema nito hindi naman sya ganyan dati eh! mabilis akong lumapit sa kinauupuan nito. ilang minuto na na nasa tapat nya na ko pero parang hindi nya parin ako nakikita.

"best!"

"ay bulbol!" iyon ang unang lumabas sa bunganga ni best ng sigawan ko sya.

"ang bastos talaga ng bunganga mo!"

Ich Liebe Dich (gxg)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt