9 Missing you

2.4K 110 5
                                    

Charlotte's pov

"So cha kamusta ang bakasyon mo? 3 months din tayong di nagkita ah?" masiglang tanong sakin ni david cha ang tawag sakin ng mga friends ko.

"it was nice. actually david may sasabihin sana ako sayo eh" kinakabahang sabi ko dito gusto kong sabihin ang tungkol sa kasal namin ni ishii pero hindi ung tunay na dahilan ng kasal. isa sya pinaka close friends ko nun pang highschool.

nandito kami ngayon sa hallway ng school namin. tapos na ang bakasyon. nagaaral kami sa Renaissance University last year ko na sa kursong photography. passion ko talaga to kaya to ung pinili kong kunin. kahit na expected ng lahat na related sa business ang kukunin kong course wala namang tutol ang pamilya ko dito basta daw masaya ako. sasabihin ko na sana ng biglang may dumating.

"Uy! cha! balita ko ikinasal ka na daw sa san fran ah? kalat na kalat na sa buong school nagpakasal ka daw? kaya pala wala kang sinasagot sa mga suitors mo may jowa ka na pala?" tanong sakin ni sherlyn.

"yes lyn tama yung narinig mo kasal na ko." ipinakita ko dito ang suot kong wedding ring.

"ha?! ikinasal ka na?! bakit di mo sinabi?!" hindi ko alam kung himig pagtatampo ba ang narinig ko mula kay david.

"wow!!! ang ganda ang yaman siguro ng napangasawa mo. di namin alam na ikaw pa ang unang makakapag asawa satin kala ko kasi nbsb ka? bakit di mo man lang kami ininvite? nga pala whose the lucky guy?"

sunod sunod namang sabi ni sherlyn. napatigil naman ako sa huli nyang tanong. sasabihin ko ba? mga dating business partners kasi ni dad at friends ni mommy ang bisita sa kasal. si sally lang ang invited ko. hindi ko naman sure kung ok lang ba sila na babae ang pinakasalan ko.

sasagot na sana ako ng makita kong dumating na ang iba pa naming kaibigan galing sa kani kanilang klase. sina erin,kelly at ang bestfriend kong si sally. agad na nagsalita si sally malamang narinig nya si sherlyn sa tanong nito.

"hoy ikaw lyn tigilan mo nga yang si bestfriend ko. as if naman makakapunta kayo e nasa ibat ibang bahagi kayo ng mundo! tyaka biglaan lang yun no muntik na nga silang magtanan."

"talaga? bakit buntis ka ba cha?" tanong naman ni kelly malamang narinig din nila ang tungkol sa pagpapakasal ko.

buntis ka?!" malakas na pagkakasabi ni david bigla tuloy kaming napatingin sa kanya nahiya naman ito at yumuko. "tinatanong ko lang masyado kasing biglaan."

"hayaan nyo muna ngang magpaliwanag si cha puro kayo sabat eh." seryosong sabi ni kelly

"alam nyo next time nalang kaya natin pagusapan to im sure pagod na si best kakauwi lang nyan kahapon galing honeymoon." salo uli ni sally buti nalang nandito sya.

"oo nga pero gusto namin makilala yang asawa mo ha and we want details." sabat uli ni erin

"oo nga bigla ka nalang nagpakasal di mo manlang kami sinabihan na may bf kana." sabat uli ni kelly habang pinagtutulakan sila ni sally papuntang next class.

napatingin ako kay david habang naglalakad ito paalis parang bigla naman itong lumungkot siguro nagtampo dahil di ko nasabihan.

naisip ko na naman si ishii

" kamusta na kaya sya..."

pagkatapos namin ikasal ni hindi pa sya nagpapakita sakin. ayon sa secretary nya busy daw sa mga business meetings buti nalang pumunta na sa france sina mom at dad para ayusin ang mga gusot sa company na pinabantayan muna ni ishii kay dad habang nirerebuild nya ang Eclair Company. si kuya naman  work nya na ibinigay sa kanya ni Ishii.

mga tauhan nalang ni ishii ang nag asikaso sakin hanggang sa paguwi ko sa pinas. sa condo nya muna ko tumutuloy sabay nalang daw kami uuwi sa Hacienda Fuentebella. hindi ko pa sya talaga nakakasama pero parang kulang ako nitong mga nagdaang araw na wala sya sa tabi ko.

"i dont know why but i miss u so much...."

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now