25 The one that run away...

2.9K 145 28
                                    

hi sa inyo as promise nag ud aq ngayon.

at sa mga nag comment sa mensahe ko mahal.... ang bilihin! LOL.

seryoso natawa aq at opo binabasa q yang mga comment nyo at sa nagsabing baliw ako totoo po yan. k cge umpisahan na at kekembot pa ko.

. . . . . . .

Ishii

"oh, Tsong ano bang napaka importanteng bagay ang sasabihin mo at parang napaka serious mo nung tawagan mo ko?" tanong sakin ng bestfriend kong si Batchi pagpasok na pagpasok palang nya sa office ko.

"she's back."

"ano? sinong bumalik?"

"Kathleen..."

"sinong....? Kathleen...?" takang tanong nito.

"the one that got away... or should i say run away."

base sa naging hitsura nya alam kong alam nya na kung sino ang tinutukoy ko.

"pumunta sya dito kanina."

"shiiit..." madiin na pagkakasabi nito.

"my exact reaction a while ago."

"u mean Kathleen? Kathleen Richelieu. ur ex fiancee that left u at the altar?"

"the one and only." may pait na sambit ko dito.

"naku tsong ano ngayong gagawin mo?" takang tumingin naman ako sa kanya ng sabihin nya yun.

"what do u mean?"

"ur first love is back." napabuntong hininga ako sa sinabi nyang yun.

si Kathleen ang kaisa-isang naging seryoso kong relasyon at nung iwan nya ko parang gumuho ang mundo ko dahil sya ang naging sentro nito magmula ng mamatay si ate Michelle.

"your right. she's back so?"

"anong so? diba sya ung everything mo? i mean baliw baliwan ang peg mo nung iwan ka nya!" tama naman sya.

natawa tuloy ako nung maalala ko ang pinaggagawa kong katangahan ng matapos akong iwan ni Kathleen sa altar. sukat ba namang ilang hakbang nalang papunta sakin bigla pang nagbago ang isip nya at tumakbo palabas ng simbahan.

kala ko kailangan nya lang mag-isip.

na babalik sya at pagnangyari yun hihintayin ko pag handa na sya saka kami magpapakasal.

pero lumipas ang araw, linggo at mga buwan pero ni anino nya hindi ko nakita.

ginamit ko ang pera kapangyarihan at koneksyon ko para mahanap sya.

nalaman kong pumunta sya ng France. sinundan ko sya dun at nalaman ko nalang na may boyfriend pala sya dun. at matagal na silang magkarelasyon.

pinagsasabay nya pala kami.

kaya pala lagi syang umaalis ng bansa.

nakiusap ako sa kanya umiyak at lumuhod.

ang tanga lang no?

ang sabi nya lang confused lang sya kaya nagawa nyang makipagrelasyon sakin.

so magmula pala nung 15yrs. old kami hanggang nineteen hindi pa sapat na panahon sa kanya para malaman ang tunay nyang nararamdaman.

sinabi kong hihintayin ko sya.

ang sabi nya lang wag na at alam na nya kung sino ang tunay nyang mahal at yun ay ang boyfriend nya.

matagal na daw nya sanang gustong sabihin sakin yun kaso biglang nawala ang ate kaya ayaw nyang dadagdagan ang nararamdaman kong sakit kaya hinintay nya kong maka move on.

Ich Liebe Dich (gxg)Where stories live. Discover now